Chapter 12

1.2K 42 0
                                    

Ngayong araw ang kasal ni Aizen kaya lumapit ako sa kanya sabay akbay sa pinsan ko. I'm so proud of him.

"Congrats, cous."

"Thank you. Ikaw ba kailan ka ba magpapakasal ah?"

"Soon but I don't know when. Hindi pa naman ako umaamin sa kanya na mahal ko siya at hindi ko pa siya girlfriend. Makikipaghiwalay na muna ako kay Van bago ako aamin kay Aria."

Habang nasa kaligtnaan ng wedding ceremony ay biglang tumunog ang phone ko. Mabuti na lang mahina ang message tone ko kaya hindi bumabog sa buong simbahan.

From Gail,
Enzo, kailangan mong bumalik na agad dito.

To Gail,
Why? What's wrong?

From Gail,
Sinabi na ni Vanessa sa media na malapit na ang kasal niyong dalawa. I hate her to be my sister-in-law, Enzo. Kapag natuloy ang binabalak niyang kasal niyo ay kakalimutan kong kapatid kita.

What the hell?

Ayaw ko naman sirain ang kasal nina Aizen at Aya ngayon pero kailangan ko rin naman magpaalam sa kanila. Kailangan ko na rin bumalik sa Australia as soon as possible. Gusto ko malaman kung ano ang binabalak ni Vanessa ngayon para matuloy lang ang kasal.

Alam na ba niya kung bakit ako wala ng ilang araw? Imposible dahil alam ko naman hindi sasabihin ni mama o Gail kung saan ako ngayon. Kung alam na ni Vanessa ay sana noon pa lang nagkita na kaming dalawa.

Dumeretso na kaming lahat sa reception pagkatapos ng kasal nina Aizen at Aya. Nakita kong nagdesisyon na yung tatlong groomsmen na lumapit sa table nila Aizen ngayon. Baka i-congratulations lang nila ang bagong kasal. Ang unang bumalik sa table namin si Luca, mga isang minuto ay ang bumalik naman si Chuck. Nang bumalik na si Buck ay doon na rin ako lumapit sa bagong kasal.

"Congrats to the both of you. And sorry, I really need back in Australia."

"Akala ko hanggang New Year ka pa dito?" Tanong ni Aizen. Sumalubong na ang mga kilay nito.

"I want to but I can't. Nakaabot sa mga media ang nangyari sa dito. Maybe I should break up with Van because I don't want to ruin her fame and reputation." Sabi ko. Ayaw ko na rin naman kasi palakihin pa ang gulong ito kapag nalaman talaga ni Vanessa ang totoo.

"Mas mabuti pa."

"After nitong gulong pinasok ko ay babalik ako dito at baka yayain ko na si Aria magpakasal."

"Siguraduhin mong tuloy na sa simbahan ah." Natatawang sambit ni Aizen.

"Oo naman. Iimbitahin ko kayo sa kasal namin at papasyal ko kayo sa Australia."

"Hindi pa nga umoo kasal agad ang topic mo." Nakangiting sabi ni Aya sabay peace sign sa akin. Humalakhak naman si Aizen. Grabe talaga ang magasawang ito.

"Excited na, wifey. At saka hindi na bumabata si Enzo kaya kailangan na niyang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya." Tumingin naman agad siya agad sa akin. "Kailan ang alis mo?"

"Tomorrow morning."

"Good. May announcement pa kasi ni Aya bago matapos ang reception."

Bumalik na rin ako sa table namin at nakita ko ang pagtayo ni Aizen para sa anunsyo na sasabihin niya sa aming lahat. First of all, he said thank you to all of us and lastly, he announced about Aya's pregnancy to their twins. Sobrang saya ko dahil magkakaroon ng bago sa pamilya ni Aizen ngayon.

Ako kaya? Kailan ako magkakaroon ng sariling pamilya katulad nangyari sa pinsan ko ngayon? Ilang araw na rin kasi hindi nagpapakita sa akin si Aria simula noong may nangyari sa amin. Pinagsisihan siguro niya nangyari iyon. Shit, ang sakit pala.

Pagkatapos ng reception ay bumalik na ako agad sa hotel ko para asikasuhin na ang mga gamit ko at ang pagaalis ko bukas. Kailangan ko talaga makabalik agad sa Australia as soon as possible.

Nakita kong may tumatawag sa akin kaya agad ko naman iyon sinagot.

"Hindi ka na nagreply sa message ko sayo kanina. Ano na ang plano mo ngayon? Babalik ka na ba agad dito?"

"Gail, huminga ka na muna. Babalik ako ng Australia bukas. Susubukan kong makahanap ng mas maagang schedule para makabalik ako agad. Kakausapin ko na rin si Van pagkarating ko diyan."

"So, matutuloy ang kasal niyo?"

"No, walang kasal mangyayari because I love Aria than Van." Nilayo ko ang phone ko sa aking tenga ng tumili si Gail.

"Are you sure? Mahal mo na si ate Aria? Oh my gosh! I'm going to tell this to mom at sigurado akong magiging masaya iyon."

They sure like Aria than Vanessa. Mabait na tao si Aria at sabi ko noon tinuring na nilang pamilya si Aria na hindi nila ginawa kay Vanessa kapag siya ang kasama ko. Iba ang trato nila mama at Gail kay Aria.

"Huwag ka ngang tumili diyan. Ang sakit sa tenga. And yes, I love your ate Aria kaya gagawin ko ang lahat para maging girlfriend ko lang siya at yayain ko na rin magpakasal sa akin."

"I can't wait for that happen, Enzo." Napailing na lang ako dahil ganoon niya kagusto si Aria pero may isang problema. Hindi ko alam kung saan makikita si Aria ngayon.

"I need to end this call. Aasikaso na muna ako ng mga gamit ko at tatawagan na lang kita kung nakarating na ako sa Australia."

"Okay, ingat ka ah. Magiging sister-in-law ko pa si ate Aria." Binaba ko na ang tawag at tinuloy ko na rin ang pagaayos ng mga gamit ko.

Ano kaya ang mangyayari pagbalik ko sa Australia? Magiging maayos kaya? Pero ayaw ko naman magisip ng negative. Wala naman mangyayaring masama kapag nakipaghiwalay ako kay Vanessa pagbalik ko, eh. Ito naman kasi ang gusto niyang mangyari sa amin. Ewan ko ba kung bakit pa siya bumalik sa akin, wala rin naman siya mapapala sa akin dahil hindi naman ako sikat katulad niya.

Nagpabook na ako ng flight ko pabalik sa Australia bukas kaya wala na akong problema para makabalik agad. Aasikasuhin ko na lang ang inanunsyo ni Vanessa na hindi man lang ako sinabihan. Bigla bigla na lang siya nagdedesisyon na hindi ko alam. Paano pa kaya kung hindi ako sinabihan ni Gail? Sigurado akong pagbalik ko ng Australia ay magugulat na lang ako, ikakasal na pala ako na hindi ako handa.

Taming An AssassinWhere stories live. Discover now