Chapter 2

1.9K 62 0
                                    

Naging abala ko ngayon sa studio simulang lumipat ako ng matitirahan pero siyempre hindi ko nakakalimutan ang pagbisita kila mama sa Sydney. Importante ang pamilya ko sa akin simulang iniwanan kami ng ama ko. Wala na kaming balita sa kanya, hindi nga namin alam kung bunay pa ba siya o patay na. Simula noon ako na ang tumayong ama ni Gail pero ngayon malapit na ako magkaroon ng sariling pamilya.

Ngayon na pala ang uwi ni Vanessa galing New York kaya ako na ang nagpasyang sumundo sa kanya sa airport. Kahit pa nga ako tapos para sa photoshoot ng ilang modelo ko ay binilin ko na muna si Stacey, ang aking assistant na pupunta muna ako sa airport para sunduin si Vanessa.

Pagdating ko sa airport ay napaaga yata ang dating ko dahil hindi pa lumalanding ang sinasakyang eroplano ni Vanessa. Sobrang excited na kasi ako makita ang fiancee dahil ngayon lang ulit kami magkakasama sa loob ng tatlong buwan.

Nang makita ko na si Vanessa. She's damn pretty. Wala pa rin nagbago sa itsura niya dahil ganoon na ganoon pa rin siya. Maganda at sexy. Kung hindi siya ganoon ay hindi siya magiging sikat na model. She is been a model for 4 years and we've been together for 8 years. Ganoon na katagal ang relasyon naming dalawa ni Vanessa pero may isang bagay ang hindi kayang suportahan ng girlfriend, ang pagiging photographer ko. Alam naman niya ito ang pangarap ko sa buhay ang maging professional photographer. Natupad ko na rin naman ang pangarap kong iyon at nagkaroon pa ako ng sariling studio. Hindi porket may sariling studio na ako ay kakalabanin ko ang agency ng pinagtatrabahuan ni Vanessa. Hindi ko iyon gagawin sa girlfriend ko dahil ayaw ko naman magalit siya sa akin.

"Van." Lumapit na ako sa kanya para halikan pero siya mismo ang umiwas sa akin. Pagod lang siguro dahil sa layo pa naman ang biyahe niya galing New York hanggang dito sa Melbourne. Kinuha ko na rin sa kanya ang tinutulak niyang cart.

"What are you doing here, Enzo?"

"I lived here. I want to be with you, babe. I built my own stu--" Hindi natapos ang sasabihin ko dahil ang daming reporters ang nagsipuntahan sa airport ngayon. Ang bilis talaga kumalat ng balitang babalik na ng Australia si Vanessa.

"Ms. Vanessa, do you really a relationship with mr. Elijah Evans." Kumunot ang noo ko sa aking narinig kaya napatingin ako kay Vanessa. Kilala ko rin yung lalaki dahil isang beses niya nakasama sa isang photoshoot. Isa ring model si Elijah Evans.

"Well, yes. Elijah is a good man and we've been together for 5 months." Nagulat ako sa sinagot ni Vanessa. Nasasaktan ako sa narinig ko dahil limang buwan na pala niya ako niloloko, pero bakit niya tinanggap ang proposal ko noon bago pa siya umalis? Ginamit lang ba ako?

Hindi ako kumikibo paglabas namin sa airport. Ang excitement ko kanina ay napalitan ng galit at poot.

"What was that? You are having affair with Elijah Evans?! You want to be with him because he is a good man? How about me, Van? We've been together for 8 years!" Sa buong buhay ko ay ngayon pa lang ako nagalit ng ganito. Sobra akong nasaktan. First love ko si Vanessa pero ganito ang gagawin niya sa akin.

"Ever since I don't love you, Enzo because you're just a..."

"A photographer? Yes, I'm just a photographer and you can't even support what I want in life. I gave everything all you want, Van. Because I love you and you know that but after what I heard earlier you're cheating on me. My god! This will our last to see each other again, Van." Iniwanan ko na si Vanessa sa labas ng airport at wala na akong pakialam kung maraming tao ang nakatingin sa amin. Wala naman akong iniingatang reputasyon dahil isa lang naman akong photographer.

Mayaman ang pamilya ko pero gusto ko lang naman ay isang simpleng buhay. Paghihirapan ko ang lahat na gusto ko makuha.

Dahil gusto ko na muna makapag isa ngayon kaya nagpasya na ako pumunta sa isang bar. Bihira lang ako pumunta sa mga bar kung wala naman nagyaya sa akin. Dumeretso ako sa may bar counter pero may isang tao ang umagaw ng atensyon ko. Siya yung babaeng nakita ko sa Royal Botanic Garden kasama si Aizen.

"Boss, tequila." Sabi ko doon sa bartender bago tumingin sa babaeng nasa tabi ko. Maganda siya sa malapitan. "Hi."

"Hello."

"I'm Enzo. And you are?" Nilahad ko ang kamay ko pero hindi niya tinanggap ng ilang minuto pero sa bandang huli ay tinanggap rin niya ang kamay ko.

"Aria."

Kahit ang pangalan niya ay maganda rin.

Huwag mo sana kalimutan may kasamang lalaki noong araw na iyon. May boyfriend na siya.

Dumating na ang order kong tequila kaya tinungga ko na agad para makalimutan ko ang sakit nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na nga alam kung nakailang shots na ang nainom ko at pakiramdam ko umiinit ang buong katawan ko sa hindi ko maintindihan.

Tumingin ako sa tabi ko pero wala na doon si Aria baka sinundo na siya ng kanyang boyfriend. Maswerte pa ang boyfriend niya dahil mahal siya ng kanyang girlfriend pero ako ni minsan ay hindi naman pala ako minahal ng girlfriend ko.

Lumingon ako ng may tumapik sa balikat ko and I saw Aria's beautiful face. Bakit pa siya bumalik dito? Ang akala ko pa naman sinundo na siya ng kanyang boyfriend.

"You're already drunk. I will take you home." Sabi niya sa akin. Kahit ngayon pa lang kami nagkakilala ay parang concern na siya agad sa akin.

"I'm not drunk and I can go home by myself."

"You already drunk 5 shots of tequila, mr. Enzo."

Sasagot pa sana ako pero hinila na niya ang braso ko para tumayo. Inalalayan na rin niya ako para makaalis na kami sa bar na iyon. Hindi ko pa nga nababayaran yung mga nainom kong tequila kanina at baka hanapin ako ng bartender na iyon dahil hindi pa ako naghahanap.

Naramdaman ko na lang na pinahiga na niya ako sa isang malambot na kama. Kailangan ko rin ito para makatulog na rin at baka bukas ay makakalimutan ko ang lahat. Baka bukas ay puntahan ako ni Vanessa na nagbibiro lang siya sa sinabi niya sa mga reporters kanina.

"Oh. Why did you do this to me, Vanessa? I'm sure you know how much I love you." May braso akong hinawakan at hinila ko siya para mahalikan. Hindi nga siya nagdalawang isip tumugon. "I love and I will do anything to get you back."

Taming An AssassinWo Geschichten leben. Entdecke jetzt