Chapter 3

1.7K 61 0
                                    

Napabangon ako habang nakahawak sa ulo ko dahil sa hangover. Ngayon lang ako nagkaroon ng hangover sa buong buhay ko. Nilibot ko ang buong kwarto but this is not my room. Nasaan ako ngayon? Wala ako maalala nangyari kagabi at kung paano ako nakarating dito. Nilibot ko ulit ang buong kwarto pero ako lang ang nandito.

Patayo na sana ako sa kama pero may napansin akong bloodstain sa bedsheet ng kama. Kumunot ang noo kahit masakit pa rin ang ulo ko ngayon.

Bloodstain? That means I'm not alone last night. May kasama ako.

Sino naman ang kasama ko kagabi? And I made a big mistake last night dahil nangyari kami sa mystery girl kung sino man siya.

"Damn it!" Tumingin ako sa phone ko dahil tumunog iyon and I saw mama's name. Agad ko naman sinagot ang tawag ni mama. "Hello?"

"Free ka ba sa weekend, Enzo? It's your sister's birthday baka kasi nakalimutan mo na kaya pinapaalala ko sayo."

Nawala na nga sa isip ko malapit na ang birthday ni Gail dahil sobrang problema ko nangyari kahapon. I broke up with Vanessa dahil may iba na siyang boyfriend and this mystery girl that I don't remember who.

"Yes po. Pupunta ako diyan sa birthday ni Gail. Baka po kasi magtampo iyon sa akin kapag hindi ako pumunta."

"Can you come here on Friday? Ang balak ng kapatid mo ay sa isang beach ang birthday niya."

Tatlo lang naman kami o baka niyaya niya rin ang mga kaibigan ni Gail sa birthday niya.

"Okay po. On Friday." Binaba ko na yung tawag at mabuti hindi nagtanong si mama tungkol sa amin ni Vanessa o baka walang alam ang pamilya ko kung ano nangyari kahapon.

I broke up with my ex girlfriend. Walang kasalanan magaganap dahil niloloko lang pala ako ng babaeng iyon.

Maling tao ang kinalaban mo, Vanessa. Kung akala mo mabait akong tao, pwes papakita ko sayo kung paano ako magalit dahil sa loob ng walang taon ay hindi mo pa kilala kung paano magaling ang isang Enzo Evergreen.

Pag-check out ko sa hotel ay dumeretso na muna ako sa malapit na coffee shop para mawala ang hangover ko. Isang brewed coffee ang inorder ko pero hindi lutang naman ako dahil ang iniisip ko kung sino ba talaga ang babaeng nagalaw ko kagabi.

Nakaramdam ako ng guilt dahil sa nangyari kagabi. I was drunk and I don't know what happened.

"Hello." Napakurap ako ng may marinig na isang sweet voice. Tumingin ako kung saan nanggaling ang boses and I saw Aria.

Aria?

Right, the girl I met last night. Ang babaeng nakita ko sa Royal Botanic Garden noong isang araw at ang babaeng na-love at the first sight ako dahil sa kagandahan niya. Hindi ako pwedeng magkamali isa siyang model ng women magazine.

"Hi." Umupo ako ng tuwid at inalok ko siya na maupo sa harapan ko. Sumakit na naman ako ang ulo ko dahil sa hangover.

"Still have hangover?"

"Yes." Agad kong sagot habang hinihilot ang sintido.

"Huwag ka kasi masyadong uminom. Halatang hindi ka sanay sa ganoong bagay." Napatingin ako sa kanya sa biglang pagTagalog nito.

"Are you a Filipina? Wow." Hindi ako makapaniwala. Pero kailangan ko maniwala dahil nagTagalog na nga siya kanina.

"Yes, I am. May inaasikaso lang kasi ako dito sa Australia kaya nandito ako ngayon pero pagtapos ko dito ay paniguradong babalik na ako sa Pilipinas."

Sasagot pa sana ako biglang tumunog ang phone ko and this time si Gail na ang tumatawag sa akin.

"What do you want, Gail?"

"Did you broke up with Vanessa?"

"No. Why?"

Hindi ko alam kung bakit pero handa akong patawarin ang ginawa ni Vanessa sa akin kahapon. Mahal ko pa rin siguro si Vanessa.

"May pinakitang scandal ang kaibigan ko sa akin kanina. Iyon ay ang away niyong dalawa ni Vanessa sa labas ng airport. Panigurado akong sira na ang iniingatang reputasyon ni Vanessa ngayon kung ano man ang pinagawayan niyong dalawa. Sabi ko naman sayo hindi siya ang babae para sayo, Enzo. Marami pa diyan."

"Wala iyon. May misunderstanding lang kami ni Van. Ganito naman ang isang relasyon may misunderstanding pero magkakaayos rin kaming dalawa."

"Hiwalayan mo na kasi. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa babaeng iyan."

Hindi ko na sinagot pang muli si Gail. Walang alam ang pamilya ko sa nangyari kahapon. They don't have any idea that I broke up with Vanessa yesterday. Nabulag na yata ako sa pagibig dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya.

"Mr. Evergreen." Napaangat ako ng tingin noong tawagin ako ni Aria. Nawala sa isipan kong may kasama pala ako. "Nakita ko pala sa internet na naghahanap pa kayo ng magaling na model."

"Yes, that's true. May experience ka na ba sa pagiging model?"

"Not yet. First time ko pa lang ang mag-apply sa isang agency na katulad nito."

Seriously?! Para talaga siyang model pero ang sabi niya first time pa lang niya maging model. Ang swerte ko naman yata dahil ang isang katulad ni Aria ay papasok bilang model ko.

"Okay, mamaya punta ka na lang sa address na ito to sign a contract." May inabot ako sa kanyang calling card. "Dahil bukas ay wala ako kasi kailangan kong bumalik sa Sydney para birthday ng kapatid ko."

"Mga anong oras ako pupunta sa address na ito mamaya?"

"After lunch, I think." Tumayo na ako ng matapos na akong uminom ng kape. "I have to go. Uuwi pa ako sa bahay ko para maligo at matutulog ulit ako. At kapag papunta ka na ay tawagan mo muna ako baka kasi tulog pa ako."

Pagkauwi ko sa bahay ay dumeretso na ako sa banyo para maligo. Maybe a cold water can help me from hangover. Sobrang sakit talaga ng ulo ko ngayong araw.

And after take a shower ay pinatuyo ko na muna ang aking buhok gamit ang tuwalya bago pa ako nagbihis at humiga sa kama para matulog ulit. Baka kasi makakatulong rin sa akin ang pagtulog.

Mga ilang oras rin ako natulog nang may tumatawag sa phone ko, kinuha ko iyon agad sa side table at hindi ko na inabalang tingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello?" I answered the phone with my husky voice.

"Mr. Evergreen, this is Aria Bailey. Gusto ko lang sabihin sayo nasa tapat na ako ng bahay niyo." Biglang nagising ang diwa ko dahil nandito na siya. Hindi na ako sumagot dahil nagmamadali na akong bumangon. Kinuha ko na rin ang kopya ng contract bago pa bumaba.

Agad ko naman pinagbuksan ng gate si Aria at pinatuloy ko na siya sa loob.

"Sabi ko naman sayo kanina ay tumawag ka sa akin kung papunta ka na. Upo ka na muna." Alok ko sa kanya kaya umupo na sa sofa si Aria.

"Sorry pero nakailang tawag na ako sayo kanina pero hindi ka sumasagot kanina."

"Oh." Napatingin ako sa phone ko. Aria's right because I have 10 missed calls. "Ako dapat ang humingi ng sorry sayo. Napasarap yata ang tulog ko kanina. Heto na ang contract na kailangan mong pirmahan." Nilapag ko ang isang papel sa center table at inabutan ko na rin siya ng ballpen.

"Can I read the contract first before I sign?"

"Sure, take your time. Magluluto na muna ako." Dumeretso na rin ako sa kusina para magluto ng makakain. Kape nga lang pala ang inalmusal ko kanina kaya siguro nagagalit na ang alaga ko sa tyan.

Taming An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon