Chapter 29 (FINALE)

1.9K 40 2
                                    

The end is near! Yay! Ilang gabi ko pinuyatan para matapos lang ito 😂

~~~~

Aria's POV

Ngayong araw ang kasal namin ni Enzo at sana nga lang walang mangyaring masama o umeksena ang kotra-bida sa buhay namin, wala ng iba kundi si Vanessa. Alam ko naman hindi siya titigil hanggang hindi niya makuha ulit si Enzo kaso ano ang magagawa niya kung ako ang mahal ng ex fiance niya.

Nakilala ko na rin ang mga kaibigan niya sa Pilipinas kahit nga lang ang pinsan niya at ang pamilya nito. Nandito rin ang pamilya ni Enzo. Si Gail nga tuwang tuwa noong nalaman nagpropose na sa akin ang kuya niya. Pero ang nakakalungkot nga lang hindi makakadalo si Creed dahil sinasamahan niya ang mag-ina niya. Sa tingin ko magiging mabuting ama si Creed sa magiging anak nila.

May narinig akong katok mula sa pinto at bumukas na rin iyon para pumasok sa loob ang taong kumakatok kanina. Si Aya at ang dalawang kaibigan niya, sina Callie at Nika.

"Aw, ang ganda mo." Ngumiti ako sa sinabi ni Callie. Siya pala yung may ari ng restaurant ng kinainan namin kung saan nagpropose si Enzo.

"Kaya nga na in love si Enzo kay Aria dahil maganda talaga siya." Sabi naman ni Aya. Maganda rin naman siya. Magaling rin pumili ang pinsan ni Enzo.

"Congrats, ate Aria."

"Thank you sa inyo."

"May napapansin lang ako kakaiba sayo ngayon." Tumingin ako kay Callie. "Blooming ka kasi ngayon. Buntis ka ba?"

Ngumiti lang ako sa kanya. Buntis naman talaga ako pero hindi pa naman ganoon kalaki ang tyan ko dahil 2 months pa lang naman akong buntis.

"Talaga? Sigurado akong matutuwa si Enzo kapag nalaman niya ang tungkol sa pagbubuntis mo." Sabi ni Aya.

"Matagal na niyang alam tungkol sa pagbubuntis ko ngayon. Sinabi ko sa kanya noong araw bago pa siya nagpropose sa akin."

Nagpaalam na rin silang tatlo sa akin at saktong dumating ang wedding planner para sabihin malapit na magsimula ang seremonya ng kasal.

Ginanap ang kasal namin sa Pilipinas dahil dito ko gustong makasal sa taong mahal ko. Kahit nga tumira ay dito ko rin gusto kaso ang gusto ni Enzo sa Australia para malapit lang sa pamilya niya at naiintindihan ko naman siya. Dito kasi ako pinanganak at pinalaki ng mga magulang ko kaya gusto ko dito rin bumuo ng sariling pamilya at saka dito ko rin pinanganak si Rina.

Isang garden wedding. Hindi church or beach wedding, isang garden wedding talaga ang mangyayari ngayon.

Nakita ko na si Enzo nakatingin sa gawi ko habang naglalakad ako sa aisle.

"You looks so beautiful, 'my." Nakangitin tugon ni Enzo sa kanya. Kahit rin naman siya ay gwapo sa suot niyang black tuxedo.

"Gwapo ka rin naman."

"I'm so happy dahil natuloy na rin ang pagpapakasal ko." Natawa na lang ako ng mahina. Kahit hindi ako unang babae naging fiancee ni Enzo ay kami pa rin pinagtagpo ng tadhana. Tinadhana kami para sa isa't isa.

Pagkatapos ng wedding ceremony ay dumeretso na kami sa reception.

"Good afternoon, ladies and gentlemen." Tumingin lahat sa harapan noong nagsalita ang emcee. "First of all, congratulations newlywed. And pwede na kumain."

Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami ni Enzo sa table ng mga bisita namin and they're congratulated us. Pumunta na rin kami sa table ng pamilya niya at sinalubong ako ng yakap ni Gail.

"Congrats sa inyo, ate Aria, Enzo." Nakangiting sabi ni Gail sa akin.

"Bakit hindi mo pa rin ako tinatawag na kuya hanggang ngayon ah?"

"Hindi ako sanay tawagin kang kuya. I used to call you Enzo instead kasi."

"Hindi ka namin pinalaki ni mama na maging ganyan ka, Gail." Tumingin ako kay Enzo na halatang naiinis siya sa kapatid. "But whatever."

Ang sunod namin pinuntuhan ang table ng mga kaibigan niya.

"Congrats, insan." Halata ngang close silang dalawa sa isa't isa. Kahit malayo sila ay hindi mawawala ang closeness nilang magpinsan.

"Sino ang susunod na ikakasal sa inyo? Tawagan niyo na lang ako kung malapit na kayo ikasal ah."

"Buck."

"Huh? Anong ako? Wala pa naman akong girlfriend para magpakasal. Ikaw na, Luca. Nagpropose ka na rin naman kay Kristine, eh."

"Nagpropose ka na pala. Hindi mo man lang ako sinabihan. Bakit hindi mo naman siya sinama?"

"Tinutulungan niya ang kanyang papa ngayon kaya siya sumama."

"Kailan naman balak magkasal?" Tanong ulit ni Enzo sa kausap niya.

"Hindi pa namin pinaguusapan pero sasabihan na lang kita kung malapit na. Hindi naman kita pwedeng kalimutan, Enzo."

Bumalik na kami ni Enzo sa table at lumapit sa amin ang emcee sabay abot ng microphone sa amin.

"Baka may gusto kayong sabihin sa bisita." Bulong niya sa amin. Tumingin ako kay Enzo dahil kinuha niya ang microphone na inaabot sa amin.

"Hello, everyone. I would like to say thank you for coming to our wedding." Tumingin naman si Enzo sa akin na may ngiti sa mga labi nito. "To my wife, I love you."

"I love you too."

"Kiss!" Sigaw ng ilang bisita namin.

"Kiss daw, 'my." Natawa na lang ako ng mahina bago tumayo. Sinunggaban na agad ako ni Enzo ng halik sa labi.

Nakarinig akong hiyawan mula sa mga bisita namin kaya napangiti na lang ako.

"And lastly, I have an announcement." Tumahimik naman agad ang mga tao nasa paligid namin. "This is best gift from my wife because she is pregnant for our second child. That's all. Thank you."

Sumigaw na ulit ang ilang bisita pero hindi kung anu-anong ingay lang ang sinisigaw nila, kundi congratulations.

Pagtapos ng reception namin ay wala naman nangyaring gull naganap ngayong araw hindi katulad noong isang araw sa Australia na may putukan naganap. May ilang tao rin kasing sugatan sa nangyari and I'm sure their target is me. May mga naging kalaban na rin naman ako noon habang nasa kalagitnaan ng isang misyon. Iyon akala ko napatumba ko na sila pero isa pala silang masamang damo na hindi mamatay agad-agad.

"What's wrong? You're crying, 'my." Bakas sa mukha ni Enzo ang pagaalala.

"I missed my family."

Pumunta naman kami sa sementeryo para dalawin ang pamilya ko noong isang araw bago ang kasal namin. Matagal tagal na rin ang huling dalaw ko sa kanila at hindi lang iyon humingi pa ng permiso si Enzo sa kanila.

"I'm sure your parents are proud of you, Aria." Hinalikan niya ako sa noo.

-----THE END-----

Taming An AssassinWhere stories live. Discover now