Chapter 17

1.2K 36 0
                                    

Enzo's POV

Pumasok na ulit ako sa loob ng bahay at umupo na sa sofa. Tiningnan ko ang hawak kong bote. Walang bawas dito. Ibig sabihin hindi maigalaw ang serum pagkakuha nila nito sa factory. Pinagkatiwalaan ko pa naman si Aria, ang akala ko pa naman iba siyang tao pero may kailangan lang pala siya sa kanyang misyon.

Ang galing niya magpanggap na mukhang inosente pero ang totoo pala ay isa siyang assassin. Naloko niya ako sa lahat na pangyayari. Minahal ko siya ng buong buo pero isa lang pala kasinungalingan ang lahat.

May narinig akong nagdoorbell kaya binaba ko sa center table ang serum bago pa tumayo para buksan ang gate.

"Trev?!" Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon. Baka nagmamalik mata lang ako.

"Hey, my ma--" Kinurot ko siya sa pisngi baka kasi nanaginip lang ako. "Aray!"

"Hindi ka ba multo?"

"Gusto mong multihin kita? Buhay ako, tanga."

"Gusto ko lang makasigurado kung nagmamalik mata lang ako sa nakikita ko ngayon. Hindi kasi ako makapaniwalang buhay ka. Ano ba nangyari sayo? Pasok ka na muna bago pa tayo magusap." Alok ko kay Trevor.

Pareho na kami umupo sa sofa pagkapasok namin sa loob ng bahay.

"May gusto kasi bilihin ang serum sa halagang apat na milyon pero hindi ako pumayay sa kanila dahil gagamitin lang naman nila sa masamang bagay. Hindi ko ginawa ang serum para sa ganoong bagay. Pero bago pa ako nawala ay pinadeliver ko sayo itong serum.

"Yes, kaya tinago ko siya para walang makakaalam kung saan ito nakatago pero..."

"Alam ko nangyari, Enzo. Dahil si Aria ang lumigtas sa akin. Kung hindi dahil sa kanya ay siguradong patay na ako ngayon."

"Paano nangyari iyon? Kinuha nila ang serum para gamitin sa masamang bagay."

"Pero binalik naman niya sayo. Walang masamang intensyon si Aria at ang kasama niya. Kung meron man ay sana hindi na niya ito binalik sa atin." Kinuha ni Trevor ang serum sa center table. "Napag utusan lang siyang kunin ito. And she deserves a second chance, Enzo. Kahit malatagal tayo hindi nagkasama ay kilala pa rin kita. Alam kong mahal mo siya."

"Yes, I love her pero sinaktan niya ako. Niloko niya ako."

"Kung niloko ka ba niya, sa tintin mo ba pagkatapos nangyari iyon ay magpapakita pa ba siya sayo para lang magpaliwanag sa nangyari? Hindi iyan ang kilala kong Enzo. Alam ko din na mahal ka rin niya." Mamilog ang mga mata ko sa aking narinig. Mahal ako ni Aria?

"Mahal niya ako? Paano mo naman nalaman?"

"I don't know. Pero iyon ang nakikita ko sa kanya bago pa kami pumunta dito."

Kahit gusto kong makita si Aria ay hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Ni hindi ko nga alam kung saan siya nakatira sa Pilipinas, siya kasi ang pumupunta sa akin sa hotel na tinutuluyan ko.

"Kailangan ko na muna umuwi sa amin sa Sydney."

"Hindi mo ba susundan si Aria?"

"Hindi na muna. I need to be alone pagkatapos ko sa problema ko kay Vanessa. I broke up with her."

"Finally. Pero sabagay dahil sa ibang babae na nagmamay ari ng puso mo ngayon." Kilala rin kasi ni Trevor si Vanessa dahil siya lang maman ang first girlfriend ko and I thought she is my last. "Kailan ka ba aalis?"

"Mamayang gabi na. Sasabihin ko rin kila mama na buhay ka at kinasal na ang pinsan ko." Sabi ko.

Pagkarating ko sa bahay namin sa Sydney ay sinalubong ako ng yakap ni mama.

"Enzo, mabuti naisipan mong bumisita ngayon."

"May gusto lang po akong sabihin sa inyo." Sabi ko at tumuloy na sa pagpasok pero nilibot ko ang paningin ko. "Si Gail, mama?"

"Sa kwarto niya. Gusto mo rin ba siyang makausap?" Tumango ako kay mama bago pa siya umakyat sa taas.

Nakita ko na ang pagbaba ni Gail sa hagdanan kasama si mama.

"Gail, sorry kung hindi ko natupad ang pinangako ko sayo noon. But I promise you this time hahanapin ko si Aria."

"Para saan pa, Enzo? Ikakasal ka na kay Vanessa."

"No because I broke up with her."

"Talaga? Ibig sabihin ba niyan si ate Aria talaga ang mahal mo hindi si Vanessa?" Biglang sumigla ang mukha ni Gail.

"Yes, Gail. Si Aria ang babaeng gusto kong makasama habang buhay."

"Yes! Ano pa amg hinihintay mo? Hanapin mo na siya, Enzo."

Natawa na lang ako sa sinabi ng kapatid ko. Akala pa naman siya ang mas matanda sa aming dalawa.

"May gusto akong sabihin sa inyo ni mama."

"Ano iyon, Enzo?" Tanong ni mama sa akin.

"Buhay po si Trevor."

"Talaga? Paano nangyari iyon?"

"Sabi ko nga sa inyo hindi ako naniniwala sa investigation ng mga pulis dahil wala naman sila pinapakitang katawan ni Trevor patunay na patay siya."

"Salaman naman dahil buhay ang batang iyon. Nasaan siya ngayon?"

"He's in Melbourne, mom. Doon na muna daw siya magpapahinga kaya hindi ko na siya sinama ngayon." Tumingin ako sa dalawang babaeng kasama ko ngayon. Napalibot talaga ako ng mga babae ah. "At kasal na rin po pala si Aizen."

"Whoa. Kailan pa nagpakasal si kuya Aiz? Ang daya hindi niya sinabi sa akin."

"Last month pa, Gail. Noong sinabi mo sa akin kung ano ang binabalak ni Vanessa ay nasa kalagitnaan ako ng wedding ceremony."

"Ang daya. Kausap mo na nga ako noon hindi mo pa ako sinabihan."

Paano ko naman sasabihin sa kanya? Kung puro problema ang laman ng utak ko dahil sa gustong mangyari ni Vanessa na pagkasal namin. Inanunsyo niya sa media ang tungkol sa pagpapakasal na hindi man lang ako kinausap na muna bago niya iyon ginawa. She threaten me when I broke up with her baka ano ang pwede niyang gawin sa pamilya ko. Hindi ako papayag na mapahamak sila dahil sa gustong nangyari niyang pagpakasal. She's crazy.

Hindi na kasi siya ang kilala kong Vanessa bago pa siya naging model. Mabait at mapag mahal na Vanessa ang minahal ko noon pero ibang iba na siya ngayon. Kaya na niyang pumatay ng tao makuha lang ako.

Baka mapahamak si Aria kapag nalaman niya ang tungkol kay Aria.

Kailangan ko talagang hanapin agad si Aria para sabihan siya tungkol sa pagbanta ni Vanessa.

Taming An AssassinWhere stories live. Discover now