Chapter 26

1.2K 39 0
                                    

Enzo's POV

Ilang araw na rin noong nagising ang ama ko sa mahabang panahon at mabuti na nga lang naalala pa niya kami. Kung hindi ay hindi ko siya mapapatawad pagkatapos niyang iwanan kami.

Kakagaling ko lang sa jewelry store dahil ang balak ko pa ngayon magpropose kay Aria. Gusto ko na rin kasi makasama ang mag-ina ko ngayon.

Nitong mga nakaraang araw ay paiba iba ang mood ni Aria. Hindi ko maintidihan kung bakit siya ganoon ngayon.

"Saan ka galing?" Napakamot ako ng ulo dahil iyon agad ang bungad sa akin ni Aria paguwi ko sa bahay.

"Nagpahangin lang ako sa labas." Masayang sagot ko sa kanya.

"Kainis ka! Hindi mo man lang ako niyaya." Bakas sa kanyang boses ang inis.

Ayaw ko naman kasi masira ang plano para mamaya. Yayain ko na magpakasal kay Aria. Hindi ko na rin iisipin ang ang pagbanta ni Vanessa sa akin noon dahil wala na rin naman akong balita sa kanya.

"Sorry. Sa susunod ay isasama ko kayo ni Rina maglakad." Niyakap ko na si Aria para lambingin. Ganito palagi ang ginagawa ko kapag nagagalit siya sa akin at bumibigay naman agad sa akin si Aria.

"May gusto sana akong sabihin sayo, Enzo?" Tumingin ako sa mga mata ni Aria na sobrang ganda.

"What is it?"

"I'm... I'm 4 weeks pregnant, Enzo." Anunsyo niya sa akin. Matulala ako sa narinig ko. Tama ba ito? Buntis si Aria? Magkakaroon na ulit kami ng anak.

"Damn. Really?" Tumango lang siya sa akin. Tuloy ang pagbuo namin ng isang basketball team o soccer team. "You don't know how happy am I."

Best day ever! Ang akala ko kasi ako lang ang may surprise pero may surprise rin pala sa akin si Aria. Naunahan nga lang ako.

"Kailan mo pa nalaman nagdadalang tao ka?"

"Ngayon lang. Napansin kasi ng mama mo namumulta ako kanina kaya dinala niya ako sa doctor para magpacheck up. Doon rin nakumpirmang buntis ako."

"Let's eat dinner outside. Just two of us." Pagyaya ko sa kanya, tutal ito naman ang unang date naming dalawa. May nakita kasi ako bagong bukas na restaurant at dinadayo siya ng mga tao ngayon. "Let's have our very first date. Kakausapin ko si mom na hindi tayo kakain dito kaya huwag na nila tayo hintayin."

Let's make this first date a memorable night. Isang magandang memories kapag umoo si Aria sa proposal ko sa kanya.

Pagsapit ng gabi ay natulala ko kay Aria habanh bumaba siyang hagdanan. Sobrang ganda niya at sigurado akong tinulungan siya ni Gail para gumanda pa si Aria. Hindi kasi siya tinitigilan ni Gail kapag hindi pumayag si Aria na hindi siya ang magaayos sa kanya sa first date namin ngayon.

"Wow. You look stunning tonight." Nakangiting sabi ko sa kanya. Para akong na-starstruck nakakita ng isang artista sa personal. Wala rin naman binatbat ang mga sikat na artista o model kay Aria. Sa ganda pa naman niya.

Pagkarating namin sa retaurant ay kumunot ang noo ko because the organize, furnitures are look familiar. Hindi ko nga lang alam kung saan ko nakita ang ganito klase ng design.

Sinamahan na rin ako ng waiter sa magiging table namin ni Aria at binigyan na rin niya kami ng menu.

"Ang mahal naman dito, Enzo." Sabi ni Aria habang tinitingnan ang menu. It's really expensive but looks delicious.

"Don't mind about the prices, 'my." Napatingin naman si Aria sa akin. Oh my, mas lalong tumatagal ay nagiging corny na ako.

"Kailan pa tayo nagkaroon ng endearment ah?" Natatawang tanong nito sa akin.

"Starting today, I will call you 'my and you will call me 'dy."

"Ang corny mo talaga." Natatawa pa rin siya pero binalik ang tingin sa menu.

"Ayaw mo ba?"

"Wala naman akong sinabi na ayaw ko, 'dy." Napangiti ako ng tawagin ako ni Aria sa endearment namin.

Magtatawag na sana ako ng waiter pero napansin kong busy lahat na waiter o waitress ngayong gabi dahil sobrang dami kumakain.

"What is your order, sir?" Mabuti may lumapit sa amin.

"Um..." Tumingin ako saglit sa waiter nasa tabi namin pero binalik ko agad sa hawak kong menu. Kumunot ang noo dahil familiar sa akin ang mukha ng waiter na ito kaya tiningnan ko ulit siya. "Alex?"

"Whoa, Enzo. What a pleasure surprise to see you here." Sabi ni Alex. Ang pagkaalam ko sa ospital siya nagtatrabaho hindi sa isang restaurant.

"What are you doing here?"

"Nagpatayo kasi ng restaurant dito si Callie kaya nandito kaming lahat. Tinutulungan ko na rin siya dahil bagong bukas pa lang naman itong restaurant. Gulat nga ako ang dami agad kumakain."

"I see. Mabuti na lang pinayagan ka ni Aizen magbakasyon."

"Kailangan ko rin magkaroon ng oras sa pamilya ko lalo sa kambal." Tinuro niya kung saan nakaupo ang kambal nilang anak. Ang lalaki na nila ngayon. "Sino naman pala itong kasama mo ngayon?"

"Ah, this is Aria."

"Hi. I'm Alex. It's good to see you in person kasi palagi ka namin naririnig kay Enzo noon dahil walang mukhang bibig ito dati." Natatawang kwento nito kay Aria. Wala naman akong maalala na ganoon ang ginawa ko noon ah. "Ano pala ang order niyo?"

Sinabi ko na kay Alex ang order namin ni Aria bago pa siya umalis sa table namin.

"Palagi mo pala ako kinukwento sa mga kaibigan mo ah."

"Hindi ah. Kay Aizen ko lang binanggit ang tungkol sayo."

Dumating na ang order namin kaya nagsimula na kami ni Aria kumain.

Pagkatapos kumain nagpaalam na muna ako kay Aria na pupunta ako ng restroom pero saktong nakita ko si Alex palabas ng restroom.

"Alex, can you help me?" Napakamot ako ng ulo. Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng kaba. Hindi naman ito ang unang beses nagpropose ako pero ibang babae si Aria. Ayaw ko siyang mawala sa akin.

"Sure. Ano iyon?"

"Balak ko kasi magpropose kay Aria ngayong gabi at ang gusto ko memorable ito para sa kanya."

"Hm, leave it to me. Kakausapin ko si Callie sa loob ng kitchen." Tinapik ni Alex ang balikat ko.

"Thank you, Alex."

Bumalik na ako sa table at ngumiti ako kay Aria pagkalingon niya sa akin.

Mga ilang minuto ang lumipas ay nakita ko na ang asawa ni Alex na si Callie papalapit sa table namin. May nilapag siya sa harapan namin. Ano naman kaya ito?

"Enjoy." Nakangiting sabi niya bago pa siya umalis.

"Ano ito, Enzo?"

"A surprise." Sagot ko na lang. Kahit ako walang ideya kung ano ang laman nito.

Inangat na ni Aria ang takip at isang cake na may nakalagay na WILL YOU MARRY ME?

"Enzo.." Maluna luha ang mga mat ni Aria pagkatingin niya sa akin saka ko na rin inabot sa kanya ang isang maliit na box kulay velvet.

"Aria, will you marry me?"

"Yes, I will marry you."

Taming An AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon