Chapter [1] - Yuri

25 3 0
                                    


~ If you are living in the past or in the future, you will never find a meaning in the present.

* * *


5 years ago...

*TING!!

Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga ko sa kama dahil sa nag message saken,  nagmamadali pa akong buksan ang messenger ko dahil hinihintay ko lang naman ang ibang group mate ko sa cosplay..

Actually nakaready na ang bag pack ko para sa cosplay event na gaganapin sa smx convention sa moa at icocosplay lang naman namen ang anime na one piece

Sa totoo lang bata palang ako mahilig na ako sa anime favourite ko nga dati yung slamdunk, ghost fighter, voltes5, daimus, doraemon at madami pa kaya naman nung nauso dito yung cosplay sa pilipinas syempre hindi ko pinalampas nagcosplay nadin ako.

3 years na ang nakakalipas nagkaroon ako ng mga kaibigan na mahilig din sa anime at ngayong 17 years old na ko sila padin yung mga kasama ko, kakasawa na nga eh ahahah joke lang!

*kurizu-san
~ guys be ready...

*aya-smile
~ kyaah im sooooo exzoited!!!

*shin joong joong
~@maruko otw na ko sa inyo

*maruko-san
~geh pre wait kita daanan pa naten si @yuri

*mehhhh
~ I'm ready minna... Wait ko nalang kayo @maruko and @shinjoong

*kurizu-san
~oy @cielo-kun, @harold-kun at @yui-chan ano paramdam naman kayo pektus ang di pumunta.

*mehhhh
~@kurizu habol si sis @yui, kasama pa kase sya ng ninang nya, Ewan ko san nagpunta nagpasabe lang .

Inoff ko na yung laptop ko ng marinig ko yung doorbell mula sa labas ng gate.

Sumilip na ko sa bintana at nakita ko na nga sila mark aka maruko-san at jerome aka shin joong joong. Ang bilis naman nila. Bumaba na ako agad dala na ang bag pack ko syempre hindi ko pwedeng maiwan to importante to sa buhay ko. hanudaw?

"Good morning Yuri" bati saken ni maruko na ngiting ngiti grabe nakakahawa naman yung smile nya nakakagoodvibes talaga.

"Good morning din, ang bilis nyo ah?" Bati ko din sa kanila.

"Ito kaseng si maru excited pumunta dito, ewan ko ba dyan parang taeng tae makita ka-aray!" Si Jerome na binatukan ni maruko.

"Bunganga mo talaga je" nakangiting sabe nya nagkamot nalang nang ulo si jerome dahil sa ginawa ni maruko mga abno talaga.

"Ano? tara na!" Aya ko sa kanila, sinarado ko na yung gate namen.

"Yuri nasaan yung kapatid mo? Hindi ba sya sasama? Magagalit si kris pag hindi tayo nakumpleto" tanong ni maruko saken.

"Don't worry susunod yun, kasama lang ng ninang nya kaya male late sya" at nginitian nalang ako ni maruko ulit.

Bumyahe na kame papuntang moa, sa totoo lang ahead sila saken ng apat na taon kami ang pinakabata ng kapatid ko sa grupo namen 17 na ako at si yui ay 14 going 15 this coming December kaya mga kuya na namen sila magkakasing edad lang naman kase sila eh.

Habang nasa byahe kame at traffic ang dahilan pa napatingin ako kay maruko na diretso lang syang nakatingin sa daan pero nakangiti padin sya, grabe kaya nagkacrush ako sa kanya eh smiling face masyado hindi ko pa sya nakikitang nakasimangot o umiiyak, wala siguro syang problema kaya laging masaya.

"Stop staring at me yuri baka matunaw ako nyan" nagulat ako sa sinabe nya paano nya ako nakita na nakatingin sa kanya eh hindi naman sya tumitingin pa sa pwesto ko?

"In my pheriphal vision nakikita kita kahit hindi ako nakatingin sayo" sabe nya pa ano yun nababasa niya yung nasa isip ko kahit hindi siya nakatingin sa mata ko? wow ha?

"So-sorry can't help to think why you always smiling" nauutal na sabe ko sa kanya napatingin ako sa rear mirror at nakita kong natutulog naman si jerome hays buti naman kundi may asar ako nito mamaya pagdating doon.

"You know why i'm always smiling? Its because of you" napalingon ako sa kanya nung marinig ko yung sinabe nya, ano daw? Dahil saken? Napakunot na yung noo ko dahil hindi na nya sinundan pa yung sinabe nya.

Nakadating naman na kame sa mall of asia nang makapagpark na kame panay na tunog ng messenger naming tatlo, si Kris na naman yun, nag aalburuto na naman ang puwet.

Hays masyado naman syang excited nasa bahay palang kame on the way na sya papuntang convention..

Nakapasok na kame sa loob ng convention medyo madami nang cosplayer ang nandito, kumpleto na din kameng grupo except sa kapatid ko na on the way palang.

Sa grupo namen walo lang kame limang lalake at tatlo lang kameng babae which is ako, kapatid ko at si aya

"Bebe tara na magbihis na daw tayo, nakakairita na kase si Kris tsk" si aya na hinila na ko papasok ng cr.

Pagpasok naman namen sa cr which is naging dressing room ng mga cosplayer, sobrang dami na ng cosplayer na nagpapalit at nagmemake up kaya ang ginawa nitong si aya nakipagsiksikan kame sa lababo para makapagmake up.

Ang malamig na cr naging sobrang init, paano wala na talagang mapwestuhan sa sobrang dami isama mo pa ang mga gamit na dala kaya ang pawis namen dalawa ni aya tumatagaktak talaga buti nalang light make up lang ang mukha ni nami at robin kaya hindi na kame tumagal pa sa pag aayos ng mukha.

Ngayon pakapalan nalang ng mukha, sa tabi tabi nalang kame magbibihis ngayon pero nasa loob pa kame ng cr , dahil puno na ang cubicle at kailangan na namen magmadali dahil ipapractice pa namen yung grand opening ng one piece dahil kame ang representative wala ng arte arte hubad kung hubad.

Nagsisipagtunugan na ang mga messenger namen ni aya kaya after 123years natapos na din kame magayos kaya nagmadali na kameng lumabas hatak hatak padin ako ni aya palabas dahil medyo mas malaki sya saken pero parehas lang naman kameng payat, sadyang malakas lang sya dahil cheerleader sya sa st.scholastica eh ako? Sadyang patpatin ahahah Ewan ko!

Nakalabas na kame sa napakasikip na cr pero bumungad naman samen ang napakacrowded na hall ng smx. Buti nalang nagjacket muna ako kundi pagpipyestahan na naman agad ako ng mga pornographer yep yun tawag namin sa ganoong klaseng photographer. Sa mundo namin bilang cosplayer hindi mo maiiwasang maka encounter ng ganun. Lalo na at revealling ang suot mo.

Maglulunch palang pero ang dami na agad ng tao kaya medyo nahirapan pa kame maghanap sa ibang mga kasama namen ngayon.

"Bebe maghiwalay tayo para mas madali naten silang makita" sabe ni aya saken kaya pumasok na sya sa hall 2 ako naman sa hall 3.

Hindi na kase nila sinasagot yung mga tawag namen, kaya no choice kailangan maghanapan...

*  *  *  *  *

Past or present? (COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu