Chapter [42] - Yuri

6 2 0
                                    


Napatigil kami sa pagtatawanan ng biglang may kumatok sa labas ng pinto ng kwarto ko at iniluwa nun si maru.

"Bro!" Sigaw nila harold at cielo at nakipagbrohug pa sila kay maru at ganun din sila jerome at kris.

"Sabi na nga andito kayo eh" nakangiting sabi nya.

"Kasi nakita mo mga sasakyan namin!" Sabi ni cielo kaya naman nagtawanan sila. Hays nakakamiss din pala yung ganito yung puro tawanan, asaran at lokohan. Yun bang wala kaming iniisip na mga responsibilidad at problema.

Ang tagal na pala namin nung huli kaming naging ganito. Kasi nung huli nabuo kami nagkagulo sa pagitan naming apat nila maru, chii at zero kaya hindi naging maganda.

"Ang dadaya nyo hindi kayo nagsipunta nung engagement party namin" nakangiting sabi ni maru sa kanila sabay akbay nya sakin kaya naman sinamaan ko sya ng tingin pero aba ang loko wapake! Feel na feel lang?

"Kasalanan mo bro late mo kami sinabihan" si kris.

"Biglaan kasi eh" kamot batok na sagot ni maru.

"Edi wag mo kaming sisihin loko ka!" Sabi naman ni jerome.

Tiningnan ko si aya na katabi ko lang din pero nakatingin lang din sya sakin. Hays ang hirap ng ganito may sakit si maru at totoong hindi nya ako niloko oo nasaktan nya ako dahil sa ginawa nya pero ginawa lang nya yun dahil sakin sa safety ko kaya wala akong karapatan na magtanim ng galit sa kanya.

Siguro kailangan ko nalang talaga tanggapin na ganito yung kapalaran ko na baka sya talaga ang destiny ko at si zero? baka sya lang yung tumulong sakin para marealize ko din ito.

"Tara lunch na muna tayo! Let's go babe" aya ni maru. Wow! Bahay nya ito? Feel at home talaga ang loko! Hays ang bad ko padin.

"Buti naman inalok mo na kami, itong fiancé mo wala ata kaming balak pakainin man lang" biro ni harold.

"Babe upakan ko na ba?" Tanong sakin ni maru kaya ang ginawa ko hinampas ko sya sa braso nya.

"Aray ko ah? Sadista kana talaga yuri. Ang bad mo na!" nakapout na sabi ni harold.

"Ang kapal mo kasi harold dumalaw lang tayo hindi makikifoodtrip" angal na sabi ni aya

"Kasama na din yun!" Sabat naman ni cielo.

"Sige dude tulungan mo ko! Niaaway ako ni manang aya!" Pagbebaby talk na sabi ulit ni harold

"Hays ewan mga patayguts kasi kayo! Naturingan na mga gwapo at mayaman putek mga wala naman palang malamon!" Angil sa kanila ni aya.

"Narinig mo yun dude? Gwapo daw tayo!" Nakatawang sabi ulit ni harold.

"Oo narinig ko yun hindi ako bingi! Tsaka alam naman natin matagal na gwapo tayo ngayon lang narealize ni manang aya!" Pang aasar din ni cielo.

"Argh! Ewan ko sainyo!" Galit na sabi ni aya. At nauna na syang lumabas ng kwarto ko.

"Ahahah pikon talaga si manang aya!" Pang aasar ulit ni cielo at hinabol nila ni harold sa labas si aya. Sila kris at jerome nangingiting sumunod nadin palabas sa kanila.

"let's go babe" nakangiting aya sakin ni maru. Binigyan ko nalang sya ng ngiti at sabay na kaming lumabas ng kwarto ko.

Pababa na kami ngayon ng second floor at naririnig namin yung asaran ng tatlo.

"nakakamiss yung ganito tayo noh?" napalingon ako kay maru ng marinig ko yun.

"yeah ang tagal na nung huli tayong naging ganito isip bata pa kami nun ni ave pati kayo mga nag iisip bata" nakangiti kong sagot.

"babe sana patawarin mo ko sa mga nagawa ko sayo, inaamin ko naman na nasaktan talaga kita kaya hindi din kita mapipilit kung talagang galit ka sakin at kung sa tingin mo im not deserving for you but let me prove it to you. I will do anything para bumalik ka lang sakin, yung pagmamahal mo! I know im a bastard and a jerk in our past but this time nagbago na ako I'm enough matured now kaya sana hayaan mo kong gawin yung dapat kong gawin please? Huwag mong isipin dahil sa sakit ko kaya ko ito ginagawa.. No! Its because i really love you that's why im willing to do what is the right thing i will do. Please im begging you give me another chance...babe?" Seryosong sabi sakin ni maru habang hawak nya yung dalawang kamay ko at diretsong nakatingin lang sa mga mata ko.

Sheez watudu? I mean ayoko din syang saktan one is enough lalo na ngayon na may sakit sya, alam ko sa sarili kong iisa lang ang lalaking mahal ko, yun ay si zero. Kahit na ba nagawa nya sakin yun for the first time alam kong may maganda syang rason katulad lang din ni maru kung bakit nya ako iniwan at dahil para sakin din.

Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin dahil masyado na akong nahihirapan sa sitwasyon ko. Kailangan ko muna itong pag isipan maigi baka pagsisihan ko lang din sa huli.

"I need to think about this" maiksing sagot ko sa kanya.

"Okay im willing to wait" nakangiti nyang sagot din sakin kaya naman tumango nalang ako sa kanya at sabay na kaming naglakad pababa kung nasaan naghihintay yung mga kaibigan namin.

"Grabe talaga kayo! Inuna nyo pa paglalampungan nyo kesa sam--- aray!" Pang asar na sabi samin ni cielo pero nakatanggap agad sya ng batok mula kay aya.

"Oo nga mga gutom na kami!---oh babatukan din ako!" Sabat naman ni harold pero umilag sya nung babatukan din sya ni aya

"Kayo ngang dalawa pwede bang manahimik kayo. Daig nyo pa mga bata sa ginagawa nyo. Palibhasa mga patayguts!" Iritang sabi sa kanila ni aya.

Pero tinawanan lang sya nung mga ugok kaya naman itong pikon kong bestfriend pinaghahampas nya ng unan yung dalawa. Sila kris at Jerome nakitawa nadin habang naiiling dahil sa ginagawa nung tatlo. Parang mga bata talaga! Wow Nahiya ako sa kanila!

Napuno ng tawanan yung buong sala namin dahil sa kanila. Daig pa iskwater kung makapagusap at makipagbarahan pero okay lang atleast masaya naman.

Tiningnan ko naman yung lalaking nasa tabi ko ngayon at nakaakbay sakin. Ang sarap nyang titigan lalo na kapag natawa sya. Syet honestly i miss him, also his smile and laugh.

Aaminin ko meron pa akong nararamdaman para kay maru but its not the same like what i feel to zero. Syempre minahal ko din sya kaya hindi na mawawala yung pagmamahal ko sa kanya.

Siguro kailangan ko syang bigyan ng isang chance. Tutal malapit na kaming ikasal isang buwan simula ngayon ay magiging Mrs. Maruko hoshizawa na ako. Alam ko dati ko pang pinangarap yun pero sa lumipas na taon nagbago na din yun dahil ngayon ang gusto ko ay maging Mrs. Zero Kaisler Collins pero malabo ng mangyari.

Kaya ngayon itutuon ko na muna kay maru ang atensyon ko. Lilipas din ang panahon baka mawala din yung nararamdaman ko para kay zero, tutal sya nadin naman ang nakipaghiwalay sakin at siguro sa ngayon masaya na sya sa higad na babaeng yun. Magsama sila parehas malandi.

"Hey babe your spacing out!" He snapped his finger infront of my face dahilan para mabalik ako sa reyalidad. Nginitian ko lang sya bilang sagot ko at tumungin na sa mga kaibigan ko na masayang nag uusap.

*  *  *  *  *

Past or present? (COMPLETE)Where stories live. Discover now