Chapter [48] - Yuri

2 2 0
                                    


Simula ng mangyari yung kanina samin ng hype na maruko na yun hindi na sila nagtangka na pumasok pa sa kwarto ko.

Dahil paggising ko naghesterical ako sa nangyari kaya naman ang lagay ngayon ako lang ang naiwan sa bahay kasama na yung dalawang maids.

Lumabas ako ng bahay nang walang ingay, dahil ayokong magising yung mga maids baka magsumbong agad sila.

Sila mom at ave may inattendan na party si daddy ayun hindi pa nauwi.

Nang makalabas na ako ng bahay tumakbo na agad ako palabas ng subdivision kung saan sasakay ako ng taxi, hindi na ako nagdala ng sariling kotse baka mabulilyaso pa! Tsaka wala ako sa mood magdrive baka mabangga lang ako.

Ilang minuto akong naghintay bago may dumating na taxi. Kaya naman pinara ko na agad yun.

"Good evening ma'am saan po tayo?" Nakangiting tanong sakin ng driver.

"Manong sa pavillion bar po!" Sagot ko naman at pinaandar na ni manong driver yung kotse nya.

Habang tumintingin ako sa kalsada bigla namang tumunog yung phone ko kaya agad ko itong kinuha sa dala kong handbag. Si aya!

[Hello bes? where are you na?] Tanong ni aya mula sa kabilang linya.

"Kasasakay ko lang ng taxi, wait mo nalang ako sa entrance"

[Ano? Wait-hindi kita marinig labas lang ako.] Oo maingay nga natural bar kaya yun. [Okay na bes, ano asan kana banda?]

"Nasa taxi na ako, medyo malapit nadin."

[Hays sana kasi nagpasundo kana lang para hindi hassle]

"Baliw andito na eh tsaka baka mahuli pa tayo! Sige na malapit na ko bye!"

[Okay then bye!] At inendcall ko na yung tawag.

Hays finally, nakalabas din ako! Itatry ko yung night life tutal wala nadin namang kwenta buhay ko, Hindi ko magawa ang gusto ko, hindi ko pwedeng makasama ang taong mahal ko, at lalong wala na akong sariling desisyon!

Tutal sa susunod na araw ikakasal na ako, masasakal na ako sa lalaking una ko ngang minahal pero hindi na ngayon!

Ilang minuto ng makarating na ko sa pavilion bar, hindi pa ako nakababa ng taxi nakita ko na agad si aya. Nagbayad na ako sa driver at sabay labas ng taxi.

"Bes! Ano okay kana ba talaga?" Sigaw sakin ni aya at tumakbo pa sya papalapit at nakipaghug at beso pa. "Ano okay kana ba talaga?"tanong nya ulit at tumango nalang ako bilang sagot ko.

"Pasok na tayo!" Pag aya ko kay aya dahil hindi ko feel yung tingin sakin ng mga taong andito sa labas lalo na yung mga lalaki.

"Sh*t she's a goddamn gorg."

"Yeah I wanna f*ck her right now!"

"She's getting into my bed tonight!"

Ilang lang yan sa mga narinig ko.
"Dont mind them bes, ganyan talaga mga tao dito perv and maniac!" Pansin sakin ni aya.

Nang makapasok na kami sa loob sobrang ingay at iba't ibang klaseng kulay ng ilaw ang sumalubong sakin. Syete ang daming tao!

Sinundan ko si aya sa bar counter at umupo ako sa tabi nya.

"wooh! Mader fader! Who the f*cking gorgeous she is?" Manghang tanong ng bartender kay aya.

Past or present? (COMPLETE)Where stories live. Discover now