Chapter [12] - Yuri

4 2 0
                                    


After 5 years...

"Ate!!!! WAKE UP!!!!" Sigaw ng magaling kong kapatid kanina ko pa gustong kaltukan yung batang yun ang sarap sarap pa ng tulog ko biglang mambubulabog! Istorbo eh!

"Oo! Gising na ko! Pwede wag ng sumigaw hihilahin ko yang buhok mo!" Sigaw ko din sa kanya, wala naman na akong narinig pa kaya tumayo na ko at pumasok na sa ko cr.

Ilang minuto ang lumipas nagawa ko na ang daily routine ko, binuksan ko yung closet ko para kunin ang uniform ko.

Limang taon! Oo graduate na ko ng college last year pa sa course na BS tourism at ngayon mag iisang taon na kong flight attendant.

Kung itatanong nyo kung anong nangyari samin nung nakaraang limang taon, sa totoo lang wala naman kasi naging strong padin yung friendship namin.

Sa limang taon din na nakalipas hindi na nagpakita pa samin si maruko, ang binalita nga samin ni Kris eh magpapakasal na daw sila maruko at chii 3years ago, grabi lang talaga iyak ko nun ngawa kung ngawa.

Pero ngayon masasabi ko na sigurong nakamove on na ko kasi hindi ko na sya hinahanap pa kaya naman laking pasasalamat ko.

"Ate ano na?! Hindi kapa bababa dyan? Nakakahiya kay kuya zero!" Pangbubulabog ulit ng magaling kong kapatid sa labas ng pinto ng kwarto ko. Malapit ko na talagang pektusan ang batang yun kanina pa ko sinisigawan.

Wait Wut?!! Anong ginagawa ni zero dito? Kinuha ko na yung handbag at maleta ko.

Pagbaba ko tama nga yung impakta kong kapatid prente syang nakaupo sa sofa at kausap ang abno kong kapatid.

Nung mapansin nya siguro ako nginitian nya ko ng abot hanggang tenga! Nginitian ko din sya at tuluyan na akong bumaba.

"Good morning" Bati nya sakin

"Good morning din kanina kapa?"

"Almost one hour palang naman" pagsabat ng impakta kong kapatid.

"Im not talking to you and im not a deaf! Dun kana nga!" Pagtataray ko sa kanya, inirapan naman nya ako at padabog na umalis pero bumalik ulit sya.

"Bye kuya zero!" At bago ko pa sya mapektusan kumaripas na agad sya ng takbo.

"Sorry ha?"

"No its okay sanay naman na ako eh" kamot ulo nyang sabi

"So let's go?" Aya ko sa kanya kinuha naman nya yung maletang nasa tabi ko at hinayaan ko na syang makalabas.

Nang makarating na kami sa kotse nya pinagbuksan nya ko ng pinto, pumasok naman ako dun at sinarado nya. Nilagay nya yung maleta ko sa backseat ko at pumasok na din sya sa kotse.

Nakatingin lang ako sa labas ng marinig kong tumunog yung phone ko. Kinuha ko sya sa hawak kong handbag.

Si aya bakit kaya?

Sinagot ko naman agad yung tawag nya. "Hello bes?"

[Finally sinagot mo din!]

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Bakit kanina pa ba siya natawag?

"Ha? Sinasabi mo dyan? Ngayon ka lang naman tumawag!"

[Gusto mong kalbuhin kita dyan? Kanina pa ako natawag sayo, naka 12 missed calls ako hindi mo naman sinasagot!] Sigaw nya mula sa kabilang linya kaya inilayo ko ng konti yung phone sa tenga ko! Grabe mababasag ata eardrums ko sa babaeng to! Daig pa nakamegaphone ang bibig!

"Oh bakit ba? Anong meron?" Takang tanong ko sa kanya, narinig ko naman na bumuntong hininga sya.

[Where are you now?] Tanong nya.

"Going to work and i'm with zero why?"

[Oh nothing! By the way si kris kasi nagschedule ng assembly] ano na namang problema nung isang yun at bigla syang nagpaassembly?

"Biglaan naman ata? 5years ago yung last na assembly natin a? Dont tell me may bago na namin syang imemember?" Inis kong tanong.

[Nope we've talk about that long time ago subukan nya lang talaga at tatanggalin ko yung anes nya] natawa nalang ako sa pinagsasabi ng babaeng to, napatingin naman ako kay zero na nakangiti din Pero diretso lang ang tingin nya sa daan.

"Oh bakit nga biglang nagpaassembly ang gunggong?"

[Hays I don't know what to say pero yung isa tungkol sa guesting natin sa darating na event]

"Oh tapos ano yung isa pa?"

[Maybe you should read it in our GC]

"Here we are!" Biglang sabi ni zero napatingin naman ako sa labas nasa airport na nga kami.

"Bes I call you back later nasa airport na kami and i have a flight."

[Okay bes take care……… oopss how many days your flight?]

"Maybe almost 2days? Sige na male late pa kami bye!" At inend call ko na yung tawag.

Humarap naman ako kay zero na... Pishti bakit nakangiti ang ulupong nato?

"Hey Tara na! Male late na tayo baka maiwan tayo sa flight!" Lumabas naman sya agad ng kotse at pinagbuksan nya ko ng pinto.

Nagulat ako ng bigla nya kong iharap sa kanya at ilapit yung mukha nya sakin, siguro inch nalang ang pagitan mag kikissing kissing na kami.

Waaaahhh dyuskolor! Maawa ka zero bata pa po ako!

"B-bakit?" Nauutal kong tanong.

Ngumiti naman sya sakin ng pagkatamis tamis pero bigla ding sumeryoso yung mukha nya.

"Don't worry hindi tayo male late kasi kung wala ako hindi sila makakaalis. Remember i am the pilot and the boss" nakangiting na nyang sabi at inilabas na nya yung maleta ko galing sa compartment.

Oo nga pala sya pala yung piloto namin kaya bakit nga ba ako magmamadali? Ahahahah nakakatawa talaga!

Sabay na kaming pumasok sa loob, at sa pagpasok namin halos lahat ng mata samin nakatingin. Psh mga hindi pa nasanay.

Dukutin ko mga eyeballs nyo!

Hindi ko nalang sila pinagpapansin dahil wala naman akong mapapala sa kanila.

"Good morning lexi!" Sigaw ng kung sino napatingin naman ako sa babaeng natakbo at may bitbit ding maleta.

Si Zoe!

"Good morning din!" Bati ko sa kanya. Ngumiti naman sya sakin at bigla nalang umakla sa braso ko.

Timingin ako sa lalaking katabi ko na ang sama ng tingin samin. Hays nagbago na naman yung mood nya. Here we go again!!

"Problem kuya?" Tanong ni Zoe kay zero.

"Tss" tanging sagot lang nitong si zero. At ayan na naman po ang favourite word nya.

Oo nga pala nakalimutan kong ipakilala sila si author kasi kinikilig na naman siguro.

Magkapatid tong sila Zoe at zero, si Zoe mar collins sya yung classmate ko at kuya nya tong si zero kaisler collins ahead sya samin ng 3 years. Sila din pala ang may ari ng pinagtatrabauhan ko ngayon ang Z&Z international airport at collins group & companies. May international clothing line ang mom niya.

Kaya nga halos lahat ng empleyado at kapwa ko attendant eh galit at inggit sakin, ako ba naman ang bestfriend ng anak ng may ari ng pinagtatrabauhan namin at close ko pa ang most handsome bachelor daw? Eh bipolar at possesive na si zero na pinagpapantasyahan lahat ng kababaihan psh!!

*  *  *  *  *

Past or present? (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon