Chapter [50] - Last Chapter

6 2 0
                                    


Dumating na yung araw na kinasusumpa ko! Ang araw kung kelan ako ikakasal... Sa ilang araw na pagkukulong ko sa kwarto dito parin talaga ang bagsak ko.

Simula ng makita ko yung kababalaghan ni zero at nung gabing yun mismo na tinapos ko na ang meron samin, hindi na sya nagparamdam pa!

Siguro tama nga ang naging desisyon ko pero kahit na hindi ako magdesisyon matutuloy at matutuloy padin itong pesteng kasalan na ito.

Syete naiiyak na naman ako, kahit na sinabi ko na sa sarili ko na dapat kalimutan ko na sya at hindi ko na dapat pa syang iyakan eh hindi ko padin magawa. Nakakainis lang kasi hindi ko padin matanggap na niloko nya ako at mahal na mahal ko padin sya kahit na nagawa nya pa yun. Ang tanga ko lang noh?

Naudlot yung pagdadrama ko ng biglang may kumatok mula sa labas ng pinto kung nasaan ako ngayon "come in" sagot ko kaya naman pumasok yung taong kumatok.

"Bes are you ready?" si aya pala kaya naman inayos ko na ang sarili ko at humarap sa salamin kung saan nakaharap ako at kitang kita ko kung anong itsura ko.

Simple lang naman ang make up ko, at messy braid ang pagkakaayos ng buhok ko ngayon, nakasuot nadin ako ng wedding gown ko at hinihintay ko nalang talaga ang oras.

"Yeah im ready..." Mahinang sagot ko kay aya.

"Let's go malapit na tayong ma late" sabi ni aya pero ako naman parang ayokong tumayo sa kinauupuan ko at gusto ko nalang na dumikit na lang ako dun pero hindi pwede ayokong madisappoint ang parents ko at lalong ayoko silang mapahiya sa harap ng madaming tao kaya naman pinilit kong tumayo kahit na labag sakin.

One last look! Humarap ako sa full length mirror na andito at tiningnan ko ang itsura ko, kitang kita sa dalawa kong mata na namumugto pa hanggang ngayon kahit na ba tinakpan na ito ng concealer at face powder.

Lumakad na ako palabas ng suite ko at inabangan ako ni aya na nasa labas na "are you okay?" Tanong nya sakin pero nginitian ko lang sya.

Nang makalabas na ako ng hotel may inabot saking sulat si aya kaya naman tiningnan ko sya ng nakakunot ang noo.

"Read that habang papunta ka ng church" sabi nya sabay sakay sa sasakyan na nakaassign para sa kanya.

Sumakay na ako sa bridal car na naghihintay sa harap ko.

Habang nasa byahe na tinitigan ko yung hawak kong papel ngayon na may pangalan ko. Nagdadalawang isip akong basahin pero kanino kaya itong sulat?

Kaya out of curiousity binuksan ko na, pero habang sinisimulan ko nang basahin hindi ko na naman mapigilan ang hindi umiyak. Damang dama ko ang sakit sa bawat letrang nakasulat sa papel.

Parang ayoko ng tapusin dahil sobrang nasasaktan ako!

Napatingin ako sa bintana ng biglang may kumatok mula sa labas nun si aya sya kasi ang maid of honor ko. Si zoe? Ayun hindi daw sya makakapunta kasi may emergency sa new york.

Pinahid ko yung luhang dumaloy sa mga pisngi ko at iniayos ko na ang sarili ko.

Binuksan na ng driver yung pinto ko saan ako nakaupo kaya naman lumabas na ako. Lumakad na ako palapit sa simbahan kung saan nakasarado ang pinto.

Naririnig ko na yung kanta mula sa loob kaya naman hindi ko na naman napigilan ang hindi umiyak. Dahil yung kantang yun ay paborito namin ni zero. Naalala ko na naman yung sulat!

Maya maya bigla namang bumukas yung pinto at kitang kita ko ang sobrang daming tao. I think mga business man and woman ang imbitado.

Nagumpisa naman na akong maglakad pero bawat hakbang ko sya namang walang tigil na pag agos ng luha ko, hindi dahil sa tuwa at excite kundi sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Past or present? (COMPLETE)Where stories live. Discover now