Chapter [20] - Yuri

6 2 0
                                    


~ You can never plan the future by the past.

* * *

Iyak lang ako ng iyak ngayon dito sa kwarto ko, hanggang ngayon kasi hindi padin ako makaget over sa mga nalaman ko kagabi. Masakit kasi talaga! Yun bang parang dinurog at wasak na wasak yung puso ko dahil sa mga sinabi nya sakin.

Kaya ngayon hirap na hirap akong bumangon ulit. Bakit ba palagi nalang nya ako pinahihirapan at sinasaktan hindi pa ba sya nakukuntento sa ginawa nya sakin noon?

Paano na si zero? Ayoko syang saktan ayokong maramdaman nya yung naramdaman kong sakit dati. Ako ang first love nya kaya sobrang natatakot ako pero ang hirap din sakin na layuan sya dahil higit sa pagkakaibigan na ang nararamdaman ko para sa kanya.

Syet bakit ba ganito kakumplikado ang pagibig hindi ba pwedeng magmamahal kalang at magiging masaya kana? Hindi yung iiyak, masasaktan at iiwan kang wasak na wasak.

"Bestie?!" Sigaw ni zoe mula sa labas ng kwarto ko "bestie gising kana ba? are you okay?"

Tumayo naman ako at humarap sa salamin pakingteyp! Magang maga yung mata ko iyak pa more! Pumasok ako sa cr para maghilamos. Minuta na kasi yung mata ko kakaiyak.

Binuksan ko yung pinto at bigla nalang akong niyakap ni zoe "bestie you getting me worried!"

Nginitian ko naman sya pero halatang halata padin sa mga mata ko na kakagaling ko lang sa iyak "i-im okay don't worry ako paba?"

Hinila naman nya ako papunta sa kama ko "Tigilan mo nga ako halata kaya sa mukha mo. Ano ba talaga nangyari at anong pinagusapan nyo nung ex mo?" Napakunot noo akong tumingin sa kanya.

"Paano mo nalaman ha? Ang chismosa mo talaga!"

"Bestie paanong hindi ko malalaman eh si kuya lasing na lasing kagabi at naistorbo ako sa ingay nya kaya ayun nalaman ko kasi ikaw yung bukambibig nya!"

"Kamusta na kuya mo?"

"Ayun tulog pa ata mag uumaga na sya natulog. Hangover yun panigurado yari kay daddy yun" kamot batok na sabi ni zoe.

"Pero sige na ikwento mo na sakin kung ano bang napagusapan nyo" napababa naman ako ng tingin kasi nararamdaman ko na namang babagsak na yung mga luha ko.

"Sorry... Sige kung hindi kapa ready magkwento okay lang. Naiintindihan naman kita" sabi nya at hinawakan nya yung mga kamay ko. Umiling ako sa kanya at kinwento ko na nga yung nangyari kagabi, napahampas naman sya sa kama ko dahil sa sobrang gulat o kaartehan nya lang?. "Anong plano mo ngayon?"

"Wala!"

Kumunot yung noo nya sa sagot ko. "Anong wala? Pwede ba yun?"

"Hindi ko pa kasi alam masyado na kong naguguluhan... Bestie im being honest to you"

Tumango naman sya sakin "i have a feelings...for kai."

Nagulat ako sa kanya dahil bigla bigla nalang syang nagtatalon at nagsisigaw, mamamatay ata agad ako sa babaitang ito eh.

"OHEMGEE! This is it pansit! Sinasabi ko na nga ba! Yay I'm so happy and excited!" Hinila ko naman sya paupo ulit.

"And that's my problem zoe, kasi hindi ko pa alam kung anong nararamdaman ko pa para kay maru dahil sa nalaman kong mahal nya padin ako at ayaw kong masaktan si kai yun yung pinoproblema ko ngayon."

"Bestie sundin mo kung anong nararamdaman mo ngayon, puso ang nagmamahal hindi ang utak okay? Don't worry if you need some advice just call me i will be right here eged eged!"

Ilang oras na ang nakakalipas simula nung umalis si zoe. Buti nalang at wala akong pasok ngayon.

Mag take kaya ako ng leave? Para naman mapreskuhan yung utak ko kasi puro kalandian nalang ata ang laman nito. Baka mabaliw na ko.

Nagbihis na ako ng formal attire para pumunta ng office. Kukuha nga ako ng leave. Kahit ilang araw lang wala naman sigurong masama dun. Kailangang burahin ko muna sila sa isip ko. Hindi muna ako mag iisip tungkol sa kanila.

Masyado na kasi akong naiistress ng bonggang bongga! Dyuskolor dati laruan at pag aaral lang ang pinoproblema ko ngayon pagibig na!

***

"How many days do you want ms. sebastian?" Tanong sakin ng secretary ni zero. Actually si zero na ang nagmamanage ng airport na ito i mean sya ang CEO pero nagpapilot padin sya para lang daw makasama nya ako.

Tsk erase! Sabi ko nga hindi ko muna sila iisipin.

"5 days" maikling sagot ko.

"Okay just wait here for the approval of your leave request." Wut da?! Malalaman ni zero na magleleave ako. Paano kung hindi nya iapprove?

Anak ng pitong tupa oh? Nakalimutan kong sya nga pala ang ceo. Hay naku paano ba naman ito? Hindi naman kasi ako pwedeng hindi magpaalam masususpend ako.

Kainis naman bakit ba nangyayari sakin ito? Maya maya lang bumalik nadin si ann na secretary ni zero.

"Here's your approval ms. sebastian but mr collins said before you go, can he talk to you in a minute?" Napabuntong hininga naman ako akala ko hindi nya iaapprove. Mababaliw na ako pag nangyari yun.

"Okay i'll talk to him" tumango naman sya sakin at hinatid nya ako sa pinto ng office mismo ni zero.

Bago ako pumasok nginitian ko muna si ann at bumuntong hininga muna ako. Tatlong katok muna ang ginawa ko bago ako pumasok. Pagpasok ko nakatalikod sya, kaya no choice kailangan kong magsalita.

"Excuse me mr. collins your secretary told me that you want to talk to me?"

Humarap sya sakin ng nakangisi, wew awkward ito ha? Langya mukhang may pinaplano tong monggi na ito. Hindi ko kasi gusto yung mga ngisi nya.

"You're very formal love" napataas yung kilay ko dahil sa sinabi nya.

"So what do you expect? I know my place here mr. collins i know how to respect the relationship of the boss and the employee" umayos naman sya ng pagkakaupo at tinukod nya yung dalawang siko nya sa table.

"I am the ceo and im the one who can make and change the relation of the boss to there employee and i want you to know na iba ang relasyon natin ngayon" sabay ngisi nya "parang kagabi lang umiyak ka sa balikat ko tapos ngayon ganun ganun nalang?" Tumayo naman sya mula sa swivel chair nya at naglakad papalapit sakin.

"At tapos ngayon kukuha ka ng leave at iiwan mo ko? Youre so unfair love..." Napapaatras ako dahil sa paglapit nya sakin ng maramdaman kong babagsak na ako bigla nalang may pumulupot na braso sa beywang ko, nasa gilid na pala ako ng couch.

"I'll come with you wherever you want to go" maotoridad nyang sabi.

Hays problema ito. Plano ko ngang magpapresko at mawala muna sa isip ko silang dalawa pero heto sya ngayon gustong sumama. Paano ako makakapag isip ng matino kung kasama ko sya?



*  *  *  *  *

Past or present? (COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu