Chapter [36] - Yuri

4 2 0
                                    


- When i say i love you more, I dont mean i love you more than you love me. I mean i love you more than the bad days ahead of us, I love you more than any fight we will ever have, I love you more than the distance between us, I love you more than any obstacle that could try and come between us, I love you most.

* * *

"Kuya maruko?" narinig kong sinabi ni ave. Ako? nakatitig lang sa lalaking kadadating lang sa kanya. Ang hayop!

"Oh so you already know my son? That's good!" Sabi ni Mr. Hoshizawa

"Good evening po tito, tita" bati ni maru kina mom and daddy with matching beso pa edi wow sya na close!

"hello yui" bati din nya kay ave at nakipagbeso din. tsk plastic din nitong kapatid ko if i know botong boto yan kay hubby, may crush pa nga itong babaeng ito kay hubby. hmp

"hi babe" nakangiting sabi ni maru sakin ambang ikikiss nya sana ako sa cheeks ng magsalita ako.

"ahm excuse can we have a sit?" nakita kong kumunot yung noo ni daddy dahil sa ginawa ko kay maru. pero nagagalit ako kay daddy dahil sa ginawa nya kay hubby.

"oh sure lets have a sit" pag second the motion ng mommy ni maru. Bakit ba ngayon ko lang nameet yung parents ng hayop na ito? Sa ilang taong magkakilala kami never ko pa nakita parents nya. Sabagay palaging nasa ibang bansa din same as mine.

Nang makaupo na kami lahat binigyan kami ng waiter ng tig iisang menu. At habang natingin ako ng makakain ko nararamdaman kong kanina pa nakatingin sakin yung gunggong kong katabi kaya naman binigyan ko sya ng masamang tingin kaya umiwas nadin sya ng tingin. hays buti nakuha ka sa tingin kundi!!!... Nanggigigil talaga ako sa kanya. Hinding hindi ko makakalimutan yung pangbababoy na ginawa niya sakin. He almost rape me at kinidnap niya pa ako.

Ilang minuto ng matapos ng kuhain lahat ng order namin at umalis na din yung waiter.

"Ehrel kelan natin sasabihin sa media ang engagement ng ating mga anak?" pag uumpisa ng daddy ni maru.

"tomorrow night mark i talked some media for this event" sagot naman ni daddy. Wow ang galing naman, Nakaplano na pala ang lahat, kami nalang ang hinihintay kung ganun?

"iha how old are you now?" tanong sakin ng mommy ni maru.

"21 po turning 22 this coming march" sagot ko at ibinalik ko yung tingin ko sa cellphone ko.

"oh i see so my son is 4years older than you" sabi ulit ng mommy ni maru.

"opo" maikling sagot ko.

"if i remember the two of you is groupmate in cosplay and having a relationship am i right?" napatingin ako kay maru dahil sa sinabi ng mommy nya.

"mom?" biglang sabi ni maru.

"oh i forgot nagkahiwalay nga pala kayo 5years ago but not officially break right son?"

"cut it out hon! by the way i think the wedding day is the same day of your daughters birthday 2months from now on" napatingin agad ako kina daddy ng marinig ko yun. napatingin naman si daddy sakin pero agad din siyang umiwas at tumingin sa daddy ni maru.

"of course para mapadali ang pagmerge ng company natin" rinig kong sagot ni daddy kaya naman napayuko nalang ako at pinipigilang umiyak pero sa totoo lang nanlalabo na yung mga mata ko dahil sa mga luha ko.

Napatingin ako sa kamay ko ng hawakan yun ni maru kaya napatingin ako sa kanya.

"im sorry.." mahinang sabi nya sakin sapat lang yung lakas para marinig ko yun. Tinanggal ko ng marahas yung kamay ko mula sa pagkakahawak nya.

"Don't.touch.me!" Madiin kong sabi.

Dumating naman na yung mga order namin at ngayon ni isang subo wala pa akong ginagawa. I lost my appetite! Usap lang ng usap yung parents namin about sa engagement at wedding na mangyayari. Bullish*t! Bakit sakin pa nangyayari ito? Bakit ako pa? Kung kelan may mahal na ako!

"Ate are you okay?" Bulong sakin ni ave, tinanguan ko lang sya.

"Babe? Why you didn't eat your food?" Tanong naman sakin ng bwisit kong katabi.

"Its none of your f*cking business" mahina kong sabi sa kanya. Pero ang g*go gumawa pa ng eksena. Argh! Nakakapanggigil talaga!

"You should eat more foods babe baka magkasakit ka pa like me" sabi nya habang nilalagyan nya ng pagkain pa yung plato ko.

"Oh how sweet naman!" Kinikilig na sabi ng mommy ng gunggong.

"Anak your lucky for having a guy like him" sabi ni daddy. Your wrong dad if you know kung ano lang ang ginawa sakin ng g*gong ito ewan ko lang kung ituloy mo pa ang pesteng kasalan na yan!

"Sa pagkakaalam ko nagpropose din sayo ang collins for having a company merge and to your daughter hand is that true?" Biglang tanong ng daddy nung g*go. Sorry for the bad words guys pero hindi ko kasi kayang mapigilan ang hindi magmura.

"Yes its true but i rejected them syempre bestfriend tayo since college tapos tatanggihan ko ang offer mo buti nga mas nauna kang magpropose kesa sa collins" sagot ni daddy kaya naman lalo kong diniinan yung hawak ko sa fork and spoon. Nanggigil na talaga ako!

"I heard the news Collins company having a problem now? I think ikaw ang may pakana nun?"

"Yes its me! Binigyan ko lang ng sample ang anak ni Kaiser" natatawang sabi ni daddy. I know what he mean. Hinayaan niyang maglabas ng malaking amount si zero para mamoblema kung paano mababawi yung pera dahil sa pagreject ni dad sa proposal.

"You really a bad man" at nagtawanan na sila. Napatingin ako kay mom na malungkot na nakatingin sakin. Don't pity on me!

"Dad?!" Nagulat sila ng bigla akong tumayo maski ako nagulat din hindi ko na kasi kaya yung mga naririnig ko about kay hubby. "Ahm ano.. I need to go in the restroom excuse me!" Sabi ko at sabay talikod sa kanila.

Hays nakaluwag ako ng hinga ng makalayo ako ng konti sa kanila.

Papasok na ko ng restroom ng may humigit sa akin kaya pagharap ko nasampal ko sya bigla.

"WHAT THE F*CK ARE YOU DOING MARU?!" Galit na sabi ko sa kanya. Oo kanina pa ako nanggigigil sa kanya kating kati na yung kamay ko na sampalin sya.

"Wala akong ginawa believe me!"

"LIAR! you always lying so you think na maniniwala pa ako sayo? HELL NO! Pagkatapos ng ginawa mo sakin ha? Kinidnap mo ako and you almost rape me! Plinano mo lahat ito! Kahit kailan hindi kita mamahalin dahil iisa lang ang mahal ko remember that! You're CRAZY!!" Nagulat ako ng hawakan nya ng mahigpit yung magkabilaang braso ko.

"Argh! Nasasaktan ako! Let me go!"

"Masasaktan ka talaga kung magmamatigas kapa! Tandaan mo akin kalang kaya wala ka ng magagawa!" Sabay marahas nyang binitawan yung mga braso ko.

Dumiretso na ako ng pasok sa restroom at hindi ko na napigilan ang umiyak.

Bakit? Hindi naman ako naging masamang anak bakit ginagawa sakin ito nila daddy?

Hindi nalang ba pwedeng pabayaan nya ako? Kami ni hubby na magmahalan akala ko ba paborito nya ako? Eh bakit ganito yung ginagawa nya? Pinahihirapan nya kami....

Napatigil ako sa pagdadrama ko ng marinig ko yung phone ko na tumunog.

Si hubby?

From: Hubby <3
Message: you are mine and only mine! I'm sorry wifey remember i always love you you're the only girl i loved. Nakita ko kung anong ginawa sayo ng g*gong ex mo! Huwag mo na akong tangkain hanapin i already left. Wifey please wait for me gagawa ako ng paraan para hindi ka mapunta sa kanya. Take care :*

Syet andito sya? Pero bakit hindi man lang sya nagpakita sakin? Miss na miss ko na sya!!

*  *  *  *  *

Past or present? (COMPLETE)Where stories live. Discover now