Chapter [19] - Yuri

6 2 0
                                    


~ Don't use the past as an excuse to miss out on your future.

* * *

"Maruko?" Takang tanong ko sa kanya.

"Please let's talk" pagmamakaawa nya sakin. Tinitingnan ko ngayon ang mga mata nya punong puno ng lungkot.

"Paano kung ayaw ko? And please don't touch me!" At marahas kong inalis yung braso ko sa pagkakahawak nya.

"We need to talk its all about our relationship babe please hanggang ngayon ikaw padin yung mahal ko" Hinawakan nya bigla yung kamay ko parang nakuryente ako sa pagkahawak nya sakin. Hype na buhay ito talagang gusto akong pahirapan. Hanggang ngayon padin ba may impact ka padin sakin maruko?

*Blag*

Napasandal ako sa kotse ko ng biglang mapahiga si maruko dahil sa pagkakasuntok.

Tiningnan ko naman si zero na sobrang dilim ng aura nya. Syet his devil side! Lalapitan ko sana si maruko para tulungan pero bigla nalang akong hinigit ni zero patayo.

"Zero ano ba!" Pasigaw ko kanya pero parang wala syang naririnig.

Tumayo naman si maruko at pinunasan nya yung dumudugo nyang labi at tiningnan nya ng sobrang sama si zero.

"Mag uusap lang kami, hindi ba pwedeng hayaan mo sya?" Mahinahong sabi ni maruko pero bingi talaga ata itong katabi ko at titig na titig lang kay maruko. Ay pipi nadin ata!

"Kai please?" Pagmamakaawa ko kay zero, tiningnan naman nya ako pero yung mga mata nya napalitan ng takot? Humarap ulit sya kay maruko.

"Fine! I'll give you a minutes para kausapin sya and then after that hindi mo na sya pwedeng kausapin pa!" Mahinahon nang sabi ni zero.

Tiningnan nya ako at hinalikan nya ang noo ko "I'll wait you there" sabay umalis na sya.

Bigla namang lumapit sakin si maruko at ang ikinagulat ko ay yung lumuhod sya harap ko at hawak hawak nya yung mga kamay ko.

"Babe?" Mangiyak ngiyak na tawag nya sakin. Syete malapit na din bumagsak yung mga traydor kong luha.

"Tumayo ka-ka dyan!" Tumayo naman sya at bigla nalang nya ako niyakap as in sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga. Ilang minuto bumitaw naman sya sakin.

"Ma-maruko kaya lang ako pumayag na makipag usap sayo dahil kailangan ko ng closure sa past relationship natin."

Tiningnan naman niya ako pero umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Co-closure? You don't want to hear my explanation?"

"For what? Explanation ng panloloko nyo sakin?"

"Babe please listen to me first hindi ko talaga intensyon na lokohin ka, wala lang talaga akong choice dahil kung hindi ko pipiliin si chii magpapakamatay sya" napakunot noo akong tumingin sa kanya.

"ano?"

"Yes! Chii tried to kill herself, i mean suicide if i don't choose her. Ayaw kitang saktan pero ayokong may mamatay ng dahil lang sakin. Umalis kami ng bansa at hindi na ako nakapagpaalam sayo dahil yun yung sinabi nya sakin... Na kapag nakipagkita pa ako sayo talagang tutuluyan na nyang magpakamatay kaya hindi ko sya magawang iwan kahit na segundo lang" napasuklay naman ako sa buhok ko.

So pathetic! Seriously? Talagang magpapakamatay sya kapag hindi sya ang pinili?

"Bullshit maru! Sya inintindi mo natakot kang baka magpakamatay sya pero ako ba naisip mo bang baka sakaling magpakamatay din ako kung hindi mo ako pinili? O baka naman kailangan ko din siguro gawin yun baka sakaling pinili mo ako dati." Tuluyan nang tumulo yung luha ko.

Lahat ng masasakit sa nakaraan ko, galit at hinanakit ko sa kanya biglang bumalik at lumabas.

T*angina! Kalokohan nya!

"Maru! Nung muntikan na akong mamatay dahil sa sunog hindi mo ba naisip na baka mawala din ako? Hindi ka natakot na mamatay ako?! Ha!" Hinampas ko na yung dibdib nya dahil galit na galit talaga ako!

"Minahal mo ba talaga ako maru? o baka nakulitan kalang sakin? o baka naman naghanap kalang ng mapaglalaruan? Kasi bata pa ako noon. Ka-kasi ako maru totoo to eh" sabay turo ko sa dibdib ko kung asan yung puso ko.

"Alam mong simula palang na magkakilala tayo ikaw lang yung ginusto ko. Wala akong ibang gusto kundi ikaw lang. Nangako ka sakin na hinding hindi mo ko sasaktan na aalagaan at hindi mo ko iiwan pero anong ginawa mo? Yung mga pinangako mo sakin lahat yun napako!"

Bigla nya akong niyakap pero hindi ko sya magawang yakapin din dahil galit ang nangingibabaw sakin ngayon.

"Babe im sorry... Forgive me... Please give me a second chance i mean last chance! Baka mabaliw na ako nito."

"No more chance maru... 5years had past sa tagal ng taon na lumipas hindi ka humingi ng chance sakin talagang pinatagal mo pa. Bakit? Nakonsensya kana ba ngayon? Kaya ka nagpapaliwanag sakin ngayon?"

Hinawakan naman nya yung mga kamay ko ng sobrang higpit.

"Please! Babe ako nalang... Ibalik natin yung dati! Yung ako lang ang mahal mo! Nababaliw na ako sa sobrang miss ko sayo."

"People change maru! At malabo nang mangyari yang gusto mo! Dahil matagal na tayong tapos nung araw na iniwan mo ko at hindi ka na bumalik!"

Nagulat ako sa ginawa nya ng bigla nya akong yakapin at nanigas ang buong katawan ko ng halik halikan nya ang leeg ko. Pwersahan ko syang tinutulak pero nanghihina ako.

"Ito ang gusto mo diba? Ito!"

"Tu-tumigil k-ka! Lu-lumayo ka sa-sakin p-please!"

"F*CK!"

Naramdaman ko namang napalayo na sakin si maruko at yakap ng sobrang higpit ang naramdaman ko na ngayon.

Galit! Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon! Ang puso ko sobrang wasak dahil sa sakit.

Malapit na kong mag breakdown dahil sa mga nalaman ko.

Sana pala pinaglaban at hinabol ko sya baka sakaling hindi naging ganito kakomplikado yung buhay namin.


*  *  *  *  *

Past or present? (COMPLETE)Onde histórias criam vida. Descubra agora