Chapter [7] - Yuri

3 2 0
                                    


~ Forget about the past, feel the present, Don't think about the future, Life is unpredictable. Just enjoy love, feel your heart.

* * *

Isang buwan na ang nakakalipas simula ng maging kami ni maru at tatlong linggo nadin ang nakakalipas simula ng malaman din ni aya ang relasyon namin ni maru.

Sa tatlong linggo na nakalilipas naging okay naman na din kami at sa ilang linggo na lumipas naging okay nadin yung grupo namin. Ilang araw nagkaayos na si aya at kris.

Ang malaking problema lang namin ay kung paano sasabihin sa grupo kung anong meron samin dalawa ni maru.

"Babe? Where do you want to eat?" Tanong sakin ni maru, nagdedate kami ngayon pang 8 times na date na namin to masyado kasi syang bumawi sakin kaya ngayon lagi na nya akong inaaya.

"Ha? Ano yun?"

" I said where do you want to eat?" Nakakunot noo nyang sabi

"Kahit saan nalang, medyo busog pa naman ako eh"

Iniharap naman nya ako sa kanya at hinawakan nya ang mukha ko "may problema ba babe?" Tanong nya.

Umiling naman ako at tiningnan ko sya sa mga mata, grabe bakit ba mahal na mahal ko tong lalaking to kaya kahit simpleng problema lang na pwede mag cause saamin dalawa ng malaki eh masyado kong iniisip at pinoproblema.

"Okay then why are you always like this? You are out of nowhere i don't know what are you thinking? But babe kung ano man yang iniisip mo please tell me im your boyfriend" parang nakonsensya naman ako sa sinabi nya tama naman din kasi sya boyfriend ko sya dapat lahat sinasabi ko kung ano naman yung mga problemang naiisip ko

Hays sumasakit na naman ata ulo ko...

Naglakad lakad pa kami ulit pero napatigil kami sa isang shop ng mga sapatos promo kasi ng shoe shop na to ay couple shoes mag valentines day na nga pala kaya ganito yung promo nila.

"Let's go inside" tanong sakin ni maru tumango naman ako sa kanya at sabay na kaming pumasok sa loob ng shop.

Mga ilang minuto na pag iikot wala padin akong napipili magaganda naman yung mga sapatos na andito hindi naman sa maarte ako pero wala talaga akong matipuhan.

"Babe?" Humarap ako kay maru na may dalang dalawang pares ng sapatos same color and design sya ang kyot! Lumapit naman sya sakin para makita ko ng maigi yung sapatos na dala nya.

Kinuha ko naman yung sapatos sa kanya pagkalapit nya "wow ang ganda!"

"Do you like it?" Nakangiting tanong nya.

"No" bigla namang nawala yung ngiti sa mukha nya pagkasabi ko nun.

"Ahahah i mean is i love this" bumalik na ulit yung ngiti sa labi nya at ginulo yung buhok ko.

"Ikaw talaga! Tara babayaran ko na ito" kinuha naman nya yung sapatos sakjn at pumunta na sya sa counter.

Ako naman umupo nalang sa couch na andito, hihintayin ko nalang sya medyo nangalay ako kakatayo.

Minuto lang ng bumalik si maru nakabox na yung dalawang sapatos, lumuhod sya sa harap ko at binuksan yung isang box. Nagulat ako ng bigla nyang hubarin yung flat sandals na suot ko at isinuot nya yung biniling nyang sapatos sakin.

Pagkatapos nyang maisuot sakin yung sapatos umupo naman sya sa tabi ko at pinalitan nya din yung suot nya ng binili nyang sapatos.

"Look isn't cute?" Ipinagtabi nya yung mga paa namin at nilabas nya yung phone nya.

Past or present? (COMPLETE)Where stories live. Discover now