Chapter [9] - Yuri

4 2 0
                                    


~ The more anger you hold in your heart towards the past, the less capable you are of loving the present.

* * *

"Okay minna we are all set! Our next thing to do is our full cooperation no more mistake got it?" Si kris.

Andito kami ngayon sa backstage sa loob ng convention hall, ozine fest kasi ngayon at representative yung group namin kaya meron kaming special participation dahil isa ang group namin sa special guest.

"Babe are you okay?" Tanong sakin ni maru nagsmile lang ako sa kanya, siguro napansin nyang hindi ako komportable ngayon dahil sa suot ko.

Naka bra lang kasi at jeans si nami ng one piece kaya ganun din ang suot ko ngayon. Syempre medyo sanay naman na ako sa mga revealing costumes pero parang kakaiba ngayon dahil ba sa may boyfriend na ako kaya parang nahihiya na ako. Kasi parang feeling ko nakahubad na ako sa harap ni maru.

"If you're not comfortable let's not continue" mahinahong sabi nya nakatingin lang ako sa kanya ngayon.

"No-no hindi tayo pwedeng hindi tumuloy nakakahiya, remember our punishment? Kaya don't worry about me i can handle it. Ako pa ba?" Proud na sabi ko sa kanya.

Hinawakan naman nya yung kamay ko para hindi na ko kabahan pero tama lang ang ginawa nya, nawala naman na ng unti unti yung kabang nararamdaman ko.

"Thank you so much for the special production and now let's welcome our special guest today the group of mugiwara pirates from one piece lets give them around of applause the lemons!!"

Nang marinig na namin yung sinabi ng emcee, lalo lumakas yung kaba ko kahit na ba nakahawak pa yung kamay ni maru sakin.

"Okay minna remember our step! Again no more mistake!" Sigaw ni kris samin, maya maya isa isa na kaming lumalabas habang tawag kami sa mga pangalang gamit namin.

Unang lumabas si Kris as a luffy sumunod sa kanya si raymark as zorro, maruko as sanji, at ako as nami, next to me si cielo as ussop, yui as chopper, aya as robin, Jerome as Franky at Harold as brook.

Nag umpisa na kaming sumayaw actually hindi lang basta sayaw ang ginagawa namin kundi may acting din para bang nag iistageplay lang kami.

Ilang minuto nang matapos na ang sayaw slash/ acting namin. Nagsipagbalikan na kami sa backstage lahat kami hingal na hingal at pawis na pawis kahit na ba sobrang lamig dito sa hall.

Nagulat ako ng biglang may naglagay ng jacket mula sa balikat ko, "ayan makokomportable kana babe" si maru pala, how sweet nemen dis boy!

"Thanks" nakangiting sagot ko sa kanya.

"Oh guys! Picture naman, be ready!" Sigaw ulit ni Kris.

Mag iisang oras na ata kaming nakangiti dahil sa dami ng nagpapapicture samin. Ngalay na yung panga ko.

Nilalamig na din ako dahil sa nakabra nga lang ako, hindi ko kasi masuot yung binigay ba jacket ni maru sakin. Pinatanggal din kasi ni kris hindi daw maganda tingnan. Oh edi wow!

Finally natapos na din yung picture taking kaya naman makakapagpalit na ko ng damit.

"Guys good job!" Sigaw ni kris. Hays buti naman..

"Babe tara ihatid na kita sa dressing room para makapagpalit kana" tumango naman ako kay maru at nagpaakay na papuntang dressing room.

Palabas na ako ngayon ng dressing room, nakapagpalit na din ako. Pero pag labas ko wala akong maruko na nakita. Saan naman kayo nagpunta yun?

"Okay-okay stop this nonsense conversation! I'm sick of this!"

Si maru na nasa may likod banda ng dressing room. Pero sino yung kausap nya? Lalapitan ko na sana sya pero napatigil ako dahil sa sinabi nya.

"You know that you are my love. - enough! Hindi kasi pwede yung gusto mong mangyari!"

Ano daw? Sino ba yung kausap nya?

"Kakain lang kami and then ihahatid ko lang si yuri--- I know! Wag ka ngang magselos! Sige I call you later I love you bye"

"Oh bes ginagawa mo dyan? Si maruko asan?" Nagulat ako sa nagsalita si aya pala. Oh-oh! Paano to?

"Oh maruko! San ka galing?" Tanong ni aya kay maru, napatingin naman siya sakin na parang nagulat sya.

"Kanina pa ba kayo dyan?" Tanong nya samin.

"Kararating ko---"

"Tara na!" Hinila ko na si aya ayokong malaman ni maru na matagal na akong andun at narinig ko ang usapan nila.

Nakain na kami sa turks ngayon, Ang iingay nila pero wala ako sa mood ngayon para makipagsabayan. Hanggang ngayon kasi iniisip ko kung sino ba yung kausap ni maru at bakit ganun yung mga sinabi nya.

Niloloko lang ba nya ako? May iba din ba sya? Nagsisinungaling na naman ba sya sakin? Gustong gusto kong itanong na sa kanya pero mas mabuti ng sya ang umamin sakin.

"Babe okay ka lang?" Nagulat ako sa tanong nya. Oo nga pala katabi ko nga pala sya. Tumango lang ako sa kanya pero hindi ko sya tiningnan.

"Hindi mo pa ginagalaw yung pagkain mo." Tanong nya ulit sakin. Bigla naman akong nairita sa kanya.

"Pakielam mo ba?" Sagot ko na sa kanya. This time magkatitigan na kami. Alam kong nakatingin na yung buong grupo samin pero wala akong pakielam.

"Ano ba yang sinasabi mo? May problema ba tayo babe?" Hinawakan nya yung kamay ko. Tumayo ako at inalis ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak nya.

"I'm sick of this! Wag na tayong maglokohan dito maruko! Hindi na ako natutuwa" humarap ako sa grupo "I'm sorry guys I gotta go" at umalis na ko sa harap nila.

Pagkalabas ko ng turks tumakbo na ko. Wala akong pakielam kung sino makabangga ko basta ang gusto ko lang makalabas na sa lugar na yun.

Wala na akong makita dahil sa mga bwisit na luha ko. Hindi ko mapigilan yung paglabas nila.

Nakarating na ko dito sa bahay, wala pa atang tao sabagay andun pa si yui. Dumiretso na ko ng pasok sa kwarto ko at dun nagiiyak ako.

Ang sakit sakit, he always cheated on me, lagi nalang nya ako sinasaktan. Bakit ganun? Pero mahal na mahal ko sya.

*  *  *  *  *

Past or present? (COMPLETE)Where stories live. Discover now