Chapter [37] - Yuri

4 2 0
                                    


Here we goooo... Malapit na talaga akong mabaliw sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko na maintindihan yung nasa isip ni daddy kung bakit nya ginagawa sakin ito?

Mabait na anak naman ako, nakapagtapos naman ako ng pag aaral, hindi ako nabuntis ng maaga, may magandang trabaho? Pero bakit ganito yung binibigay sakin? Deserve ko ba ito?

Akala ko ba favourite nya ako? Oo daddy's girl ako lahat ng sinasabi at gusto niya ginagawa at sinusunod ko pero this situation? Maling mali! I'm in the right age to choose what i want for my life pero bakit kinokontrol padin ako ni daddy? Oo binibigay nya sakin lahat ng gusto at luho ko syempre anak nya ako kailangan ko ng support at pagmamahal hindi ganito!

Narinig kong may kumatok sa pinto ko kaya lumapit ako dito at binuksan iyon.

"Mom?"

"Pwede ba kitang makausap anak?"

"Sure" at ibinuka ko ng malaki yung pinto para makapasok si mommy. Dumiretso sya sa may wall ko kung saan puro picture nang cosplay namin na grupo, picture namin ni maru at ni hubby at ng family ko. Tumingala si mom ng tingin at makikita dun ang nakasulat na 'Wall of my life'.

"Mom? Ano po yung sasabihin nyo?" Pagtatanong ko kaya naman humarap siya sa akin pero humarap ulit siya sa wall ko.

"There is no such thing as a perfect guy. Even the nicest guys get mad. Even the most understanding guys get fed up. Even the most loving guys can break your heart." Nakakunot na ang noo ko dahil sa naririnig ko, pinagsasabi ba ni mommy?

"You're never going to meet a guy who isn't going to make a mistake. You're never going to come across a guy who isn't going to upset you at one point or another. You're never going to know a guy who doesn't have something wrong with him." Humarap sakin si mommy at iginaya nya akong umupo sa dulo ng kama ko.

"Every guy out there is gonna come with flaws, come with baggage, and come with their own way of showing you that they care, whether its in a healthy or toxic way. The truth is, every single guy is capable of being sweet and every single guy is capable of being an asshole. When a guy loves you, like truly loves you, you're going to get the best in him because youre the best in him."

"Mom! What are you talking about? Naguguluhan ako?"

"Makinig ka lang anak, so if you have a guy who isn't perfect and you still accept them wholeheartedly for who he, you're able to tolerate him for the kind of man he is, and you're willing to forgive him because he makes you happy just as much as he hurts you, well then you deserve him because not every girl has enough heart to deal with an imperfect guy, but the fact that you do means everything." Mahabang sabi ni mommy kaya tiningnan ko lang sya mata sa mata, hindi ko kasi magets kung anong ibig sabihin ni madir. Where's the point? Pakihanap ng paki ko? Char ang bad ko!

Hinawakan niya yung dalawang kamay ko at ngumiti ako naman nakakunot padin ang noo ko.

"Please...ayokong humantong na magkagulo tayo o kayo! Pwede ka namang magisip kung ano ba talaga ang dapat gawin, you have your own decision. Pwede bang bigyan mo din ng chance si maruko? I know he is a good man, may sakit sya at hindi namin alam kung hanggang kailan nalang sya tatagal. Pero kung mahal mo talaga si zero its up to you anak."

"I think you deserve to know the truth that's why you need listen very well. Matagal ng nagkasundo ang daddy mo at ang daddy ni maruko. Pero itinigil din ng dad mo ng malaman niyang nililigawan ka ni zero. Your dad wants you to be happy but suddenly a big problem came, itinakbo ng isa sa mga shareholder natin ang kalahati ng pera ng company at kailangan maibalik yun ng daddy mo."

"He is the CEO kaya siya ang kailangan gumawa ng lahat. Nang malaman yun ng tito mark mo which is daddy ni maruko. Nag offer sila ng tulong but in one condition. You need to married their son. Alam nila ang nangyari sa inyo ni maruko and they like you for their son" Now i get. Matagal ako bago nakapagsalita. Prinoprocess pa kasi ng utak ko lahat ng sinabi ni mommy sakin.

"Mom? Ayokong mahirapan si zero. Ngayon pa nga lang na malaman ko na binigyan ni daddy ng problema ang kumpanya ni zero nasasaktan na ako. Paano pa kaya sa mga susunod baka hindi ko na kayanin... Kahit mali kailangan kong gawin hindi para sakin kundi para sa taong mahal na mahal ko bukod sa inyong pamilya ko." Syete naiiyak na naman ako.

"Oh anak i am really sorry... Kung may magagawa lang ako para matulungan ka at mabago ang desisyon ng daddy mo!"

"No ma! Desisyon ko na din ito.. Baka lalo lang pahirapan ni daddy si zero at yun ang ayokong mangyari! Mahal na mahal ko sya mom!" Tuluyan na talagang bumagsak yung mga luha ko kaya naman niyakap agad ako ni mommy.

Buti nalang andito si mom may napaglalabasan ako ng ganitong mga problema ko. Kahit ba na hindi ako masyadong malapit sa kanya naiintindihan nya ako. Hindi katulad ni daddy, kaya siguro nya binibigay yung mga gusto ko dahil ganito ang kapalit. How dare he? What kind of father is he? Syet mali ito... Ayoko mang mag isip tungkol kay daddy ng ganito pero hindi ko mapigilan.

Nang medyo maayos na ako nagpaalam na si mom sakin at sinabihan ako na mag ayos na para sa party na magaganap mamaya.

Kinakabahan, natatakot, nagagalit... Ewan ko ba halo halo na yung emosyong nararamdaman ko. Idagdag mo pa yung pagkamiss ko sa lalaking mahal ko.

I admit it dati hindi ko sya gusto oo may pagkacrush lang pero dahil sa pagconfess nya sakin nung gabing yun yung mga moves nya lagi nalang nagwawala yung puso ko. Kahit na napaka bossy nya, isnabero, devil, arrogant, possesive at yung pagkaseloso nya lahat ng katangian nyang yun lahat yun nagustuhan ko.

Lumapit ako sa bintana kung saan kitang kita mula rito sa kwarto ko ang nasa ibaba na nagsisimula nang pasukin ng mga ibat ibang tao. Nasa villa kami ngayon na pagmamay ari ng grandparents ko, parent ni daddy.

Napalingon ako sa pinto ko ng biglang may kumatok ulit dun at ulo ni ave ang lumabas dun.

"Ate are you okay?" Tanong nya at tumango lang ako sa kanya.

"Sabi ni dad magbihis kana daw at bababa na tayo." Tumango lang din ako sa kanya at iniwan nya na din ako.

Lumapit ako sa mannequin na andito ngayon sa kwarto ko. Mannequin na suot suot ang susuutin kong damit, fitted v-neck tube na expose ang buong likuran ko at color peach na long gown.

Makalipas ang ilang minuto humarap ako sa salamin at tiningnan ko ang sarili ko dahil sa suot ko ngayon, sobrang revealing. Kung kasama ko si hubby? Im sure mas gugustuhin nya pang ikulong ako sa kwarto kesa may makakita sa kin na ganito ang itsura. Hays napapailing ako dahil sa alaalang naiisip ko.

Hubby? I am really sorry but my decision is final. I need to do this for the sake of my family and also for daddy... Kumuha ako ng tissue sa mesang nasa harap ko, tumulo na naman kasi yung mga luha ko.

*  *  *  *  *

Past or present? (COMPLETE)Where stories live. Discover now