Chapter [49] - Yuri

4 2 0
                                    


Ayoko na... I can't take this anymore! I wanna die right now! Bakit naging ganito kakumplikado ang lahat sobrang sakit na! Tadhana hindi pa ba sapat yung sakit na binigay mo nung una? Bakit kailangan pang umulit at mas malala pa ngayon!

Nakahiga lang ako ngayon at nakatitig sa kisame, Simula ng dumating ako galing bar hindi na ako nakatulog dahil gusto kong umiyak lang ng umiyak.

Ang sakit sakit... Basag na basag na yung puso ko, bakit ba kasi naging ganito kakumplikado yung sitwasyon hindi ba pwedeng magmamahal kalang at magiging masaya?

Palagi nalang ba akong iiwan, masasaktan at iiyak? Hindi naman ganitong klase ng love story ang gusto kong mangyari pero bakit naging ganito kagulo? Hindi ko na maintindihan!

"Anak? Are you okay?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita si mom at pumasok sya sabay upo sa tabihan ko.

"I heard about what happen to you and maruko yesterday are you okay now?" Nag aalalang tanong sakin ni mommy, tumango lang ako sa kanya at niyakap nya ako kaya naman hindi ko na naman mapigilang hindi umiyak, grabe ganito ba kababaw ang iyak kapag sobrang nasaktan?

"Ssshhh... Cry as you want hanggang sa gumaan ang dibdib mo" sabi ni mommy sakin habang hinahagod nya yung likod ko.

"Mom... A-ang sa-sakit na... Hindi-di k-ko na k-kaya!" Putol putol kong sabi.

"Anak ganyan talaga kapag nagmamahal hindi pwedeng saya lang palaging may lungkot at sakit na kasama yan." Humiwalay ako ng yakap at tumingin ako sa kanya.

"Mom one pain is enough, pero bakit umulit na naman? Kumplikado na nga yung sitwasyon namin pero bakit ginawa pa nya yun? Mahal nya ba talaga ako? Should i deserve this kind of pain? Kasi ako mahal na mahal ko sya mom... Gagawin ko lahat para sa kanya!"

"I know he really loves you because i feel it, im your mom and that's a mother instinct pero siguro kaya nya nagawa yung ganun dala nadin ng mga problema nya but that's not the reason na he wants to hurt you at hindi ka nya mahal. Maybe you should talk to him kung ano ba talaga!"

"Mom i'm already breaking up with him. I realize na kung talagang mahal ko sya kailangan kong gawin yung dapat at magsacrifice alam kong pagsisisihan ko ito sa huli pero ito yung tama, ayokong mawala lahat ng pinaghirapan ng pamilya nya at ayokong ng dahil sakin kaya nangyayari ito sa kanila."

"Dont blame yourself anak thats not your fault. Daddy mo ang may gawa nun kaya wag mong isipin yung ganung bagay sundin mo yung puso mo. Kung mahal mo sya ipaglaban mo hanggang huli kahit ano pang mangyari."

"Nakapagdesisyon na ako mom, itutuloy ko na ang kasal. I don't want to disappoint daddy for being selfish i am, lahat ng gusto ko binibigay nyo kaya kung sa ganitong paraan para lang maibalik ko yung ibinigay nyo sakin gagawin ko."

"No anak! Dont say like that. Hindi mo naman kailangan gawin yun magulang mo kami and that our obligation... Okay okay always remember i am always here to support you no matter what happen"

"Thanks mom..." And then we hug each other. Medyo nakaluwag nadin ako dahil nabawasan yung hinanakit dito sa puso ko.

* * *

"Mom? Nakauwi na ba si daddy?" Tanong ko, andito padin kami sa kwarto ko.

"Yes bakit anak?" Tanong din ni mommy sakin.

Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin kay mom "I want to talk daddy" tumango at ngumiti naman si mommy sakin.

Tumayo na kaming dalawa sa kama ko at dumiretso labas.

Habang naglalakad kami ni mom sa hallway pababa papuntang study room.

"Anak please wag ka ng makipagtalo sa daddy mo ha?" Pagpapaalala sakin ni mom.

"I won't promise but i'll try" sabay ngiti ko at ginantihan din ako ni mom ng ngiti.

Andito na kami ngayon sa labas ng pinto ng study room ni daddy pero bago kami pumasok kumatok muna si mom.

"Come in" sabi ni daddy mula sa loob kaya naman binuksan na ni mommy yung pinto at pumasok na kami sa loob. Nakita ko si daddy na may binabasang mga papers.

"What do you want?" Tanong agad ni daddy samin pero hindi nya kami tinapunan ng tingin.

"Your daughter wants to talk to you, please dont fight." Pagkasabi nun ni mom tumalikod na sya pero bago man sya lumabas tumingin muna sya sakin at nginitian ako.

"Why you want to talk to me alexandria?" Pag uumpisa ni daddy.

"Give back their company, zero really badly wants their company" sabi ko kaya naman tumingin na sakin si daddy ng nakakunot ang noo.

"What are you saying? Hindi ko ibabalik ang kumpanya nila hanggat hindi kapa tinitigilan ng lalaking yun."

Bago ako sumagot kay daddy tumungo muna ako, pabagsak na naman kasi yung mga bwisit kong luha.

"Im already breaking up with him....so please daddy give them back their company im begging you" mangiyak ngiyak kong sabi pero nakatungo padin ako.

"How can i assure you?" Tumingin ako kay daddy na baka sakaling may pag aalinlangan sya pero wala akong makita.

"Im going to marry now" sagot ko.

Ngumiti naman si daddy sakin at sumandal sya sa swivel chair nya. Syet ang creepy ni dad ayokong nagingiti sya ng ganyan parang anytime may pinaplano na naman sya.

"Kahit naman hindi kayo maghiwalay nung collins na yun matutuloy padin yung kasal nyo ni maruko but i never expect na maghihiwalay kayo kaya naman sige ibabalik ko na ang kumpanya nila but promise me you will never to disappoint me alexandria umderstand? Or else... All of your friends are also going to involve of Collins problem. Kukunin ko din ang meron sila." Nakangising sabi ni daddy sakin.

"From now on im starting to hate you daddy, i won't believe this that you can all do this for me. Don't you dare to touch all of my friends. Akala ko kakampi kita but I'm wrong! Your so selfish! I hate you!" Pagkasabi ko nun tumakbo na ako palabas ng study room ni daddy.

Pagkalabas ko nakita ko pa si mom sa gilid ng pinto na naghihintay pero Hindi ko sya pinansin, dumiretso ako ng takbo paakyat sa kwarto ko.

I hate daddy so much! Bakit nya nagagawa sakin ito? I'm his favourite i mean daddy's girl ako pero naaatim nyang gawing miserable ang buhay ko!

Sana hindi nalang sya ang naging daddy ko!

*  *  *  *  *

[A/N]: Next last chapter na! Huwag po kayong magalit sakin sa magiging ending nitong story ko. Wala naman po kasing forever [sounds bitter] Nah! I'm just telling the truth na hindi lahat may happily ever after like the story of every Disney princess.

See you for the last chapter. Ciao! :*

Past or present? (COMPLETE)Where stories live. Discover now