Chapter [40] - Yuri

2 2 0
                                    



Mag iisang buwan na.. Next month matatali at makukulong na ako sa isang taong hindi ko naman na mahal, sa isang taong unang sinaktan, niloko at iniwan ako, yung taong kinakalimutan ko na.

Sa halos isang buwan na lumipas nung huli ko syang nakita at nakausap yung gabi na din yun ang pinakamasakit dahil yung mga pinangako nya sakin lahat yun napako nalang at kagaya ng past ko iniwan at sinaktan lang din nya ako. Pero kahit ganun naiintindihan ko sya ayaw nya lang siguro ako mahirapan at para tumigil na din si daddy kung sakaling malaman ni daddy na wala na kaming relasyon at titigilan na nito sila zero. Oo tama! Yun siguro ang dahilan kung bakit sya nakipaghiwalay sakin. Maghihintay nalang siguro ako sa kanya baka may ginagawa syang plano o paraan.

Tumitig lang ako sa kisame habang nakahiga ako, wala naman kasi akong pupuntahan bilang lang sa daliri ang mga kaibigan ko na sinasamahan ko yung totoong mga kaibigan ko naman sobrang mga busy kaya ayun kinakain na ko ng boredom! Oo nga pala hindi na pala ako pinapapasok ni daddy sa airline simula ng iannounce yung engagement namin ni maruko ang pangit naman kasi daw tingnan na yung pinagtatrabauhan ko eh ex boyfriend ko lang naman ang boss tapos may sarili kaming kumpanya kung bakit sa ganun pa daw ako napasok. Odiba? Ang masaklap pa na ang lakas lang din ng saltik ni daddy pati sa pagtatrabaho ko nanghihimasok na sya. Wattalife!

Naiinggit tuloy ako sa bruhilda kong kapatid. Masaya sya ngayon malaya nyang nagagawa ang gusto nya pati kasama nya yung lalaking mahal nya, samantalang ako kinukulong at ipinipilit sa lalaking hindi ko na gusto at kahit kailan hindi ko na gusto pang balikan.

At dahil sa malapit na akong kainin ng sistema ko at bago pa ako mabaliw kakaisip ng kung ano ano kinuha ko na lang yung laptop ko. Mag update ako ngayon baka ang dami ko ng namissed na chika sa net. Kaloka! Inopen ko muna messenger ko pero walang nakaonline na chingu ko! Kaya hinome ko na lang.

*scroll*

*scroll*

*scroll*

Boom! Biglang may umilaw sa utak ko. Bakit kaya hindi nalang ako magbusiness? I think restobar is a great idea ng maiba naman at para naman may maipundar ako tsaka sayang lang din ang naipon ko kung iimbak ko lang sa bangko.

Tama tama! Ganun nalang ang gagawin ko tutal ayaw naman nila ako papasukin sa airline nila hubby este zero pala.

"Waaaahhh besss!" Napaupo ako bigla sa gulat ng biglang bumukas yung pinto ko at iluwa nun ang best friend ko na nakamega phone na si aya kasunod nya sila kris, jerome, cielo at harold.

"Phew! Walangya ka bes muntikan ng lumabas yung puso ko sa pagkagulat!" Mataray kong sabi kay aya at sabay irap.

"I dont care bes! Waaaahhh im sooo happy for you!" Sabay yakap nya sakin dahilan para mapahiga kami sa kama. Itinulak ko naman sya para mapaupo ako.

"Anong happy ka dyan? Malas kamo!"

Tiningnan ko yung apat na lalaki na prenteng nakaupo sa couch sa tabi ng kama ko. Tiningnan ko naman sila dahil lahat sila nakangising nakatingin sakin.

"Bakit pala hindi man lang kayo nagpunta sa engagement party? Ganyan ba talaga kayo kabusy at hindi nyo man lang ako nabigyan ng schedule ha? Ganyanan na ba?!" Pagsusungit ko sa kanila.

"Bakit yuri! Nainform ba kami ng maaga? Eh nakarating na samin yung balita two days ago ng maannounce yung engagement nyo ni maruko" pagsasalita ni jerome. Kaya naman nagcross arm ako.

"Hoy imposibleng late nyo na nalaman, oy kris yung company nyo invited yun ah?" Tanong ko kay kris at sinamaan sya ng tingin.

"I have a urgent meeting and im in paris, late na nasabi sakin ng secretary ko dahil full ang schedule ko." Prenteng sagot sakin ni kris kaya naman tiningnan ko yung tatlo.

"Nasa London ako you know as an architect" nakangising sagot sakin ni cielo.

Tumingin din ako sa katabi ko ba nagkakalikot ng kuko nya. "Hoy ikaw babae?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya.

"sarreh naman bes late din akong sinabihan biglaan kaya! Tapos sunod sunod pa pictorial ko" nakangusong sabi ni aya. Kaya naman kay jerome na ako tumingin.

"That day may urgent meeting ako sa canada alam mo na clients" sabi naman ni Jerome. Tiningnan ko naman ng masama si Harold. Itong lalaking ito hindi ko alam kung ano ba talaga trabaho nito eh palabas labas lang ng bansa Sige sya na mayaman!

"Me? Hmmm... I'm on your party" nakangiting sabi ni harold. Tumayo ako at lumapit sa kanya "aray! Yuri kelan kapa naging sadista ha?" Binatukan ko lang naman kasi sya. Nakakaloka andun pala sya nung gabing yun hindi ko man lang sya nakita!

"Eh bakit hindi kita nakita?"

"Medyo nalate ako ng dating si maruko kasi late na ako nasabihan kaya ayun, dont worry napanood ko naman performance mo"

"What?! Anong performance harold?" Gulat na tanong ni aya. Oo nga pala nag play pala ako ng piano at kumanta.

"You know what nakakaiyak nga eh, muntikan na din ako maiyak ... Can't explain why your loving makes me weak" Nakatawang ginagaya pa ni harold yung boses ko.

"Seriously bes?! Kumanta ka in front of many people?" Nanlalaki yung matang tanong sakin ni aya.

"Yeah i saw that" napatingin naman ako kay kris, akala ko ba wala sya nung party eh paano nya nakita? "May sinend na video sakin si maruko... Yun yung kumakanta ka!" Putek! Seryoso vinideohan nya ako?

"Waahhh panood ako mamaya kris ha?" Nakangiting sabi ni aya. Sige isa kapang babaita ka!

"Wew! Proud boyfriend? I mean fiance pala soon to be husband! Ahahaha" biro ni cielo at nagtawanan na sila.

"Mga loko kayo ah?! Sige pagtawanan nyo ko! Nakakatuwa eh noh?" Pagsusungit ko na sa kanila pero ang mga walanghiya pinagtatawanan padin ako! Ano ba nakakatuwa dun? Ang sagwa kaya pakinggan! Nakakaumay!

Nang mapagod na sila kakatawa tumayo yung apat lumapit sakin at sabay sabay nila akong niyakap.

"Waaaahhh i can't b-breath!" Humiwalay naman na sila sakin na nakangiti "mga walangya kayo papatayin nyo ata ako sa suffocate!"

"Suffocate talaga bes?" Nakangiting sagot sakin ni aya.

"Tse! Nagtatampo padin ako sa inyo!" Sabi ko at inirapan ko lang sila lahat. Hinimas ni jerome yung ulo ko pero tinabig ko lang yun. Nagsipag upuan naman na sila dito sa kama ko din.

"Oo nga pala! Anong nangyari bakit ka umiiyak nung kumakanta? Tapos may pawalk out kapang nalalaman!" Nakangising tanong sakin ni harold kaya naman hinampas ko sya sa braso nya.

"Aray yuri ha! Nagiging sadista kana!"

"Oo nga bes kwento ka na nga ano palang nangyari tsaka diba boyfriend mo pa si fafa zero?"


*  *  *  *  *

[A/N]: Last 10chapters left...

Past or present? (COMPLETE)Where stories live. Discover now