Chapter [8] - Yuri

7 2 0
                                    


~ someone's past is just that, their past. The majority of people learn lessons from what they did wrong in their past relationships. Don't hold their past against them unless it bleeds into the present.

* * *

Pabalik na kami ngayon sa bahay at alam naming andun padin silang lahat dahil kilala namin sila lalo na si Kris, hindi sya titigil kapag hindi nya nalalaman kung anong totoo. Kinakabahan ako sa totoo lang pero nung hawakan ni maru yung kamay ko parang nawala lahat ng kaba at takot sa sarili ko.

"Magiging okay din ang lahat" sabi nya at ngumiti sya saken

Tumigil naman na kami sa tapat ng gate namin at halatang andun pa nga sila dahil bukas pa lahat ng ilaw sa loob at labas ng bahay.

Unang lumabas si maru ng sasakyan nya at pumunta sa gawi ko para ipagbuksan ako ng pinto. Grabe yung kabang nararamdaman ko talaga daig pa sa mga magulang ko.

Nang makalabas na ko ng sasakyan, papasok naman na kami sa loob ng gate ng hawakan ulit ni maru yung kamay ko.

Ngumiti ulit sya sakin to assure me na kaya namin ito at ayos lang "kaya naten to okay?" Tumango naman ako sa kanya.

Nasa tapat na kami ng pinto ng bigla nalang bumukas ito at saktong si kris pa ang nagbukas.

Kumunot noo syang tumingin pababa sa mga kamay namin ni maru na magkahawak kamay padin.

Umalis sya sa harap namin at dumiretso ng pasok sa sala, ganun din ang ginawa namin sumunod kami sa loob ng sala at lahat nga sila andito si kris, aya, harold, jerome, cielo, yui at si chii at mincy andito din.

Hindi ko alam kung ilang minuto lang silang nakatingin samin at walang nagtangkang magsalita parang naghihintayan kami kung sino ang unang magsasalita.

"Okay maruko and yuri will you explain whats the meaning of this?" Si kris na nag cross arm.

Naramdaman ko namang humigpit yung hawak ni maru sakin. Magsasalita na sana kami ng biglang tumayo si aya.

"I know everything!"

Napatingin kaming lahat kay aya, tumayo bigla si kris. Halata sa mukha nya na nagtitimpi sya ng galit dahil sa kulay puti nyang balat kitang kita mo ang pamumula nya.

"You know everything aya? But all this time na paghihintay natin dito wala kang sinabi saamin na may alam ka pala!" Nagpipigil na sabi ni kris

"Ayoko sanang ako ang magsabi sa inyo dahil wala ako sa posisyon para pangunahan sila, pero nung sabihin mo kanina na kapag nagkaharap na tatapusin na nila yung pagkakaibigan natin at lalong tatanggalin mo na sila sa lemons! You are unfair kris let them be!"

"Ako pa ngayon ang unfair dito aya! Pareho kayong tatlo you fooled us! Dapat sa kanila ang mawala sa lemons at hindi nila deserve ang maging kaibigan pa natin dahil sinira nila ang rules at inuna nila yung kalandian nila!" Si Kris na nakatingin saamin ng masama napatingin naman kami kay jerome ngayon ng tumayo din.

"Kris let them be! Hindi sila naglalandian lang nagmamahalan sila and we know na kaya nila nagawang ilihim sa atin yung relasyon nila dahil ayaw nilang masira ang friendship natin dahil alam din nila yung rules kaya natakot siguro silang sabihin sa atin yung totoo." Mahabang litanya ni Jerome, ngayon napatingin din kami kay Harold na tumayo din at lumapit sya samin.

"Hayaan na natin sila Kris, i think hindi naman maaapektuhan yung pagkakaibigan natin dahil dito diba maruko?" At tinap nya yung balikat ni maru at ngumiti sya samin. "Huwag na natin gawing big deal to kris, be positive naman. Lets give them a chance, hindi naman nila intensyon na lihiman tayo."

Tumungin kami kay kris na medyo kumalma na ang itsura nya. Napabuntong hininga na lang sya dahil siguro sa mga sinabi nila aya nawalan na sya ng ipangongontra pa.

"Okay i admit na nagalit talaga ako dahil sa paglilihim nyo samin. hahayaan ko kayong dalawa kung yan ang gusto nyo, ayoko namang maging kontrabida sa mata nyong lahat pero pag iisipan ko padin about yan dahil nasira na ninyo ang importanteng rules ng lemons. Sana kasi pinag isipan niyo muna ito ng mabuti."

"NO!" lahat kami napatingin kay chii dahil sa pagsigaw nya, kumunot yung noo ko dahil sa itsura nya. Tumayo din si mincy para paupuin sya ulit.

"Chii..." Mahinang tawag ni maru sa kanya, napatingin naman ako sa kanya, parang feeling ko may mali.

Inilabas nalang ni mincy si chii, Pero naguguluhan padin ako nung makita kong umiiyak na sya. Ano bang meron sa kanila ni maru at ganun nalang sya makareact? Anong eksena niya?

"Babe are you okay?" Tanong sakin ni maru, tumango naman ako sa kanya at ngumiti tiningnan ko yung mga mata nya pero wala akong mabasang kahit ano bukod sa pag aalala pero ang tanong kanino sya nag aalala? Sa akin ba o kay chii? Pero bakit?

"Umupo kana muna, ikukuha lang kita ng tubig ha?" Sabi ni maru at tumayo na sya para pumunta sa kusina.

Tumabi naman sakin yung dalawa, sino paba edi si aya at ang magaling kong kapatid.

"Youre so amazing ate! Hindi ko nahalata na sa palagi mong paglabas labas ay si kuya maruko na pala ang kasama mo at ang galing nyo lang kasi naitago nyo saamin yun ng isang buwan." Natatawang sabi ni yui.

"Don't worry now bes andito lang kaming mga kaibigan mo, no matter what happen we will always by your side." Nakangiti ding sabi ni aya, nginitian ko nalang sila.

"thank you so much to protect us and to support. I don't know what to do if you are not here." Nagyakapan naman kami ni aya.

"But the question is, bakit ganun yung reaction nung chii? Anong eksena niya?" Naghiwalay kami ni aya at napatingin kay yui.

Tama! Yun din kasi yung kanina ko pang iniisip. Pero wala na akong paki doon dahil umayos naman na at wala na problemang dapat pang isipin ni maru, at sana wala na talagang dumating na problema.

"Ang landi naman nung chii kung sigurong may gusto sya kay kuya maruko. Pero sorry sya mas mahal ng mahal nya ang maganda kong ate! Ahahah---- ARAY ATE!" Hinampas ko kasi sya sa hita nya at natawa kami ni aya.

"Sorry girls for interrupting but can i borrow my girl for a while?" Si maru na may dalang baso ng tubig.

"Sure kuya maruko! She's all yours! Wala naman kaming paki diyan! Ahahah joke lang!" Pinanlakihan ko mata tong magaling kong kapatid at natawa nalang si aya dahil sa pinagsasabi ni yui. Tumayo naman ako at lumapit ako kay maru.

"Here's your water!" Sabi nya at ibinigay nya ang isang baso ng tubig. "Thank you!" Sabi ko at ngumiti lang sya.

"Hey yowwww!! Una na kami sa inyo!" Si harold na lumapit saamin.

"G*ago! Bata ka pa para mauna!" Si cielo na umakbay kay Harold.

"Bro uwi na kami gabi na din kasi. Ingat kana lang paguwi tsaka yuri dont think too much okay na!" Si Jerome ngumiti lang ako sa kanya.

Ilang minuto pa ang lumipas nag paalam nadin sakin si maru. Inihatid ko na sya sa may gate.

"Ingat sa pagdrive."

"Yes I will, pumasok kana sa loob."

"Bye" tumalikod na ko sa kanya para pumasok pero hinatak nya ako ulit paharap sa kanya. "Bakit?"

"I love you always remember that no matter what happen you are the only one in my heart. Ikaw lang babe kumpleto na ko." Speechless na naman si ate nyo, hinalikan naman nya ko sa noo tsaka na sya pumasok sa loob ng sasakyan nya nagwave muna sya bago pinaandar yung kotse nya.

*  *  *  *  *

Past or present? (COMPLETE)Where stories live. Discover now