Chapter [29] - Yuri

6 2 0
                                    

"BESTIEEEE!!!" Humarap ako sa babaeng tumatakbo palapit sakin. Ang best friend kong nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses.

"Stop shouting zoe dinaig mo pa nakatira sa bundok, ginawa mo pa akong bingi!" Sinabi ko yan sa kanya pagkalapit nya sakin.

"Where's your kuya?"

"Ayieeee.. Namimiss nya na ang kuya ko!" Pang aasar sakin ng katabi ko with matching sundot sundot pa sa tagiliran ko. Psh childish talaga nitong bestie ko.

"Natural namimiss ko sya, almost one week na kaya syang hindi nagpaparamdam sakin at next week aalis na sya, so ano ineexpect mo manhid ako ganun?" Pagtataray ko sa kanya.

Totoo naman kasi, two weeks ago ang sweet namin dalawa i mean sya pala yun bang nasobrahan ng kacheesihan sa katawan? Tapos dumating itong last week until now hindi man lang sya nagpaparamdam kahit text at call wala. As in nganga talaga!

Iisang company nga kami pero hindi kami nakakapang abot. Dadating sya dito paalis na kami dahil sa flight, hindi na nga sya ang piloto namin dahil sa sobrang hectic ng schedule nya. Minsan pag wala kaming flight at may chance na akong puntahan sya sa office nya aabutan ko nalang yung table pero wala na sya kasi may personal meeting daw? Kahit si zoe na kapatid nya hindi din sya nakakausap kahit magkita sa bahay nila walang pagkakataon.

Hays zero kaisler what the hell is happening to you? to us? Parang nakaraan lang okay na okay tayo hindi na nga tayo mapaghiwalay nun pero bakit ngayon nawala na ako sa priority mo?

One week nalang yung natitira aalis kana, wala pang kasiguraduhan kung ilang buwan ka sa new york at kung kelan kaba talaga babalik?

Sabi mo sakin hindi mo ako iiwan at sasaktan pero anong nangyari ngayon? Pinagkatiwalaan kita kasi yun yung pinakita mo sakin pero ano itong ginagawa mo? Iniiwan at sinasaktan mo na ako sa ginagawa mo! Its driving me crazy! What the hell!

"Sh*t why are you crying?" Gulat na sabi ni zoe. At pinahid nya yung mga luhang tumulo sa mukha ko.

Umiling lang ako sa kanya at inayos ko yung sarili ko. "Nothing to worry bestie, I just really damn miss him" niyakap naman nya ako at tinapik tapik nya lang yung likod ko.

"Don't think too much mahal ka ng kuya ko, marami lang talaga syang ginagawa. Kaya intindihin nalang natin sya okay? Hindi ka ipagpapalit nun." Sabi nya at humiwalay na sya ng yakap sakin.

"Ikaw ba yan bestie? Kumain kaba? Ahahah" pabiro at nakatawa kong sabi sa kanya. Hinampas naman nya ako braso ko.

"Ewan Tara na nga, maiwan pa tayo sa flight natin dahil sa kadramahan mong lokaret ka!" At nauna na syang lumakad pero hinabol ko na din sya hila yung maleta ko.

"I'll try to talk kuya kapag nakabalik na tayo. Stop crying na ha?" Seryosong sabi nya.

"Yes madam zoe!" Tumingin sya sakin na nakataas yung isang kilay nya.

"Aish ewan ko sayo bestie..." Iritadong sabi nya. Ugali kasi nitong babaeng ito. Ayaw na ayaw nya yung nagsasalita sya ng seryoso sabay babarahin at lolokohin mo, napipikon kasi sya sa ganun. Pero asahan mong kapag kalokohan talaga. Nangunguna yang bestie ko.

***

"Good afternoon sir here's your lunch... Enjoy your foods and trip" nakangiti kong sabi sa passenger pero hindi man lang nya ako tiningnan. Psh sungit! Tatalikod na sana ako ng ibaba nya yung hawak nyang magazine sa harap ng mukha nya.

"Kaisler?" Gulat kong sabi. Yah si kaisler nga ang lalaking nasa harap ko ngayon.

"Aw kaisler nalang wifey? Where's the hubby?" Nakapout nyang sabi. Aish ang sarap nyang kurutin at yakapin kaso hindi! Galit ako ay hindi inis lang pala kaya kailangan ko syang sungitan! Pero miss na miss ko na talaga siya!!

"Whatever!" At tinalikuran ko na sya. Naramdaman ko namang tumayo sya kaya medyo binilisan ko yung paglakad ko pero sadyang mala flash sya kung lumakad kaya nahabol nya ako.

"Wifey naman.. Look I'm sorry okay?" Sabi nya pero hindi ko padin sya pinapansin. Bahala sya sa buhay nya!

"Let's talk please!" Manigas kang numero ka! Kakainis! Pumasok na ko sa cabin namin dito sa likuran pero nakasunod padin sya sakin. Naabutan ko pa si zoe na nagaayos at pagkakita nya samin

"Waaaaahhh kuyaaaaa!" Here we go again! Naka on na naman po ang megaphone.

"Sh*t zoe stop shouting were here in the plane the passenger is getting to disturb"

"Come on kuya stop cussing----okay fine I'll leave the both of you alone kaloka!" Sabi ni zoe at diretso na syang lumabas ng wala man lang tingin tingin ganun?

Tumalikod ako kay kaisler at kunwaring nag aayos ako. Naiinis ako sa kanya swear! Almost one week syang hindi magpaparamdam sakin tapos ano ganun ganun lang? Aba siniswerte ata sya!

Medyo napaigtad pa ako dahil sa pagyakap nya sakin sa baywang mula sa likuran ko.

"Wh-what are---"

"Ssshhh...i really damn miss you my wifey.." Medyo nahabag naman ako dahil sa boses nya. Kaya humarap na ako.

"I miss you too hubby..."

"Sh*t---aw wifey!" Hinampas ko kasi sya.

"Stop cussing hubby!" Galit kong sabi sa kanya habang hinihimas nya yung braso nyang hinampas ko.

"I'll stop cussing in one condition" nakangisi nyang sabi. Tsk ano na namang plano ng numerong ito.

"Okay what is it?" Nakataas kilay kong sabi.

"I'll kiss you every time i want to cuss." Hmp kiss lang pala eh--- WUT?!

"WHAT?!"

"is there a problem wifey?" Hinampas ko naman sya sa braso nya ulit.

"Lumabas kana nga pagagalitan pa ako eh" tulak ko sa kanya pero hindi sya natitinag. Sige sya na malakas!

"You forgot wifey... I'm the owner of this plane." Sabi nya at lumapit sya sakin sabay yakap nya ng sobrang higpit.

"I almost died everytime i cant see you in a day but i need to do this for our sake... Always remember you are mine and only mine got it wifey?" Tumango lang ako sa sinabi nya.

Nagring naman yung phone nya kaya naghiwalay na kami ng yakap at sabay kuha nya ng phone nya sa sout nyang suit. Tiningnan nya lang muna yung caller

"Excuse me wife i need to answer this call.. Iloveyou wifey" at kiniss nya ako ng smack sa lips ko sabay labas nya sa cabin.

Natulala ako at napahawak naman ako sa labi ko na hinalikan nya. Syet you driving me crazy hubby!!!

*  *  *  *  *

Past or present? (COMPLETE)Where stories live. Discover now