Chapter [10] - Yuri

3 2 0
                                    


~ Sometimes you have to forget what's gone. Appreciate what still remains and look forward to whats coming next.

* * *

3 days na akong hindi nalabas ng bahay, at tatlong araw na hindi kami okay ni maru. Nakakainis lang kasi na sya pa yung may ganang magalit. Itinatanggi nya pa na wala syang kausap nung gabing yun, ano yun imagination ko? Aba naloloka na ko kung ganun!

3 days later...

Nagising akong namamaga yung mga mata ko, nasobrahan ako ng iyak kagabi. Pero parang hindi padin nawawala yung sakit na nararamdaman ko kahit na ba iniyak at itinulog ko na.

Lumabas na ko ng kwarto ko pagbaba ko nasa sala si ave nakita naman nya ako pero hindi nya ako pinansin dahil focus na focus sya sa panonood. Dumiretso na ko ng kitchen, grabe gutom inabot ko sa kaartehan ko kagabe. Naghahanap na ko sa ref ng makakain ko ng pumasok si ave.

"Ate may naghahanap sayo" sabi nya humarap naman ako sa kanya na nakakunot ang noo.

"Sino?" Tanong ko pero nagkibit balikat lang sya at lumabas na sya ng kitchen.

Sino naman kaya yung naghahanap sakin? Wala naman akong inorder pa sa online. Isinauli ko na yung hawak kong bacon sa ref.

Pumunta na ko sa sala pero si ave  lang din ang nakita ko.

"Oh asan yung naghahanap sakin?"

"Nasa garden ate" sagot nya pero hindi sya nakatingin sakin.

"Hays bakit hindi mo pinapasok?" Hindi nya na ako sinagot sa tanong ko sa kanya.

Dumiretso na ko sa garden pero hindi ko man lang  nainisip na si maru pala ang naghahanap sakin. Naramdaman nya siguro ako kaya humarap sya sakin.

"Babe?" Niyakap nya ko bigla pero nanatili lang din akong nakatayo. Segundo lang humiwalay na sya sakin ng yakap.

"Anong kailangan mo?" Walang kaemo-emosyong tanong ko sa kanya pero tiningnan nya lang ako sa mga mata ko.

"Babe ano bang problema? Bakit nagalit ka kagabi ng walang dahilan?" Bigla akong natawa sa tinanong nya sakin. Ha! So ano yun para lang akong baliw na nagtantrums sa kanya at nagwalk out kagabi?

"C'mmon maru, don't lie to me you can't fool me now! I heard you last night! Tapos tatanungin mo ko ng ganyan?" Lumayo ako sa kanya at nagulat naman sya dahil sa sinabi ko.

Hindi muna sya nakapagreact pero tinalikuran nya ako "isipin mo lang kung anong gusto mo. Bahala kana!" At naglakad na sya paalis.

"Ganun na lang yun maru? Akala ko ba hindi kana magsisinungaling sakin? Akala ko ba hindi mo ko sasaktan? Pero puro akala ko lang pala yun! Naniwala ako sa mga sinabi mo! Hinihintay kitang magsabi sakin dahil ang alam ko nahalata mo ko kagabi pero manhid ka ata?" Sigaw ko sa kanya, huminto lang ng sandali at nagsimula na syang lumabas.

Tuluyan na akong umiyak at napaupo nalang ako sa damuhan dito sa garden namin, Ang sakit sakit. Bakit nararamdaman ko to?

Deserve ko ba talaga ang masaktan? Bakit nya ba ginagawa sakin to? Hays nahihirapan na kong huminga, nagiging kumplikado yung sitwasyon namin dalawa.

Ganito ba talaga kapag nasa relasyon? Laging nag aaway? Mapride? Niloloko? At sinasaktan?

End of Flashback....

Naisipan kong pumunta sa kitchen, kakain na muna ako masyado akong naisstress.

Kumuha lang ako sa ref ng bacon at hotdog, isinalang ko na sila sa kawali. Napapaisip tuloy ako kung ano ng ginagawa ni maru ngayon? Bakit ba ang pride nya ngayon? Sya pa ang nagalit sakin?

Mali ba yung ginawa ko na hindi ko sya pinaniwalaan? Pero hindi naman kasi ako tanga minsan nya na din akong pinagsinungalingan kaya hindi nya maiaalis sakin ang hindi mag isip ng hindi maganda. Kahit na teenager pa lang ako i know what is right. Matured akong mag isip at hindi ako childish na katulad ng pagkakakilala niya sakin.

Tumunog bigla yung phone ko sa bulsa ko. Pagtingin ko sa messenger may sinend sakin na screenshot si aya, post nung chii daw pero pag open ko nung screenshot.

Nanlaki agad yung mata ko, halos mabagsak ko na yung phone ko dahil sa panginginig ng buong katawan ko.

Picture lang naman kasi nila ni maru ang nandun, with the caption na... "Thank you for making me special. I love you so much. #M.S."

Oh diba? Sinong hindi manginginig sa makikita mo, boyfriend ko may ibang ka affair at sa mismong kagrupo pa namin.

Tumunog ulit yung phone ko at si aya ang tumatawag pero hindi ko yun sinagot. Maya maya nagring ulit si Jerome ang natawag pero hindi ko din sinagot. Hanggang sa nagring ulit at si kris naman ang natawag.

Tumakbo na ko paakyat ng kwarto ko at doon na ako nagsimulang mag iiyak.

Sobrang bigat na ng nararamdaman ko, ganito ba talaga kapag first time masaktan? Grabe yung sakit?

Sabagay sabi nga nila kapag nagmahal ka hindi lang puro pagmamahal at saya may kasama din yung sakit at lungkot. Kailangan mo talagang magrisk kung totoo ka sa nararamdaman mo kahit na ba para ka ng tanga at martyr.

**

Nagising ako bigla dahil sa usok na naaamoy ko, nakatulog pala ako sa sobrang pag iyak ko. Pero syete anong nangyayari sa kwarto ko bakit sobrang usok?

Sh*7 may niluluto nga pala ako. Tumayo agad ako sa kama para bumaba pero pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang nasusunog ng ibaba ng bahay namin.

Isinara ko na yung pinto ulit, anong gagawin ko? Nahihirapan nadin akong huminga dahil masyado nang makapal ang usok.

Tumakbo ako papunta sa kama ko at hinanap ko yung phone ko pero hindi ko makita, hinalughog ko na buong kama ko hanggang sa makita ko na din ang hinahanap ko na nasa gilid lang ng kama ko.

Inuubo ubo na ako at napaupo na ako sa sahig, sumasakit na din yung mga mata ko feeling ko anytime mawawalan na akong ng malay dahil hirap na hirap na akong huminga.

Dinadial ko na yung number ni maru pero napahiga na ko, napaiyak nalang ako dahil hindi ko na talaga kaya pa.

Masyado na akong nanghihina, suffocate na ako masyado. Hanggang sa marinig ko yung boses ni maru sa phone ko.

"B-ba-babe.... Tu-tulu--...."

*  *  *  *  *

Past or present? (COMPLETE)Where stories live. Discover now