Chapter [11] - Yuri

4 2 0
                                    


~ I love my past. I love my present. I'm not ashamed of what i've had. And I'm not sad because i have it no longer.

* * *

"Congrats bes!" Masayang bati sakin ni aya at niyakap nya ako.

"Congrats yuri finally graduate kana ng high school." Si jerome na nasa likod ni aya.

"Welcome sa college life!" Si cielo naman at ginulo nya yung buhok ko.

Andito kami ngayon sa bagong bahay namin nagcecelebrate dahil nga graduate na ko ng high school. Kasama ko ngayon sila aya, Harold, jerome, cielo, kris, jay-ar at kapatid ko.

three weeks na din simula ng mangyari yung sunog na muntikan ko ng ikamatay, buti nalang nailigtas ako. Paano? Hindi ko din alam.

Tinatanong ko nga sila kung sino yung nagligtas sakin pero ayaw nilang magsalita kaya hindi ko nalang din sila kinulit pa, basta thank you ako ng madami sa nagligtas sakin, taya ko yung buhay ko sa kanya.

At sa tatlong linggo mahigit na nakakalipas hindi ko na din nakita pa yung lalaking minamahal ko, na inaasahan ko na ililigtas ako, na poprotektahan ako.

Pero nagkakamali pala ako, madami talagang mamamatay sa maling akala. Kaya simula ngayon hinding hindi na ako magtitiwala agad.

"Huy bes? Nawawala ka na naman sa mundo?" Si aya sabay abot nya sakin ng juice.

"Oo nga ang layo na ng narating mo ahahaha" sabat ni Harold kaya naman tiningnan ko sya ng masama.

"Forget him Yuri!" Napatingin kami lahat kay kris. "He's not deserving, kahit na ba best friend ko sya hindi ko din gusto ang ginawa nya sayo. I'm sorry dahil din sakin kaya nya nakilala si chii." Yumuko si kris, lumapit ako sa kanya.

"Kris don't say sorry its not your fault." Humarap ako sa kanilang lahat.

"Don't worry about me i can handle myself, ako paba? Ahahha nabasa ko nga sa isang book, na kapag pumasok tayo sa isang relasyon wag tayong mag eexpect ng happily ever after palagi. Kasi sa relasyon andyan ang sakitan, iyakan, lokohan kaya ang love hindi dapat minamadali. Tadhana ang nagawa ng way pero tayo ang gagawa kung paano din tayo sasaya. Kaya start today i already forgive him" kita ko sa mukha nila lahat na kunot yung mga noo nila.

"But bes niloko at sinaktan ka nya?" Si aya.

"Oo nga kaya nga pinapatawad ko na sya kasi hindi ko mahahanap yung saya sa buhay ko kung may hindi pa ako pinapalaya, kaya dahil mahal ko sya gusto ko kung saan sya masaya yun ang gagawin ko. Hahayaan ko na sila kung yun ang gusto nila, ayoko naman maging martyr noh ang bata ko pa masyado para dun ahahaha besides andito naman kayo e. Wala na akong hahanapin pa."

"Don't worry ate we are all here for you no matter what happen." Si ave.

"Minna group hug naman dyan!" Sigaw ni Harold.

"GROUPHUGGGGGG!!" sigaw din namin lahat.

"Okay minna let's take a selfie" si kris na itinaas yung monopod nya.

After taking the selfie, nagsimula na ulit yung ingay. Tinitingnan ko silang lahat habang nag iingay sila.

Masasabi ko talagang sobrang swerte ko kahit na sawi ako sa lovelife, wagi naman ako sa mga taong andyan palagi para saakin.

Sila talaga yung maituturing kong mga best friend forever kahit na din sabihin nilang walang forever sa love Pero sa mga kaibigan ko merong forever.

Naramdaman kong nagring yung phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ng suot ko na jeans. Sila mommy ang natawag, lumabas na muna ako dahil sobrang ingay nila sa loob.

"Hello mom?"

"Congratulation anak!" Sigaw ni mommy mula sa kabilang linya.

"Congrats my baby" si daddy naman ang nasa screen. Ngumiti ako sa kanila, parang anytime babagsak na naman yung mga luha ko. Sobrang miss na miss ko na sila.

"Thank you po mom, daddy" naiiyak ko nang sabi.

"Oh baby stop crying, i told diba na i don't wanna see my baby cry?" Si dad grabe ilang taon na silang hindi umuuwi gustong gusto ko na sila mayakap.

"Kelan po ba kasi kayo uuwi?" Pinapahid ko na yung mga luha ko,

"Soon baby, may kailangan lang talaga kami tapusin ng dad mo dito, by the way where's your sister?" Tanong ni mommy sakin.

"Nasa loob po sya, andito din po sila aya. Wait po" at pumasok ako sa loob. "Guys say hi kina mom and dad!" Sabi ko sa kanila at iniharap ko yung screen sa kanilang lahat.

"Hello po tita tito!" Sabay sabay nilang sabi.

"Hi din sa inyong lahat!" Bati din sa kanila nila dad "stay strong padin ang friendship nyong lahat ah?" Si mommy.

"Opo naman po tita! Parang magkakapatid na po kasi kaming lahat eh" si kris.

"Oh hindi kayo kumpleto where's maruko?" Tanong ulit ni mom. Bigla naman kaming natigilan lahat at tumingin sila sakin.

"Ahm mom busy po kasi sya!" Pagsagot ko.

"Ano kaba hon diba last day we saw here maruko? —— ay i forgot nakita nga pala namin sya dito." Sabi nila mom tsaka dad.

"May girlfriend na pala siya.. Nakita namin siya dito yesterday with his girlfriend? They are so sweet kasi hindi na namin pa siya tinawag dahil hindi din naman niya kami nakita." pagkekwento ni mom. Walang kumikibo sa amin lahat. Para bang nagpapakiramdaman lang kami. Pero masakit lang din talaga na umalis na siya ng ganun lang yung walang closure na nangyari sa amin. Sobrang bigat ng dibdib ko ngayon. Gusto kong umiyak pero not now kausap pa namin sila mom.

"Oh sya we need to end this call na. We have a meeting pa, just enjoy kids. Again congrats my baby we love you and just enjoy your life. Sorry were not there to support you. We miss you and your sister I love you, don't forget to call us if you have a problem." Pagpaalam ni dad.

"We miss you din dad and mom I love you and take care." Sabay nag end call na yung tawag.

Balik naman sa ingay ang barkada, Pero ako hindi padin makamove on sa sinabi nila mom na nasa france si maru.

Pero bakit? Bakit andun sya? Bakit hindi ko alam? Ganun na ba ako walang halaga sa kanya? Talaga bang hindi nya ako minahal?

Inopen ko yung I.G. ko at sinearch ko yung name ni maru. Nang makita ko na parang dinudurog yung puso ko, nanginginig ako, nahihirapan akong huminga dahil sa nakikita ko ngayon.

4days na palang nasa france si maru with chii, sa apat na araw na yun ang dami na nilang post. Kitang kita sa picture na sobrang saya nila na talagang mahal na mahal nila ang isa't isa.

Hindi ko na naman mapigilan ang hindi umiyak, sobrang sakit talaga kasi. Ganun na lang talaga siguro ako kadaling palitan at kalimutan.

Kaya ngayon itatatak ko na sa pusot isip ko na hinding hindi na ako magmamahal at magtitiwala.

*  *  *  *  *

Past or present? (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon