Chapter [28] - Yuri

5 2 0
                                    


- In my dream you are mine. But in my life you are my dream.

* * *

Binuksan ko yung window shield ng sasakyan ni hubby na nasa tabi ko. At inilabas ko dun yung kanang braso ko at dinama ko yung hampas ng hangin sa katawan ko.

Nasa manila na nga kami dahil nakakalanghap na ako ng usok galing sa iba't ibang sasakyan. Tumingin ako kay hubby na nasa tabi ko lang at busy sa pagdadrive. Napatingin sya sakin saglit at nginitian nya ako at humarap na sya ulit sa kalsada.

*phone ring*

Kinuha ko yung phone ko sa dala kong handbag. Si zoe

"Hello bestie?"

[Hi bestie asan na kayo ni kuya?] Napatingin naman ako ulit kay hubby.

"Si zoe---- medyo malapit na kami sa subdivision namin why?"

[Really? Osige later bestie take care ciao!] At binaba na nya agad yung tawag. Walangya yun bastos kausap babaan ba naman ako ng tawag?

"What is she saying wifey?" Tanong sakin ni hubby habang binabalik ko na yung phone sa handbag ko.

"Nothing... Tinatanong lang nya kung asan na tayo"

"Ahh.. Wifey you don't want to eat first?"

"I want to eat na pero dun nalang tayo sa bahay kumain. Wala ka pa namang gagawin diba?" Umiling lang sya sa tinanong ko.

"Okay wifey, i want you to cook for me" sabay ngisi nya. Hala ang creepy na naman nya tingnan.

"Sure! Ano namang gusto mo? I mean favourite?"

"Your specialty..." Tumingin sya sakin saglit at ngumiti. Hays honestly Hindi naman ako talaga magaling magluto.... Magaling lang ako kumain. Huhuhu T.T

Ilang minuto ang lumipas andito na kami sa tapat ng bahay namin.

Pagkabukas ni hubby ng pinto sa pwesto ko dumiretso na sya sa compartment ng kotse nya at sya na ang nagvolunteer kumuha ng mga gamit ko. Ako naman dumiretso na sa loob at pagbukas ko ng pinto.....

"WAAAAAAHHHH BESTIEEE!" ang nakalunok ng megaphone kong bestie na si zoe mar sisteret ng aking hubby.

Sinalubong nya ako ng yakap at muntikan pa kaming bumagsak dalawa dahil sa biglang pagyakap nya.

"ZOE MAR!" maotoridad na sita ni hubby kay zoe kaya naman humiwalay ng yakap sakin yung isa. Medyo takot pa naman itong babaeng ito sa kuya nya, yap MEDYO lang talaga dahil hindi naman yan nasunod palagi sa kuya nya eh pasaway kaya yang bestie ko. Hehehe kaya nga magbestie kami diba?

"Sarreh naman kuya... Hmp" nakapout na sabi ni zoe. Dumiretso naman ng ipinasok ni hubby yung mga gamit ko.

Pagpasok ko sa sala... napa WUT DA HELL nalang ako. Biruin mo sasalubong sayo buong group mo na hindi mo naman iniexpect.

Kaya pala nakatayo lang si hubby dahil andito din si ex eh. Hays napakamot nalang ako sa ulo ko.

Unang lumapit sakin si aya "welcome home bes" at niyakap nya ako. Sumunod naman sila cielo, harold at jerome.

"Tagal ng bakasyon ah?" Si cielo yan. Si kris naman na ginulo lang yung buhok ko.

"Ano ba kris... Ginugulo mo yung buhok ko eh" nakapout kong sabi sa kanya.

"Psh arte!"

"Grabe naman kayo parang 5days lang naman akong nawala akala nyo nagabroad ako ng taon. Hays!" Napapoker face naman ako ng biglang may tumulak kay maru palapit sakin.

"H-hi" nauutal nyang bati sabay kamot sa batok nya.

"Hello" nakasmile ko lang na bati. Pinakiramdaman ko yung puso ko kung maghuhurumentado pa ba ulit? And YESSSS normal heartbeat nalang ang nararamdaman ko.

Finally i've totally move on! Party party na!

Naalala ko bigla si hubby ko na nasa tabi ko lang at hinila sya palapit sakin.

"Hubby? Gutom na ako" nakapout kong sabi sa kanya.

"You told me na you cook for our breakfast wifey" nakangiti nyang sagot sakin. Pero halata sa mata nyang naiirita sya. Uy zero kaisler kilalang kilala na kita. Ahahah Great Pretender!

"Yah! I won't forget, let's go!" Humarap naman ako ulit sa kanila.

"Nagsipagkain na ba kayo?"

"Hindi pa nga eh, pafoods naman..." Si cielo.. Patayguts talaga tong kumag na to. Harsh ko grabe!

"Oo nga Yuri! Naghintay pa kami dito almost an hour kaya bigyan mo kami ng foods ha?--- aray!" Si Harold na binatukan ni aya. Grabe talaga tong mga ito mga hindi padin talaga mga nagbabago. Kapalmuks padin.

"Okay... Magluluto lang ako wait nalang kayo dito." Sabi ko sa kanila at hinila ko na si hubby papuntang kitchen.

Andito na kami sa loob ng kitchen at nagpeprepare na ko ng mga lulutuin ko. Nang biglang magsalita si hubby ko na nakaupo sa high stool chair.

"Wifey?"

"Hmmm?"

"What do you feel now?" Humarap ako sa kanya na nakakunot yung noo ko.

"Feel what?"

"You know what i mean wifey... You still have a feelings for him?" Medyo natawa ako sa sinabi ni hubby yung itsura nya kasi halatang nagseselos sya and i don't like that look.

"Honestly hubby.... Pinakiramdaman ko yung puso ko nung kaharap ko sya but unexpected talaga kasi normal beat nalang hubby that's a good news! I'm finally move on from my past!" Tuwang tuwa kong sabi sa kanya.

Tumayo naman sya at niyakap ako ng sobrang higpit.

"You did it wifey.. Just mark in your little brainy you are mine and only mine got it?" Hinampas ko sya ng mahina sa braso nya.

"Grabe ka naman makasabi ng little brainy hubby... Sige na ikaw na matalino." Hinalikan nya ako pero smack lang po ha? Mga green dyan paawat kayo. Ahahaha

"I love you hubby ko"

"I love you too wifey, ang sarap naman pakinggan ng hubby ko" humiwalay naman na ako ng yakap sa kanya.

"Syempre galing sa wifey mo kaya masarap pakinggan" ginulo naman nya yung buhok ko.

"Ikaw talaga! Bighead!"

"Wow! Nung nakaraan sleepy head ngayon naman bighead? Ang sama mo talaga hubby!" Nakasimangot kong sabi sa kanya sabay talikod pero pinulupot nya yung braso nya sa baywang ko.

"Joke lang wifey pero kahit sleepy, little or big head kapa ikaw lang ang mamahalin ko."

"Tse! Bolero ka talaga! Enough na nga baka dagain na tayo sa sobrang kacheesihan natin dito"

"Yeah you cook na, gutom na ang hubby mo" sabi nito at humiwalay na sya ng yakap sakin. Umupo na sya ulit sa high stool chair at ako naman humarap na sa mga ingredients.

"Opo boss hubby!"


*  *  *  *  *

Past or present? (COMPLETE)Where stories live. Discover now