Chapter [3] - Yuri

6 2 0
                                    


~ Accept your past without regrets handle your present with confidence and face your future without fear.

* * *

Hindi ako nakatulog kagabe kahit na ba sobrang pagod ako hindi ko naramdaman yun dahil mas nangingibabaw sa utak ko ay yung mga sinabe kagabe ni maruko.

No! No! Hindi kame pwedeng dalawa, una magagalit si kuri dahil bawal sa lemons ang magsyota ng kapwa lemons, pangalawa 4years ahead sya saken, at pangatlo masyado pa akong bata para sa kanya.

But first kung nagmamahalan talaga kame ni maruko and it feels the same way walang magagawa si kuri kundi ang tanggapin kame, second age doesn't matter sabe nga nila and third hindi naman siguro nya ako  sasaktan.

Napapakamot nalang ako sa ulo ko napakacomplicated naman kasi pero wala namang masama diba? Pareho kaming nagmamahalan dalawa at hindi mapipigilan yun.

*TING~

kinuha ko yung phone ko sa side table nung marinig kong may nagmessage at pagkabasa ko parang tumigil sa pagtibok yung puso ko gustong magsilabasan lahat ng internal organs ko sa sobrang kilig mehgad wut iz hapeneng????

- Good morning baby ko? Maganda ba ang tulog mo? I hope so! Syempre ako lang naman ang laman nyan diba? By the way today is monday i know you have a school today so can i pick you up after your class? Ihatid lang kita pauwi don't worry i insist. So have you eaten your food? Don't skip okay? Take care and good luck baby :* <3

Oh diba? Naloka naman ang lola nyo, first time to mga ateng kaya syempre iba ang feeling!! Dyuskolor ang gandang blessings nito saken.

Tumayo na ako sa kama ko at nagpunta na nang banyo kailangan ko ng maligo para makapasok na ko at ng maguwian na at ng makita ko na ang baby maruko ko!! Ang lendeh leng?

After my morning routine nagbyahe na ko papasok ng school, actually i am a 4th year high school graduating na ko next month so kailangan ko ding mag focus sa study ko para sa future namen ng maruko ko hanudaw?. I am first honor in my section so running valedictorian ako kaya hindi lang ako puro anime, cosplay at paglalandi, nag aaral pa naman ako at kung aral syempre aral muna.

Nakarating na ko ng school, kakainis na traffic yun ang aga aga traffic agad? Muntikan pa akong ma late buti nalang mabait talaga saken si papa god kaya hindi ako na late.

Lumipas Ang maraming oras, medyo madami din kaming ginawa ngayon kasi malapit na ang graduation namen, need ko ng mag focus dahil next week na ang clearance namen.

At dumating na ang pinakahihintay kong oras ang uwian, susunduin lang naman ako ng aking maruko kaya sobrang excited ako, lumabas na ko ng gate at dun ko nalang sya hihintayin

Waiting padin ako sa message nya nang may humintong sasakyan sa harapan ko, OHEMGEE! Kotse to ni maruko, kaya naman nung bumaba sya ng sasakyan hindi nga ako nagkamali syempre kilalang kilala ko na kaya kotse nya noh?

"Let's go?" Natauhan nalang ako ng magsalita sya at binuksan nya ang pinto ng katabi ng driver seat with matching alalay pa sa pagpasok, grabe he's so gentleman lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya baka hindi ko na mapigilan yung sarili ko.

Nang makapasok na ko sa loob umikot na sya papunta sa side nya kung saan sya uupo, bumyahe na kame na medyo may awkwardness akong nafifeel.

"Ahm yuri, may gusto ka bang kainan ngayon?" Napatingin naman ako sa kanya at nag isip ng kung saan nga ba.

"kahit saang merong may carbonara" sabe ko at nginitian nya nalang ako.

Medyo ilang minuto din kameng hindi nag uusap kase naman nagkakahiyaan pa kame kung sino at ano ang itatopic namen. Ano parang ngayon lang nagkakilala? Psh sabagay attitude na talaga ni maruko yung pagkatahimik at palaging may sariling mundo.

Medyo madilim na ng makarating kame sa ~~ saan nga bang lugar to? Hehehe hindi ko alam eh.

"Here we are! Sakto lang ang dating naten" sabi nya at bumaba na sya ng sasakyan at pumunta na sya sa side ko para pagbuksan ako ng pinto. Hays how gentleman he is. Swerte ko talaga!

Bumaba naman na ako at sumunod na sa kanya maglakad, paglabas namen sa parang tunnel na maliit galing sa parking lot bumungad saken ang napakadaming Ilaw.

Kung titingnan mo yung kabuuan para kang nasa Venice may tubig sa gitna at may tulay patawid sa kabila, meron ding bangka na naghahatid sa mga turista papunta sa kabila pero pwede mo naman lakarin sa gilid.

Naglalakad lang kame ni maruko pero hindi padin kame nag uusap, ano ba naman to' masyado nagpapakagentleman wala man lang bang A-W-W (akbay while walking) o kaya naman H-H-W-W (holding hands while walking) grabe naman sa pagkagentleman.

Bigla naman syang huminto sa isang resto pasta na sa tingin ko ay mamahalin kase set up palang nya sa labas parang pang sosyal na.

Pumasok na kame sa loob at itinuro kame ng waiters sa table for two kaya naman inalalayan akong umupo ni maruko at itinulak nya ng dahan dahan yung upuan ko at pagkatapos umupo na din sa harap ko.

Iniabot naman na ng waiter samin yung menu "just order anything you want" pormal lang na sabi ni maruko saken, tiningnan ko lang sya pagkasabe nun at binalik ko na yung tingin ko sa menu.

After a minutes ng makaorder na kame may panay ang text kay maruko kaya naman ang ending hindi kame masyadong nakakapag usap kasi nirereplyan nya agad yung sender nya dahu?

"Ahm yuri ano after we eat I'll drive you home na ha?" Nadisappoint naman ako sa sinabe nya uuwi na agad?

"Why? May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"No no! Ano I need to go home early si mama kase hinahanap ako" halata ko sa mga mata nya na hindi sya nagsasabi saken ng totoo kase hindi sya makatingin ng diretso saken. I know him ilang taon na kaming magkakasama kaya alam ko kung nagsisinungaling.

"Oh I see.." yun nalang ang nasagot ko sobrang nadisappoint kasi talaga ako. I expected so much kaya ito expected din ang nangyari.

Maya maya dumating na yung order namen, binilisan ko nalang yung kain ko kase sobrang nadisappoint talaga ako ang bigat bigat ng dibdib ko grabe ang hirap tuloy lumunok kasi feeling ko anytime iiyak na ako.

Napatingin ako sa kaharap ko ng nauna sya saken magbaba ng spoon and fork nagpupunas na sya ng tissue sa bibig nya.

"Are you not done yet?" Kunot noong tanong nya, pektusan ko kaya sya kita nyang may pasta pa yung plato ko eh. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Ah no-no I'm done na! Let's go?" Inunahan ko na syang tumayo at dumiretso labas na ako. Nakakahiya naman kasi sa kanya at madaling madali siya.

Hinintay ko nalang sya sa labas kase nagbabayad pa sya ng bill namen, napatingin ako sa paligid ko ang gaganda ng mga ilaw para kang nasa fairy tale yung tubig sa gitna kulay asul at ang mga ilaw kumikislap sa puti, how romantic is this place?

Nang makita ko na syang nakalabas na ng resto nauna na ko sa kanya maglakad papuntang parking, ayoko syang makasabay naiinis ako sa kanya! Sana hindi nalang niya sinabi sakin yun kagabi. Sana hindi nalang niya ako niyaya. Edi sana hindi din ganito yung nangyari.

"Yuri! wait!"

*  *  *  *  *

Past or present? (COMPLETE)Where stories live. Discover now