Chapter [15] - Yuri

5 2 0
                                    


~ My love for you spans over the lines of my past, present and future. You are what i love remembering, what i love experiencing, and what i love looking forward to.

* * *

"OMG! Grabe naman nangyari, so it means hindi pa kayo officially break kasi wala namang closure na naganap?" Sabi ni zoe sakin.

2days na nakakalipas simula ng malaman naming pabalik na dito si maruko, kaya ito kami habang waiting pa sa flight chinichika ko na sa lokaret kong best friend yung tungkol sa past relationship ko kasi dati ayaw ko nang ungkatin yun.

"Oo ganun na nga kaya hanggang ngayon nakakulong padin ako sa nakaraan ko"

Napatigil naman kami sa pagkekwentuhan ng may huminto sa harap namin si zero mukhang PMS na naman ata.

"Problema mo na naman kuya?" Pagtataray sa kanya ni zoe.

"Ano pinag uusapan nyo?" Seryosong tanong nya pero sakin lang naman sya nakatingin. Problema nga ng monggi na ito?

Sabagay dalawang araw ko ba naman syang hindi pansinin at lagi ko syang sinusungitan kaya natural lang na magsusungit din sya sakin eh natural face na nya yun eh.

"Chismoso ka kuya! Girls talk! Dun kana nga chooo choooo!" Pagtataboy nya sa kuya nya. Hindi naman na siya nagsalita pa at umalis nalang.

"Oh bestie anong gagawin mo kung sakaling magkita kayo?" Tanong nya sakin out of nowhere. Sa totoo lang hindi ko pa alam kung anong pwedeng mangyari kung magkakaharap nga kami.

"I don't know"

"Hmm you still have a feelings for him?"

Feelings? Hindi ko din alam, masyado na kasi akong naguguluhan. Idagdag pa yung kay zero lalo nang nagrambol.

"I don't know" napakamot nalang sa ulo so zoe dahil sa puro I don't know kong sagot. Hindi ko talaga alam kung anong dapat kong isagot.

"Hays my poor kuya zero.. Mukhang mahihirapan sya sa karibal nya" nakapangalumbabang sabi ni zoe habang nakatingin sya sa kuya nya sa di kalayuan samin.

Hinampas ko naman sya sa braso "pinagsasabi mo dyan zoe?" Kalokohan talaga ng babaitang ito.

Humarap naman sya sakin "hindi mo pa ba alam? I thought he confess his love 2days ago"

"Confess his love?" Napakunot noo syang tumitig sakin.

"Hindi pa ba sya umamin sayo?"

"Ahahah yun ba? Oo nagtapat nga sya sakin!"

Napabuntong hininga naman sya "Ewan ko sayo bestie ang slow mo talaga!" Tumayo na sya at pumunta dun sa kuya nyang monggi.

Ako naman lumabas muna ng office at papunta akong restroom. Parang feeling ko kasi ang hagardo versoza ko today.

Pagpasok ko ng cr wala namang tao kaya dumiretso na ko ng cubicle. Palabas na ko sa cubicle ng may pumasok.

"Nakakainis talaga yung babaeng yun akala mo kung sinong maganda!"

"Sino ba sinasabi mo dyan?"

"Sino pa ba edi yung lexi, masyadong pakipot. Kung ako yung niligawan ni sir zero ay naku oo agad ako!"

"Magtigil ka nga dyan! Mamaya may makarinig sayo eh."

"Ano kaba wala namang tao! Tsaka totoo naman yung sinasabi ko"

Hindi na ko nakapagpigil dahil sa narinig ko. Ang ayoko pa naman sa lahat eh yung mga chismosa at backfighter. Kumukulo talaga yung dugo ko sa mga taong ganun.

"Excuse me? Sino yung nagmamaganda?" Nakataas kilay kong tanong sa kanila. Pagkakita nila sakin parang ang sarap tumawa kasi yung mga itsura nila parang nawalan ng dugo.

"So-sorry po" at nagmamadali na silang lumabas ng cr. Grabe nakakapang init ng ulo yung mga babaeng yun ah?

Pabalik na ko ng office ng makasalubong ko si Clifford na may dala dalang coffee.

"Hi lexi ang ganda mo talaga! Coffee gusto mo?" Alok nya sakin nung isa, inabot naman nya sakin at kinuha ko naman. Nakakahiya naman tumanggi sa grasya.

"Thank you dito tsaka ang gwapo mo din" pambobola ko din sa kany at nagsmile ako.

"Ahahah bolera ka din ha?... Ah sige una na ko" at nagmamadali na naman syang umalis.

Napalingon naman ako sa likuran ko, tsk sinasabi na eh yung monggi na naman. Nagpatuloy na ko maglakad pero bigla nalang nya akong hinila.

"Huy ano ba?! Let me go zero!" Binitawan naman nya ako at isinandal sa pinto, andito kami ngayon sa fire exit.

"Ano bang problema mo ha? At bigla bigla kana lang nanghihigit dyan?!" Bigla naman nyan itinukod yung dalawang braso nya sa pagitan ng mukha ko.

"O-oy ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya paano ba naman kasi sobrang lapit na ng mukha nya sakin.

"Sabi ko sayo nagseselos ako diba? O talagang sinasadya mo para magselos ako?" Seryosong sabi nya.

"A-ano bang p-pinagsasabi mo dyan ha? Napapraning ka----"

Shookt! Bakit ba bigla bigla nalang sya nanghahalik? Naramdaman kong gumagalaw yung mga labi nya kaya sa hindi ko maipaliwanag kusa nalang gumalaw yung mga labi ko. Ang sarap niyang humalik, nadadala ako na kahit hindi siya ang first kiss ko parang first time ko ulit mahalikan. Sobrang lambot ng labi niya ang sarap kagatin.

Dugudug... Dugudug... Dugudug..
Ang heartbeat ko nagiging abnormal na naman. Zero ano ba itong ginagawa mo sakin? Pinahihirapan mo lalo ako.

Naghiwalay naman na yung mga labi namin at pareho kaming naghahabol ng hininga ngayon.

"Stop acting like you didn't know. I love you and you are mine, My property." At lumabas na sya, naiwan naman akong nagtataka dahil sa sinabi nya.

Palabas na ko ng fire exit ng tumunog yung cellphone ko. Si zoe nagtext, hinahanap na ako.

Pero tumunog ulit yung phone ko but this time call naman at si aya ang nasa screen.

"Hello bes?"

[Bes nakaduty ka?]

"Oo bes pero maya maya pauwi nadin ako why?"

[Buksan mo yung GC naten basahin mo nalang bye may shoot pa ako]

"Okay bye" at inendcall ko na nagtataka kong binuksan yung messenger ko.

Kurizu-San
~ General Assembly tonight at 9pm sharp in Vikings mall of Asia.

Expected participants:
- @aya smile
- @shinjoongjoong
- @Harold-Kun
- @yuri-chwaann
- @cielo-kun
- @jhay-ar
- @yui-chan
- @raymaru
- @mincy
- @Chii
- @maruko-san

PS: don't be late!

Shookt! Langya parang ayokong umattend, hindi pa ako handang makaharap sila. Tama tama! Magdadahilan nalang ako! Tsk hindi naman pwede kasi gagawa padin yung mga yun ng paraan tsaka baka isipin pa nila na affected pa ako! Tama pupunta ako!

Isasama ko nalang si zero! Ay hindi baka magkagulo pa, seloso ang lalaking yun baka pagselosan nya pa sila cielo rayot yun naku!

Si Zoe nalang tama! sabihin ko pupunta si Harold nya! Bwahahah ang galing ko talaga!

*  *  *  *  *

Past or present? (COMPLETE)Where stories live. Discover now