PROLOGUE

203 4 0
                                    

⚠️TRIGGER WARNING: RAPE. SOME CHAPTERS IN THIS STORY CONTAINS SCENES THAT CAN TRIGGER VICTIMS OF SEXUAL ASSAULT AND ABUSE⚠️

Ako si Ziana Saavedra, isang fourth year college student na nag-aaral ng pharmacy. Nakatira ako sa bahay ng kuya ko na nagpapaaral sa'kin pero nasa abroad siya at ang kasama ko lang sa bahay ay ang asawa niya at ang anak nilang lalaki. Minsan ay may dumadating na taong maglilinis ng bahay, si aling Mercing.

Isang gabi, nagkayayaan kaming magkakaibigan na pumunta sa birthday party ng isa ko pang kaibigan. Hindi ako nagpaalam noon sa boyfriend kong si Fred dahil alam kong hindi niya ako papayagan, alam niya kasing iinom na naman kami e.

Kasama sina Gina at Kyril, nagpunta kami sa bahay ni Bogs, ang may birthday. Nakita pa namin ang iba naming kaibigang lalaki na mukhang lasing na.

Nag-umpisa kaming mag-inuman nila Gina at Kyril. Hanggang sa nalasing na ako ng sobra, wasak na. We started dancing on top of the tables, ate a lot. Nakaupo ako noon sa isang sofa, naalala ko pang nagpaalam na sa'kin sina Gina at Kyril. Niyaya pa nila akong umuwi pero sabi ko magpapalipas muna ako ng tama, kasi ayaw ko namang umuwi nang ganito kawasak. Sinabi ni Bogs sa kanila na siya na raw ang maghahatid sa'kin sa bahay namin kaya napanatag yung dalawa at nauna nang umuwi.

Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko at habang natutulog, naramdaman kong may bumuhat sa katawan ko. Hindi ako makamulat pero naririnig kong maingay pa rin ang paligid. Binagsak ng kung sino mang nilalang na 'to ang katawan ko sa malambot na surface. Based sa nararamdaman ng braso ko, binagsak ako sa kama.

"Tumalab nga yung drugs na in-order natin kay Bogs," rinig kong sabi ng isang lalaki.
"Oo nga e, ang wild niyan kanina pa." Sabi pa ng isang boses.

Hindi ko makilala ang mga boses na yun. Pero naramdaman kong hinahawakan ng iba't-ibang kamay ang dibdib ko at ang maseselang parte ng katawan ko.

"Bobo si Bogs hindi niya alam kay Ziana natin gagamitin yung drugs," sabi pa ng isa. Parang pamilyar ang boses na yun pero hindi ko maalala kung saan ko narinig o kung sino ba yun. Naramdaman kong may nagtatanggal ng underwear ko at nagpumiglas ako tapos nagmulat. Umiikot ang paningin ko. Pero nilagay lang nila ang kamay kong nagpupumiglas sa taas ng ulo ko at hinawakan ng mahigpit. Umiikot ang paningin ko, I cannot see them clearly.

Halos magwala ako nung halikan ako ng isa, ng dalawa, ng tatlong lalaki. Naramdaman kong pinasok ng isa ang ari niya sa'kin, tinanggal pa nila ang damit sa suot ko at nagpumiglas ako ng nagpumiglas pero mas malakas sila kaysa sa'kin. Sinapak pa ng isa ang tiyan ko kaya hindi na ako nakalaban pa. Naiyak na lang ako sa sakit, sa galit sa sarili ko. Matapos ang isa, may sumunod pang isa. At matapos ay may sumunod pang dalawa.

"Pre, ikaw na. Sa'yo na ang kaibigan mo," sabi ng isang lalaki sa kasama niya nung mabalik ako sa wisyo. I think I blacked out for a moment, hindi ko alam kung gaano katagal. Mulat ang mata ko pero umiikot ang paningin ko kaya hindi ko sila makilala. Lumapit ang kung sino man yun, tinakpan ng mga kasama niya ang mata ko, hinawakan nila ako sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

Paulit-ulit nilang ginawa yun at nanghina na lang ang katawan ko. Naramdaman kong binihisan pa ako ng mga lalaki matapos ang pambababoy nila sa'kin. Kusang tumulo ang luha ko. Lumabas sila ng kwarto nang hindi ko man lang nakilala ko sino sila at kung sinong kaibigan ko ang kasama nila.

Matapos ang gabing yun, hindi ako nagsabi ng nangyari sa'kin. Dahil alam kong kaibigan ko ang isa sa mga demonyong yun. Si Bogs, hinatid niya ako sa bahay noong umaga. I had lapses of it nung magising ako at hindi ko maalala ang mukha ng mga taong yun. Umiyak lang ako ng umiyak sa kwarto ko at naligo ako ng isang oras, trying to wipe them off of my body. There were even marks–hickeys left on my body.

Simula ng araw na yun, nagbago ako. Hindi na ako sumasama sa mga lakad nila Gina at Kyril. Lumayo ako sa lahat, kay Fred, kay Bogs, sa lahat ng kaibigan ko. Pilit kong inaalala kung sino ba ang mga gumawa sa akin ng karumaldumal na pangyayaring yun.

At akala ko wala nang mas sasahol pa sa pagkakagahasa, meron pa pala...

Z: The VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon