SIYAM

64 2 0
                                    

Nagising akong mag-isa sa bahay. Wala sa bahay si Ate Mariana dahil may program sa school ni Jepoy at kailangan siya dun. Kahit na puro practice na lang ang ginagawa namin, kailangan ko pa ring pumasok. Isa pa ayoko ring maiwan dito sa bahay kasi maiisip ko na naman ang mga nangyari sa'kin.

Habang nagbibihis, napatingin ako sa hikaw na natagpuan ko sa bahay ni Bogs nung isang araw. Natanggal siguro yun dahil sa grabeng pagpupumiglas na ginawa ko. Nung makita ko ang itim na dress na suot ko nung birthday party ni Bogs, dito sa closet ko, itinapon ko yun. Mahal ang isang yun, sarili kong pera ang ginamit ko para mabili yun but it does not matter now.

Napahawak ako sa tiyan ko, nakapagdesisyon na ako. Ayoko sa nilalang na 'to at within this week gagawa ako ng paraan para mawala 'to, masama na kung masama.

Pumasok na ako ng campus, buong araw kaming nag-practice. Habang tinitingnan ang mga ka-batch ko, naalala ko na naman ang lalaking naka-blue mask na humabol sa'kin nung grad ball. Sa isang daang bilang ng mga gagraduate, who among these people are one of my rapists?

Matapos ang practice, kinuha ko na agad ang bag ko. Naglalakad ako nung may tumawag sa pangalan ko, paglingon ko si Bogs pala. Kaya tumigil muna ako at tumakbo siya papunta sa'kin.

"Bakit?" Tanong ko.
"Papatulong sana ako, sa assignment ko sa bio-chem." Sagot niya at tumango-tango lang ako. Siya talaga ang closest ko sa kanilang lahat at nakikita kong nagri-reach out siya. Alam kong napansin nilang lahat yung pag-iwas ko nang halos isang buwan. Ang dahilan ko sa kanila, marami lang akong ginagawa. Pero pare-parehas kaming maraming ginagawa and they still make time para magkita-kita. Sobrang dami kong excuses at reasons sa kanila noon para lang hindi ako makasama.

For a time, medyo sinisi ko rin sila sa nangyari sa'kin. I also blamed myself pero lately na-realize ko that there's no one to blame but the people who raped me.

Pumunta kami sa bahay nila Bogs. Sinalubong pa kami ng yaya na nag-alaga sa kanya since ten yata siya. Oo, ganun katagal ko nang kilala si Bogs. Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang unintentionally, he got me in trouble. Kung tutuusin para kaming childhood friends.

"Ziana, hija ikaw pala yan." Masiglang sabi sa'kin ni Yaya Nympha, nginitian ko lang siya. Ngayon na lang kami ulit nagkita.
"Ang tahimik mo na lagi," sabi pa ni Bogs sa'kin nung papunta kami kwarto niya dito sa halos mansyong bahay nila. Sanay silang madaldal ako at laging tumatawa, because that's how I really am before that unfortunate event happened to me.

"Marami lang iniisip." Sabi ko pa at nilapag na niya ang mga gamit niya tapos inilabas ang biochem book niya mula sa bag. Tinuruan ko siya at na-pick up niya naman agad lahat ng sinabi ko.
"Mas magaling ka pa magturo kaysa sa prof ko," pambobola ni Bogs, umiling-iling na lang ako.

"Kung binibigyan mo ako ng pagkain, matutuwa pa ako sa'yo." Sabi ko sa kanya. Tumayo naman siya.
"Wait ha, maghahanap ako sa baba." Sabi niya pa at lumabas na ng kwarto niya. Nagpunta naman ako sa CR kasi naiihi ako. Nung palabas na ako ng CR, nadulas ako dito at nawalan ng malay.

Z: The VictimNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ