ISA

145 5 1
                                    

Nasa university ako, kanina pa ako nahihilo at nagsusuka dito sa CR. Matapos magsuka, naghugas ako ng bibig at naghilamos. Umiikot ang paningin ko at nag-itim ang buong paligid. Naramdaman ko pa ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig pero hindi na ako makagalaw o makamulat man lang.

Nagising ako sa isang puting kwarto. May nurse na nag-aasikaso sa'kin.
"Miss, anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. Bago niya pa masagot ang tanong ko, may pumasok na lalaking doktor. May katandaan na rin siya, siguro mga nasa late 40s o kaya naman ay 50 na. Kasama niyang dumating ang asawa ng kuya ko.

"Bakit ho ba nahimatay itong si Ziana?" Tanong ng asawa ng kuya ko sa doktor.
"We ran some tests and congratulations to you, hija." Sabi sa'kin ng doktor kaya nagtaka ako. I hope it's not what I'm thinking.
"You are one month pregnant," dagdag pa ng doktor. Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin matapos yun.

Hindi pwedeng buntis ako. Putangina!

Lumabas ang doktor pati ang nurse. Tiningnan ako ng asawa ng kuya ko at sinermunan.

Bumabalik sa'kin ang nangyari nung gabing yun. Ang gabing langong-lango ako sa alak at sa drugs na nilagay ng kung sino sa inumin ko. Alam ko ang nangyari sa'kin pero hindi ko alam kung sino sila.

"Ano ba naman yan, Ziana? Isang buwan na lang magtatapos ka na ng kolehiyo nagpabuntis ka pa. Iharap mo nga sa'kin ang boypren mong si Fred, makakatikim sa'kin ang isang yun. Akala ko pa naman matino siya at hindi makakagawa ng ganitong pagkakamali." Sabi pa ng asawa ng kuya ko. Nanatili akong tahimik, that's what I've been for the past month. Just silent, too afraid to say anthing, too disgusted of myself that I don't even look in mirrors anymore.

Napahawak ako sa tiyan ko at naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko. Ayoko sa nilalang na nasa loob ko. Anak siya ng isang hayop. Gusto ko siyang mawala.

Kinabukasan matapos kong umuwi galing sa ospital, dumating sa bahay si Fred. Naririnig kong binubungangaan siya ni Ate Mariana, ang asawa ng kuya kong nasa abroad at nagpapaaral sa'kin. Nakatulala lang ako sa kwarto ko at hindi ko alam ang gagawin ko.

"Nasa kwarto si Ziana, kahapon pang tulala at hindi makausap." Sabi ni Ate Mariana kay Fred at narinig kong papalapit ang mga yapak niya sa kwarto ko.

Pumasok si Fred at nadatnan niya akong nakaupo lang sa kama at nginangatngat ang kuko ko. Tiningnan ko siya, malinis tingnan katulad ng dati. Ang salamin niya ay may konting fingerprints niya na. Maputi si Fred at matino, pala-aral. Ang mga mata niya ay medyo singkit, matangos din ang ilong niya, yung labi niyang halos perpekto. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung anong magandang nagawa ko sa buhay ko para bigyan ako ng langit ng isang katulad ni Fred.

Nanlulumo ang itsura niya ngayon. Alam naming dalawa na hindi siya ang ama ng nasa sinapupunan ko. Dahil sa isang taon, dalawang buwan at anim na araw na pagiging mag-boyfriend namin kahit kailan walang nangyari samin. Oo, may holding hands, may yakapan, at may kiss sa lips. Pero alam naming dalawa ang limit namin.

Umupo siya sa tabi ko, ramdam kong nalulungkot siya. Inaasahan kong makikipaghiwalay siya sa'kin. Pero tinanong niya ako, "Sino ang ama? Nakausap mo na ba?" Tanong niya. Nakakatakot ang mga tanong na yun para sa akin.

Kasi hindi ko alam kung sino ang ama ng batang ito, hindi ko rin alam kung makakausap ko ba ang demonyong yun nang maayos.

"Gusto mo ba na akuin ko na lang?" Tanong sa'kin ni Fred. Tahimik siya. Alam kong ayaw niyang akuin ang isang batang hindi sa kanya at ayokong gawin niya yun dahil lang mahal niya ako. Alam kong sa loob-loob niya galit siya. Alam ko yun kahit hindi niya sabihin.

"Maghiwalay na tayo," sabi ko kay Fred kahit sobrang labag noon sa kalooban ko. Umiyak siya at tinanggal niya ang salamin niya para punasan gamit ang T-shirt na suot niya.
"You should not take responsibility of something that isn't yours." Sabi ko pa. Nagmakaawa siya na wag kong gawin 'to. Pinipigilan ko na rin ang sarili ko na umiyak. Hawak niya ang kamay ko pero nagpumiglas ako sa hawak na yun. Pinagtabuyan ko si Fred, tinulak palabas ng kwarto at pinalayas sa bahay namin.

Bumalik ako sa kwarto ko nung umalis na si Fred. Umiyak ako ng umiyak. Nakatulog ako sa kakaiyak at pagkagising ko, gabi na. Tumayo ako mula sa kama.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin dito sa kwarto ko, unang beses sa loob ng isang buwan. Tiningnan ko ang tiyan ko. Bunga ng kasalanan ang nasa loob ng tiyan ko, anak ng demonyo ang batang 'to. Sinuntok-suntok ko ang tiyan ko, pinisil ito sa pagbabakasakaling mawawala ang nasa loob ko kapag ginawa ko yun.

Nakita ni Ate Mariana ang ginagawa ko at pinigilan niya ako.
"Anong ginagawa mo? Anong nangyayari sa'yo?" Umiiyak ako at nagwawala habang nakaupo na sa sahig. Niyakap ako ni Ate Mariana.
"Magsabi ka lang," dagdag niya habang hinahagod ang likod ko at pinatatahan ako.

"Ate, na-rape ako."

Z: The VictimWhere stories live. Discover now