DALAWAMPU'T APAT

51 3 0
                                    

BOGS

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa kwartong kinaroroonan ni Ziana. As I entered, nakita kong nandito sa loob ang Ate Mariana niya na ka-skype sa cellphone ang kuya ni Ziana, si Jepoy na pamangkin ni Ziana naman ay natutulog sa couch, nandito rin ang mga kaibigan namin na nag-uusap usap, may doctor at nurse na nagchecheck ng vitals ni Ziana, may dalawang pulis rin na nag-aabang.

Lumabas muna si Ate Mariana, naingayan yata. Si Ziana, nakatulala lang. Kinausap ako ng doktor. Responsive naman daw si Ziana, ayaw lang talagang magsalita.
"Bili muna kami ng pagkain for everyone," sabi ni Gina tapos lumabas din siya with her boyfriend and the other couple. Lumabas na rin ang doctor pati yung nurse.

Nilapitan ko si Ziana bago pa siya malapitan ng mga pulis.
"How are you?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot pero nakita kong kinukurot niya ang sarili niya. She only does that when she's scared. I held her hands at tiningnan ko siya sa mata.

"Nahuli na sila, si Yno nasa ER pa but I won't let him get away with what he did to you." Sabi ko para kahit papaano mapanatag ang loob ni Ziana. Nagsimula na naman siyang umiyak.

Pinatahan ko siya at kinalma. Napalingon siya sa mga pulis.
"Are you ready to talk to them?" Tanong ko kay Ziana.
"Kung hindi pa, pwede naman po kaming bumalik sa ibang araw." Sabi pa nung pulis. Parehas na babae ang pulis na nandito. Buti na lang at hindi natakot si Ziana nang hawakan ko siya.

Pumayag si Ziana na makipag-usap sa mga pulis. I did not leave her here because she told me to stay. Ramdam ko ang takot ni Ziana.

"Pwede mo bang sabihin samin ang nangyari nung gabing nabaril ka?" Tanong ng pulis habang yung kasama niya, may hawak na ballpen at parang notepad.
"Detailed ho sana?" Pakiusap nung may hawak ng notepad.

"I went to Drake Montenegro's party with my friends particularly Bogs, Kiyo, Kyril and Yno. Pagkarating sa party, hinanap namin yung dalawa pa naming kaibigan na sina Gina at Jom. Binati ni Bogs ang may birthday, nakipaglaro siya ng beer pong dun sa Primo, nakita pa namin yung Edmund." Pag-uumpisa ni Ziana sa statement niya. Her tears are still flowing.

"Can you explain why we found drugs in your system? Were you just drunk, or high too?" Tanong nung pulis kay Ziana. I glared at the policewoman. Z got raped and shot, now they're accusing her of getting high. Mayamaya, baka sinisisi na rin nila siya. She sighed bago siya nagpatuloy.

"Naghanap ako ng maiinom, that guy Gambi gave me a drink at siguro dun din nakahalo ang drugs na natagpuan niyo sa katawan ko." Sagot ni Z. Sinulat yun nung pulis.
"Ano pang nangyari?" Tanong nung taga-interrogate na pulis.
"Nahimatay ako at nagising ako nung naramdaman kong may nagtatanggal ng pantalon at t-shirt ko. Binaboy nila ako. Niligtas ako ni Yno pero nalaman kong isa rin siya sa kanila. Binaril nung Primo si Yno tapos tumakbo ako and somebody shot me." Sabi ni Ziana at lalong lumala ang pagtulo ng luha niya.

"Sinong sila?" Tanong nung pulis.
"Gambi, Primo, Edmund and Drake." Sagot ni Ziana, tumayo naman na yung pulis. Nagpaalam na sila nung magsalita ulit si Z.

"This isn't the first time they raped me." Yun ang sinabi ni Ziana, napatigil ang mga pulis at sinabing babalik sila dito one or two days from now.

I hugged Ziana at naiyak na naman siya.
"Don't worry, it's gonna be fine." Sabi ko sa kanya tapos niyakap niya ako habang umiiyak.

Z: The VictimWhere stories live. Discover now