TATLUMPU'T DALAWA

57 5 0
                                    

"How do you plea?" Yan ang tanong sa limang lalaking nanggahasa sa'kin ngayon. Ang mga sagot nila ang hinihintay namin. Four plead not guilty, while Yno plead guilty.

Sa kanilang lima, tangina isa lang ang balak mag-own up sa ginawa sa'kin. And maybe if Yno wasn't my friend, siguro hindi rin siya magsasabi ng totoo. Yung verdict, malalaman raw next week.

Nag-gather kami nila Kyril, Gina, Jom, at Kiyo sa bahay nila Bogs. May biglang tumawag sa'kin at sinagot ko yun pero lumayo ako sa mga kaibigan ko. It's Fred.

"Why did you call?" Yun agad ang bungad ko sa kanya. Narinig kong parang tumawa pa siya. Never ko siyang nasungitan noon. But since we broke up, since nung pagbintangan niya akong may relasyon with Bogs, I have learned to somehow hate him.

{Magpapaalam ako} sagot niya sa tanong ko. I smirked a little.
"Hindi mo na ako girlfriend, magtatatlong buwan nang hindi." Sabi ko sa kanya. Ewan ko ba, pero kapag naaalala ko yung saming dalawa ni Fred, parang wala na lang. I can't feel anything. Maybe what happened to me is one of the reasons why I felt like this.

{Not like that, alam ko namang di na tayo. Alam ko ring di ka na babalik sa'kin. Di na rin ako makakabalik sa'yo kasi aalis na ako, for good} nagtaka ako sa sinabing yun ni Fred at umupo ako dito sa labas ng bahay nila Bogs. Hinintay kong magsalita ulit si Fred.

{Z, I can't stand seeing you like that. Knowing na isa ako sa reasons why it happened to you again. I need to be far and thankfully my relatives granted me that. I'll be living in Barcelona for good, Ziana} sabi niya, napangiti ako. Nagulat pa ako nung may biglang tumakas na luha sa mga mata ko. I sniffed too.

{This is the end of us now} sabi niya pa sa'kin. Nanahimik ako, naging tahimik din si Fred.
"Goodbye," that was the last thing I said to him. I thought I'd say 'I love you' but I just can't say it without meaning it. Binaba na lang ni Fred ang call. I wiped my tears bago ako pumasok ulit sa bahay nila Bogs.

Pagbukas ko ng pinto, yakap ni Bogs ang sumalubong sa'kin. Yung apat niyakap na rin ako.
"Mga chismosa kayo ng taon," sabi ko sa kanilang lima. They just laughed at me. Alam pala nila na aalis si Fred, they just wanted na siya mismo ang magsabi sa'kin.

"Sabi sa'yo kay Bogs ka na lang e." Panunukso pa ni Kyril nung kumalas kaming magkakaibigan sa yakap.
"Wag ka kay Bogs, kay John Henry Castillo ka." Sabi naman ni Bogs sa'kin. Natawa ako. Dahil John Henry Castillo and Bogs are one. Ang layo ng nickname ni Bogs sa totoo niyang pangalan 'no? Kaya lang naman Bogs ang nickname niya dahil mahilig mambugbog. So we called him Bogs.

"At ano namang pinagkaiba ng dalawang yun?" Tanong ko kay Bogs.
"John Henry Castillo is matino, while Bogs is kinda gago. Syempre gusto kong dun ka sa matino." Sagot naman niya sa'kin, natawa na lang ako. Inakbayan niya ako at niyakap ulit.

"Sasaya ka rin, labyu." Bulong niya sa'kin.

Z: The VictimOnde histórias criam vida. Descubra agora