LABING PITO

56 2 0
                                    

Bogs and I decided to cut classes para puntahan yung kakilala niya sa Sheng Tú. We have never cut classes together since third year high school. Dati, bonding pa namin 'to e.

"Mapagkakatiwalaan ba talaga yung kakilala mo?" Tanong ko kay Bogs habang naglalakad kami papunta sa botanical area ng university, ang lugar kung saan namin kikitain yung taga-Sheng Tú.

"Oo naman, may hawak akong alas against this person. Onting blackmail lang, makukuha na natin ang kailangan natin." Sagot naman ni Bogs, tumango-tango ako.

Nung makarating sa botanical, nakita namin ang isang lalaki na naghihintay dun habang nagse-cellphone. Nilapitan namin siya ni Bogs.
"Anong kailangan mo sa'kin ngayon, John Henry?" Tanong ng lalaki at napangisi si Bogs. Wow, they must be close before kasi alam niya ang totoong pangalan ni Bogs. A lot of people know Bogs but he doesn't say his actual name to a lot of people.

"Names ng members ng frat niyo," sagot ni Bogs. Nag-alinlangan naman ang lalaki at lumayo ng isang hakbang kay Bogs.
"Hindi yata kita matutulungan diyan, Bogs." Sabi nung lalaki at naglakad na palayo.
"Fetus. CR. Pills. September 24, 2017. Gusto mong malaman ng lahat?" Tanong ni Bogs sa lalaki kaya napatigil ito sa paglalakad. Lumapit siya kay Bogs at kinwelyuhan ito.

"Paano mo nalaman ang tungkol diyan?" Tanong ng lalaki kay Bogs.
"Sasabihin ko ba sa lahat o sa girlfriend mo na lang?" Nakangising tanong ni Bogs. Mahina niyang tinulak ang lalaki nung matahimik ito.
"Now will you give me what I want?" Tanong ni Bogs at may hinanap ang lalaki sa cellphone niya.
"Sinend ko na sa'yo." Sabi pa ng lalaki at iniwan na kami dito sa botanical.

"Easy peasy," sabi ni Bogs matapos niyang ipakita ang listahan ng pangalan ng mga miyembro ng Sheng Tú sa'kin.
"What's the deal with that guy?" Tanong ko habang naglalakad na kami paalis sa botanical.

"Nagtaksil siya once sa current girlfriend niya, there was a baby, then the girl took meds and had a miscarriage in the CR. Weeks later, lumipat ng school yung babaeng nabuntis niya." Sagot ni Bogs. Bilib talaga ako sa isang 'to, sa sobrang yaman ng pamilya niya, ang dami niyang nalalaman tungkol sa maraming tao. He knows the darkest and deepest secrets of almost everyone in this campus.

"Saan na tayo magpupunta ngayon?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot, sa halip ay naglakad lang tapos sinundan ko lang siya. We went inside the library. Pumunta kami sa part kung nasaan ang mga year book.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya.
"We are going to look for the guys on this list," sagot ni Bogs. Naningkit ang mata ko.

"And how are we supposed to do that?" Tanong ko pa. Ang dami naman kasing year book na nakapaligid sa amin. How do we find like twenty men among these year books?
"Kuhanin mo lahat ng year book from 2014 dahil Sheng Tú started that year, up to 2018," sabi ni Bogs at sinunod ko lang ang sinabi niyang yun.

Kinuha ko sa shelves ang lahat ng yearbook na may year 2014, 2015, 2016, 2017, at 2018. Then nilapag namin ang mga yun sa isang mesa. Binuklat namin ang mga year 2014.

"Why are we exactly doing this again?" Tanong ko habang kinakamot ko ang ilong ko. Umaatake na naman kasi ang allergy ko sa dust dahil sa mga nalanghap kong alikabok na akala mo namamahay na sa mga yearbook na 'to.
"We just need to know the faces of the guys on this list tapos titingnan na rin natin ang info nila, then we'll see kung may makikilala ka sa kanila." Sagot ni Bogs, tumango-tango na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.

Z: The VictimWhere stories live. Discover now