ANIM

62 3 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ng lalaking naka-blue mask sa kararating lang na kaibigan ni Ziana. Inabutan siya ng yosi nito. Naroon na rin sa parking lot ang tatlo pang lalaking kasama nila sa panggagahasa kay Ziana noong birthday party ni Bogs.

Tinanggal na ng lalaki ang blue mask na suot niyang maskara.
"Ano? Nahanap niyo?" Tanong ng kaibigan ni Ziana. Umiling ang apat na lalaki.

Pumunta silang lima sa isang bar malapit sa venue ng ginanap na grad ball para dun mag-usap. May sasabihin raw kasi ang kaibigan ni Ziana.

Naghanap sila ng mapupwestuhan sa bar at umorder ng alak.
"Ano nga 'tong sasabihin mo pala?" Tanong ng maputing rapist sa kaibigan ni Ziana habang hinihintay nila ang order nila. Ipinamahagi naman ng kaninang naka-blue mask ang drogang dala niya. Kay Bogs niya na naman nabili ang mga yun. Dumating ang isang bucket ng alak na inorder nila.

"Isang linggo ko na inoobserbahan si Ziana at kinakabahan ako pre," sabi ng kaibigan ni Ziana sa apat pang kasama niya. Kumunot ang noo at naningkit ang mata ng mga ito.
"Bakit?" Tanong ng isa pa.
"Pakiramdam ko buntis si Ziana," sagot ng kaibigan ni Ziana. Lagi kasi itong nasusuka, naduduwal, inaantok at dumaraming kumain. Syptoms of a pregnant woman. Puro mura ang lumabas sa bibig ng mga rapist.

"Tangina, sino sa'tin ang ama?" Tanong ng isa sa mga rapist habang nagkakamot ng ulo.
"Sino bang nakarami?" Tanong ng lalaking may ari ng blue na maskara.
"Ikaw ba... O ako?" Tanong ng kaibigan ni Ziana dito.

"Hindi ba may boyfriend yun? Baka yun ang ama." Sabi pa noong naka-blue mask. Napailing ang kaibigan ni Ziana.
"The farthest na narating ng relasyon nila ay smack or momol, ewan ko ba." Sabi ng kaibigan ni Ziana. Napatawa at napangisi ang mga rapist habang sumisinghot na ng droga.

"So tayo pala ang nakauna dun?" Natutuwang sabi ng maputing rapist.
"Pero sino ba talaga sa ating lahat ang nakauna?" Tanong pa nung singkit. Inalala nilang lahat at sabay-sabay na binanggit ang pangalan ng may ari ng maskarang asul.

Nung matapos ang inuman, naghiwa-hiwalay na ng landas ang mga nanggahasa kay Ziana. Ang kaibigan ng biktima ay naglakad papasok ng subdivision nila. Lasing siya't sabog.

Umuulit ang mga senaryo ng panggagahasa nila kay Ziana sa utak niya. Sila ay mga rapist pero para sa kanila paglilibang lang ang ginawa nila kay Ziana.

Habang naglalakad, inuusig na siya ng konsensya niya. Kaibigan niya si Ziana. Nakikita niya kung anong ginawa niya sa kaibigan niya. Ngayon parang may paparating na namang isa pang problema, may posibilidad na buntis ang babaeng ginahasa nila.

"Iba talaga ang epekto ng droga," sabi ng lalaki sa sarili at pumasok siya sa bahay nila. Itinulog niya na lang ang mga nakikita ng isip niya.

Z: The VictimWhere stories live. Discover now