DALAWAMPU

49 2 0
                                    

Nakatingin ako ngayon sa salamin, bihis na ako para sa birthday party na pupuntahan namin. I sighed nung maalala ko ang mga bagay na nangyari sa'kin. Dapat magsusuot ako ng dress then I remembered na dress nga rin pala ang suot ko nung gabing yun. So nagsuot ako ng malaking shirt, skinny jeans and sneakers na red and white. Casual lang naman ang party na yun.

Nag-ring ang doorbell. That must be Bogs. Bumaba na ako at nagpaalam kina Ate Mariana at Jepoy. Sumakay ako sa kotse.

"No make up?" Tanong sa'kin ni Bogs nung makita niya ako.
"To prevent what happened sa huling birthday party na napuntahan ko." Sagot ko and I flashed a sly smile.
"Bakit? Anong meron sa last party?" Tanong ni Kyril. Sht, my loud mouth! Ngayon ko lang napansin na nasa likod ng kotse sina Kiyo at Kyril.
"Nothing," sabi ko and thankfully, hindi na nagtanong pa si Kyril.

"It's never your fault," Bogs mouthed tapos nag-drive na siya. Dinaanan pa namin si Yno at dumiretso sa bahay nung Drake ba yun?
"Sina Gina at Jom, di na ba natin dadaanan?" Tanong ni Yno kay Bogs.
"Alam naman daw nila dun," sagot ni Bogs.

We were all singing habang nasa biyahe. Kapansin-pansin ang katahimikan ni Yno ngayong araw.
"Hoy, porket wala si Jom nananahimik ka diyan!" Sabi ni Kiyo kay Yno. Napakalakas ng tumutugtog na kanta sa Chevrolet car ni Bogs kaya malakas din ang pagkakasabi ni Kiyo noon. Sumabay na rin sa kanta si Yno, kagaya namin. The song that was playing is You've Got A Friend In Me, parang kanta naming magkakaibigan yun e.

Nakarating na kami sa venue ng party, it's a rest house daw na pagmamay ari ng pamilya nung Drake Montenegro. It is a typical party. May mga nagkantahan, nagsasayawan, nag-iinuman, may iba pang nagsu-swimming. Humiwalay samin sina Yno, Kiyo at Kyril para raw hanapin sina Gina at Jom.

Hinila naman ako nitong si Bogs, hahanapin daw namin yung may birthday. Samahan ko lang naman daw siya kasi magpapakita at babatiin niya lang.

"Drake!" Sigaw ni Bogs at lumapit naman samin ang isang lalaki.
"Happy birthday dude," sabi niya kay Bogs at nag-bro hug sila. Pamilyar ang isang 'to. Saan ko nga ba siya nakita?
"Girlfriend mo?" Tanong nung Drake kay Bogs tapos itinuro niya ako. Umiling naman si Bogs. Tumango-tango yung Drake habang nakatingin sa'kin. Hindi ko maalala kung saan ko nga ba siya nakita.

"Happy birthday," yun na lang ang sinnabi ko sa kanya.
"Join the party, drink, get drunk, do anything you want." Sabi nung Drake samin. Umalis na rin siya dahil may pupuntahan daw.

Sunod naman naming hinanap sina Jom at Gina. We found them sa area kung nasaan yung mga naglalaro ng beer pong. Kasama na nila sina Kyril at Kiyo, nagyakapan kami nung magkita.

Nag-usap onti, nag-observe ng mga tao.
"Do you know na iisa lang ang Sheng Tu member na nagpunta sa party na 'to?" Tanong ni Kiyo samin, nagkatinginan kami ni Bogs.
"Bro, strange yun ah." Sabi ni Bogs.
"How is that strange?" Mahinang tanong ko pa kay Bogs.
"Every party, lalo na kapag yung mga kalinyahan nitong sina Bogs, halos buong grupo nila ang pumupunta." Sagot ni Yno sa tanong ko. Strange nga na isa lang ang nandito ngayon.
"Sino ang nag-iisang yun?" Tanong ni Bogs kay Kiyo. Abang na abang din ako. Kasi either isa ang lalaking yun sa rapists ko or he can lead me to my rapist.

"Yun o," sabi ni Kiyo at itinuro ang isang lalaking maputi. Singkit siya, mukhang may lahing ching chong. Mas matangkad siguro ng konti sa'kin at muscled ang katawan.
"You know the name?" Pasimpleng tanong ni Bogs kay Kiyo habang nakatingin kami sa lalaking yun.
"Edmund Santillan Wu," sagot ni Kiyo. Tumango-tango si Bogs. Wala kaming natagpuang kahit na anong magli-lead na siya ang rapist ko mula sa year book.

"Si Yno, saan napunta?" Tanong bigla ni Jom samin. Tiningnan naman namin ang paligid, we could not find Yno. Saan kaya nagtungo ang isang yun? Ni hindi nagpaalam, hindi rin namin napansing umalis e.

"Bogs!" Biglang may sumigaw kaya napatingin kami sa kung sino man yun. It was a tall muscled guy. Lumapit siya samin.
"Primo!" Sabi naman nitong si Bogs at nag-bro hug sila.
"Tara, laro?" Sabi nung Primo kay Bogs, he's talking about playing beer pong. Pumayag naman si Bogs.

I decided to get a drink, one drink won't hurt naman. Isa pa may sari-sariling buhay na ang mga kaibigan ko. Yung mga mag-jowa, naglaho. Si Yno di ko pa rin alam kung nasaan. There was this guy serving drinks. His skin is tan.
"Ilan?" Tanong niya at kumuha siya ng red plastic cup.
"One please," sagot niya.
"You alone?" Tanong pa sa'kin ng nakatalikod na lalaking 'to.
"No, I'm with my friends." Sagot ko, humarap siya at inabot ang baso sa'kin.
"Ah, I know you. You belong to Bogs' squad." Sabi niya at tumango-tango lang ako.

"I'm Gambino Cuenca, but you can call me Gambi." Pagpapakilala niya at nag-offer siyang makipag-shakehands.
"I'm no one," sabi ko at natawa lang siya. Tumalikod na ako para umalis.
"See you later," rinig ko pang sabi niya while I just continued walking.

Z: The Victimحيث تعيش القصص. اكتشف الآن