DALAWAMPU'T TATLO

55 3 0
                                    

BOGS

Iniwan ko muna sa ospital si Ziana, kasama sina Gina at Kyril. Wala pa ring malay si Ziana, but they have already run tests on her. Besides being shot, she kept saying “it happened again”. Nung nalaman ko yun, alam ko nang she was raped again. Nawala ang pagkalasing ko nung moment pa lang na nabaril siya habang nakayakap siya sa'kin.

Sinama ko sina Jom at Kiyo papunta sa presinto dahil nahuli na raw ang mga bumaril kay Ziana. Nung makarating sa presinto, bumaba agad ako ng kotse ko. Kaya ko sinama sina Jom para may pipigil sa'kin sakaling may magawa man ako sa mga hayop na nanggahasa at bumaril kay Ziana.

"Ate Mariana, she's stable now pero wala pa ring malay. Kasama niya po sina Kyril sa ospital." Sabi ni Kiyo na kausap ang asawa ng kuya ni Ziana ngayon. The call ended. Dinala kami nung pulis na tumawag sa'kin sa mga bumaril kay Ziana.

Bumungad samin nila Jom at Kiyo sina Primo, Drake, Edmund, at Gambi na nasa interrogation room. We're on the side of the two-way mirror where we can see them but they can't see us.
"Bakit niyo binaril si Ziana Saavedra?" Tanong ng pulis kina Gambi. None of them answered the question.
"Can I talk to them?" Tanong ko sa isang pulis na andito rin, kasama naming nakatayo rito. Pinayagan nila ako at pinapasok sa interrogation room. Lumabas yung pulis dun. Umupo ako sa harap ng apat na lalaking 'to.

"Kayo ang nangrape kay Ziana, right?" Tanong ko sa kanila. Gulat sila na alam ko ang tungkol dun. Pero nanatili silang tahimik.
"Sagot," sabi ko sa kanila. Tangina, sobrang sama ng loob ko ngayon and I want to strangle every single one of them to death. Tinuring kong kaibigan ang mga 'to, lalo na si Primo.

"I'll whisper something to you," sabi ni Primo sa'kin at nilapit niya ang labi niya sa tenga ko. I don't know if he's allowed to do that but I let him.
"There are five people who did this to her," bulong sa'kin ni Primo at napakunot ang noo ko.
"What are you saying?" Tanong ko kay Primo at lumayo na siya sa'kin.

"Hindi ka ba nawawalan ng isa pang kaibigan?" Nakangising tanong ni Primo. Napalunok ako at naalala ko bigla si Yno. Hindi ko pa siya nakikita ulit. Last time I've seen him is nung sinabi niya samin na hahanapin niya si Ziana. Kinwelyuhan ko si Primo.

"Nasaan si Yno?" Tanong ko sa kanya habang nanggagalaiti na ako sa galit.
"Baka sa ospital," si Gambi ang sumagot ng tanong ko at nagkibit balikat.
"O baka sa morgue," Edmund said snarkily. Naitulak ko siya and I stormed out of the interrogation room.

Nagmamadali akong lumabas ng presinto, nahihirapan nang humabol 'tong sina Jom at Kiyo.
"Bogs, anong nangyayari?" Nag-aalalang tanong ni Kiyo sa'kin.
"We have to go," sagot ko na lang at sumakay na ako ng kotse, and so did they, tapos nag-drive na ako.

Bumalik kami sa ospital, pinuntahan nila ulit si Z. Hinanap ko naman sa nurses' station si Yno. Ito ang pinakamalapit na ospital sa are ng party at sobrang focused ko sa pagkakabaril kay Ziana kaya hindi na namin napansing wala si Yno sa paningin namin.

"Miss, may Ynocencio Mendiola bang in-admit dito?" Tanong ko sa nurse na andito.
"Sir, wala po." Sagot niya naman.
"Wala bang dinala dito ang mga pulis?" Tanong ko pa. Kasi kung nabaril nga si Yno at nahuli ng mga pulis sina Primo, baka nakita rin siya ng mga pulis. Ang alam ko nilibot din ang buong lote ng bahay nila Drake kanina e.

"Ah, yung nabaril! Nasa emergency room po," sabi sa'kin nung nurse at pumunta agad ako sa emergency room. Hinanap ko si Yno. Nung nakita ko siya, kausap niya ang isang doctor. Nung lumabas ang doctor mula rito, sinapak ko si Yno.

"What the fuck have you done, Ynocencio?" Tanong ko sa kanya, he just sighed and looked at me again.
"Kamusta si Ziana?" Tanong niya rin pabalik. I cannot believe him.
"You are one of the reasons why this happened to her. Dapat nasa presinto ka rin e." Sabi ko kay Yno, I do not care kung ano man ang nangyari sa kanya't nandito siya sa ospital. He should suffer too.

"Yes, I did that to her too. Pero isang beses lang and I tried very hard na hindi mangyari ulit yun." Sabi sa'kin ni Yno, nagsisisi siya. Nakikita ko sa mga mata niya yun. Pero hindi naman ma-eerase ng pagsisisi niyang yan ang nangyari kay Ziana.

Itinulak ko siya habang nakaupo siya sa hospital bed.

"Pero nangyari pa rin!" Galit na sigaw ko sa kanya. All I heard from him were just sighs at hindi siya makatingin sa'kin.

Tumunog ang cellphone ko at tiningnan ko yun. Nag-text si Jom, gising na raw si Ziana. That somehow made me feel better.

"Di pa ako tapos sa'yo," sabi ko kay Yno at iniwan ko siya dun. Wala akong balak na sabihin sa pamilya niya ang nangyari sa kanya. Mukha naman siyang okay, he can do that himself. Ayoko ring makita ng mga magulang niya kung gaano ako kagalit sa anak nilang tarantado. His parents are his problem.

Z: The VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon