PITO

62 4 0
                                    

Sabado, lahat kami nasa bahay ni Bogs ngayong araw. Stepping inside this house felt traumatic to me. Kasi nung huling nandito ako, nagahasa ako. Kaya tahimik lang ako.

Nakaupo kaming lahat sa sofa at halos lahat kami ay sinusubukang matulog.
"Anong meron sa inyo? Bakit kayo ganyan?" Tanong ni Bogs habang nagseset up ng movie sa TV.
"Walang hiya, naglaro kami ng LOL pre. Inabot kami ng umaga, kami niyan ni Yno." Sagot ni Jom.

Ako, kaya ko pilit pinipikit ang mata ko kasi naaalala ko yung kagabi. Plus, si Ate Mariana ipapakausap na ako sa isang psychologist para daw matulungan ako mentally. Ni hindi ko nga alam kung gusto kong kumausap ng kahit na sino e.

"Gimik night with fam kagabi, kaya nga di ako ang kampi ni Jom sa laro kagabi e." Sabi naman ni Kiyo. Pumikit lang ako. Everyday lagi akong nanghihina, inaantok dahil sa bata sa tiyan ko. Buti nga't hindi pa ganun kahalata ang paglaki ng tiyan ko.

Tuwing gabi, iniisip ko kung dapat ko bang buhayin 'to o ilaglag. Pero takot akong magpalaglag, kasi sabi ng iba once magpalaglag daw parang mananatiling miserable ang buhay. I am 20 years old at ang napapatay ko pa lang na living thing ay mga insekto. Kaya hindi ko alam kung kaya kong bawian ng buhay ang isang bata.

"Magkasama kami nito ni Gina kagabi, party." Sabi naman ni Kyril. Nagsimula silang manood ng movie. Kahit na ang paborito kong Fast and Furious marathon ang panonoorin, nanatili akong nakapikit.

Kinalabit naman ako ni Bogs na katabi ko ngayon. Kaya napamulat ako.
"Okay ka lang?" Tanong niya sa'kin. Napabuntong hininga ako at umayos ng upo. I'm now wearing a simple shirt and skinny jeans. I've been like this since last month. I don't want showing my skin anymore kasi pakiramdam ko mare-rape na naman ako kapag ginawa ko yun. Katulad kagabi, backless ang pulang gown na suot ko kaya siguro ganun ang nangyari.

Naiiyak ako sa mga naiisip ko pero nginitian ko si Bogs at saka ako sumagot.
"Yeah, I'm fine." Sabi ko kay Bogs.
"Daming nagbago sa'yo lately." Sabi niya pa sa'kin. Kung naranasan niya ang mga naranasan at nararanasan ko hindi ba siya magbabago?

"Nag-uusap pa kayo ni Fred?" Tanong ni Bogs.
"Oo, siya nga naghatid sa'kin kagabi sa ball." Sagot ko, tumango-tango lang 'tong si Bogs. Nanahimik siya saglit. Parang may iniisip siya pero nag-aalangang sabihin sa'kin.

Nakakatawa na nagchichikahan kami ni Bogs habang busy sa panonood ng movie ang mga kaibigan namin. Si Gina, nakasandal pa sa balikat ni Jom. Itong si Kyril naman, ginawang unan ni Kiyo ang hita niya. Yno was on his own, hugging a pillow while watching.

"Ano yun? Sabihin mo na." Napalingon sa'kin si Bogs nung sabihin ko yun. He sighed and talked again.
"Pero bakit nga kayo nag-break?" Tanong pa niya. Umiling-iling ako as a sign na hindi ko sasabihin sa kanya. Pero naiiyak ako sa tanong niyang yun. Because the answer to that question leads to that time, in one of the rooms in this house. I was probably sitting on the same couch where someone carried me to the bed and I was raped.

Z: The VictimWhere stories live. Discover now