WALO

63 5 0
                                    

Naglilibot ako sa bahay ni Bogs. Ang laking risk nitong ginagawa ko sa sarili ko. I just thought that maybe pag napunta ulit ako sa lugar na yun, may maalala ako. Kahit isang mukha o detalye lang para malaman ko na talaga kung sino ang gumawa sa'kin nito.

Pakiramdam ko kasi mababaliw na ako kakaisip. Hindi ko alam kung ano nang ginagawa ng mga kaibigan ko sa baba. Nagpaalam lang ako na magbabanyo nung pumasok sa isip kong maglibot dito sa second floor.

I opened every single room. Nakalimang kwarto na yata ang nabuksan ko pero wala akong maalalang kahit na ano. Kasasara ko lang ng kwarto ni Bogs. Ang kwarto sa may hagdanan naman ang binuksan ko.

Iba ang pakiramdam ko dito kaya pumasok ako kahit sumilip lang ako sa mga naunang kwarto na binuksan ko. Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng kwarto. Wala akong makita o maalala.

Umupo muna ako sa kama rito dahil medyo nahihilo ako. Itinuon ko rin ang kamay ko sa kama habang nakaupo, may tumusok sa'kin kaya tiningnan ko kung ano yun. Hinanap ko dito sa kama kung anong tumusok sa'kin at nakita ko ang isang hikaw—ang hikaw kong may design na sea shell. Pagpikit ko, nakita ko ang sarili ko, nakahiga sa kamang 'to suot ang black fitted dress ko na manipis ang strap.

Biglang bumukas ang pinto na kinagulat ko. Napatayo ako.
"Andito ka lang pala, nakapag-CR ka na?" Sabi sa'kin ni Bogs at tumango-tango lang ako. Niyaya ko naman siyang bumaba na habang nilalagay ko sa back pocket ng suot kong skinny jeans yung hikaw ko.

Sumulyap pa ako ng isang beses sa kwartong yun bago ko sinara ang pinto. This is the place where I was raped, sure ako dun.

"Kaninong kwarto yun?" Tanong ko kay Bogs, kunwari ay out of curiosity lang.
"Guest room yun," sagot niya naman. Gustong-gusto ko nang tanungin ng maraming bagay si Bogs. Kung alam niya ba kung sino yung nag-akyat sa'kin sa kwartong yun, kung sino ang mga binentahan niya ng drugs nung araw ng birthday niya.

Kaso alam kong kapag nagsimula akong magtanong, kakailanganin ko ring magkwento. At hindi ko alam kung handa na ba akong magsabi nito sa ibang tao bukod kay Ate Mariana. Lalo pa't isa si Bogs sa mga may kasalanan kung bakit nangyari sa'kin yun. Ayokong mambintang but that's a fact.

Kung tutuusin, ako rin ang may kasalanan. Dapat hindi na ako sumama, dapat hindi na ganung damit ang sinuot ko, dapat hindi ako nag-inom nang ganun kalala, dapat sumama na ako kina Gina pauwi.

***

Ngayon ay araw ng linggo, nasa simbahan ako kasama sina Ate Mariana at ang anak niyang si Jepoy. Nakita kong andito rin si Fred. Naalala ko dati, linggo-linggo kaming nagsisimba dito nung nagliligawan pa lang kami.

Nilapitan ako ni Fred.
"Hintayin ka namin sa labas ah," sabi sa'kin ni Ate Mariana, tumango-tango lang ako at naglakad na sila ni Jepoy.
"How are you?" Tanong ni Fred sa'kin.
"I'm not okay," sagot ko. Kasi stressed ako sa kakaisip. Umupo siya sa tabi ko habang nakatingin ako sa malaking cross na nasa gitna at unahang parte ng simabahan.

"And your baby?" Tanong niya sa'kin kaya napatingin ako sa kanya. I do not consider this being as my child. Anak siya ng demonyong gumahasa sa'kin at hinding-hindi ko ituturing na anak ang isang 'to. Hindi ako nakasagot sa tanong ni Fred.

"Pwede ko pa rin namang akuin," sabi pa ni Fred habang nakatingin siya sa'kin. Mariin akong umiling.
"Don't own someone who's been made by a monster." Sabi ko at umalis na ako kahit nakita ko ang pagtataka sa mga mata ni Fred. Siya na ang bahalang mag-interpret ng sinabi kong yun.

Z: The VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon