DALAWAMPU'T SIYAM

48 4 0
                                    

ZIANA

Second hearing na ngayon. Sabi nila, ang Drake na yun naman ang magsasalita. Bago mag-umpisa ang hearing na 'to, kinausap ako ng lawyer namin. Sinabi niyang i-expect na namin ang pambabaliktad mula kay Drake gaya ng ginawa ni Primo nung first hearing. Sabi rin nila hangga't kaya, pigilan ko na magalit.

I am the victim at ako pa ang sinisisi nila sa pambababoy na ginawa nila.

"Can you tell us kung anong nangyari nung birthday mo?" Panimulang tanong ng lawyer kay Drake while my lawyer is sitting beside me.

"Nag-umpisa yung party, maraming dumating including Ziana and her friends. Binati pa nga nila ako ni Bogs. She was smiling at me, in a flirty manner. I'm used to girls being like that. Inasikaso ko yung mga bisita ko, hindi ko na alam kung saan napunta si Ziana o ang mga kaibigan niya. But by the time na nakita ko si Ziana, buhat siya ng ex niya. I know how much Bogs hate that Fred guy so sinabi ko dun sa lalaki na hinahanap na nila Bogs si Ziana at ako na ang bahala sa kanya. Binigay niya sa'kin si Ziana.

Habang buhat ko siya, hinanap ko si Bogs and their other friends pero hindi ko makita. So dinala ko muna siya sa bahay na nasa likod din ng bahay namin. Kasi tahimik dun and ang gusto ko lang naman is makapagpahinga ng maayos si Ziana." Sabi ni Drake at tiningnan pa ako't nginitian. Napaka pa-innocent ng isang 'to, naiinis ako!

"Nung binaba ko siya sa kama, hinila niya ako. Siguro dahil na rin sa kalasingan niya. We made out and yeah, we had sex." Pagpapatuloy ni Drake. Naiyak ako. Bakit sila ganun? Bakit pinapamukha nila sa korteng 'to na binigay ko ng kusa yung sarili ko? Hindi ako ganung tao! Especially not for people like him or them.

Nakita kong napatingin sa'kin si Yno, tinalikuran ko lang siya. May pagsisisi sa mga mata niya pero hindi pa rin talaga ako handa na kausapin siya o tingnan man lang.

Sunod nilang pinagsalita yung Gambi. Halos katulad lang ng sinabi nila Primo ang sinabi niya pero isa lang ang tumatak sa isip ko.

"Ziana looked so innocent, hindi namin alam na mas gusto niya pala ang multiple sexual intercourse at sa iksi at revealing ng suot niya nung birthday ni Bogs, sinong hindi maaakit? Sinong matinong babae ang magsusuot ng plunging neck line, sleeveless at two inches above the knee na dress sa isang party? Kung saan nagkalat ang mga drunk at mabisyong tao." Yun ang mga tumatak sa isip ko, napasigaw ako.

"I was wearing jeans and a shirt the second time you all raped me!" Sigaw ko, sumigaw rin ng "order in the court!" ang judge.

Yung Edmund, ganun din ang sinabi. Tinapos ang hearing at pinakakalma pa rin ako nila Bogs dito sa labas ng court room. Nadaanan kami ng mga hayop na yun.

"Can I talk to them first?" Tanong ni Yno sa pulis nung madaanan niya kaming magkakaibigan. Tumango lang ang pulis at lumayo ng konti samin.

"What now, Yno?" Inis na tanong ni Bogs kay Yno at pumwesto siya sa harap ko, hinaharangan ang rapist naming kaibigan na lumapit sa'kin.
"Ako na ang magsasalita sa next hearing and I promise to make things right." Sagot ni Yno.
"You better," sabi sa kanya ni Kyril at sinama na siya ng pulis palayo samin.

Z: The VictimWhere stories live. Discover now