TATLO

93 3 0
                                    

Nandito lahat ng kaibigan ko. Let me rephrase, nandito ang lahat ng kaibigan ko at ang isang demonyo.
"Ilang araw ka nang hindi pumapasok, okay ka lang ba?" Tanong sa'kin ni Bogs. Tiningnan ko siya at tumango-tango ako. Nagdala si Ate Mariana ng juice at sandwiches para sa kanila.

Nagkakila-kilala kami nitong mga 'to nung pare-parehas kaming mag-summer sa isang subject na binagsak naming lahat nung first year namin sa high school. Naging lagi na kaming magkakasama simula noon.

"Tsaka nahimatay ka raw nung isang araw sabi ng mga kaklase mo." Sabi ni Yno. Tiningnan ko siya dahil dun.
"Tinanong mo ang mga kaklase ko?" Tanong ko kay Yno, kumunot ang noo niya at umiling.
"Narinig ko lang pagdaan ko sa classroom niyo." Sabi pa ni Yno. Nakapagtataka yun, dahil malayo ang building nila sa building namin kaya paanong napadaan siya sa classroom namin?
"The girl I am seeing right now, she's on the same floor as you." Dagdag pa ni Yno at nawala ang pagdududa ko sa kanya dahil dun.

Sina Jom at Kiyo naman, naglalaro ng online game sa phone nila kaya mga focused at tahimik.
"So bakit nga kayo nag-break ni Fred? Dahil ba yan sa pag-uwi mo ng umaga nung birthday ni Bogs?" Tanong pa ni Gina. TANGINA ANG SARAP SABIHIN NA "OO YUNG NANGYARI AT YUNG BUNGA NOON ANG MISMONG DAHILAN NG PAGHIHIWALAY NAMIN". Pero syempre hindi ko ginawa yun.

"Kind of," sagot ko.
"Pero explain further, bakit nga?" Pagpipilit ni Kyril sa'kin. Umiling-iling ako.
"Actually, it's a private matter on his side." Yun na lang ang sinabi ko para hindi na nila ako kulitin. Alam kong hindi rin nila tatanungin si Fred dahil hindi naman nila masyadong ka-close yun. And every single one of them, intimidated sa aura ni Fred.

Gusto ko na lang matapos lahat ng 'to. If only not from the child of the devil inside my body, hindi ko talaga hihiwalayan si Fred.

"Asawa level na kayong dalawa, nag-break pa." Sabi bigla ni Jom, nag-agree naman si Kiyo. Kasi sa sobrang tagal na namin ni Fred, kumportable na talaga kami sa isa't-isa. Yung tipong wala ng hiya-hiya pa. Isa pa, lagi kaming magkasama ng isang yun e.

Nanahimik ako habang abala sila sa mga ginagawa nila. Sina Gina at Kyril pinag-uusapan ang prof sa isa nilang subject. Magkaklase kasi ang dalawang babaeng yun. Sina Jom at Kiyo, hanggang ngayon di pa rin tapos yung laro. One game, parang isang oras ang minimum time e. Si Bogs at Yno, naglalaro ng bato-bato pick. They only do that when they're betting on something. Kung ano man yun, hindi ko alam.

Tiningnan ko ang apat na lalaki. Tahimik kong inaalam kung sino sa mga 'to ang posibleng gumawa noon sa'kin. Naiisip ko pa lang na isa sa kanila ang nang-rape sa'kin, naiiyak na naman ako. Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha ko.

Naisip ko agad na hindi si Bogs ang gumawa nun sa'kin. Kasi nung gabing yun, sobrang busy siya sa dami ng taong pumunta sa birthday niya. The drugs may have come from him pero sabi nga ng isa sa mga nang-rape sa'kin, hindi alam ni Bogs na sa'kin gagamitin yung drugs.

Hindi na rin ako nagulat na nagbebenta si Bogs ng drugs, may pinagkukuhanan siya ng mga yun e. Hindi naman sa mahirap ang pamilya ni Bogs pero buy and sell lang naman ang ginagawa niya sa drugs, alam namin yun dahil ilang beses na niya na kaming inalok na bumili sa kanya but none of us do that, I think. Bibili siya ng droga sa mahihirap tapos ibebenta niya sa mga kaibigan niyang mayayaman. Business daw ang tawag dun, ayon kay Bogs.

Habang nagsasalita silang mga lalaki, pasimple kong pinakikinggan ang mga boses nila. Sinusubukan kong kilalanin ang boses ng kung sino mang kaibigan kong gumawa nun. Pero hindi ko ma-recognize.

Nasusuka na naman ako kaya tumayo ako at sinubukang sumuka sa lababo sa kusina.
"Oks ka lang?" Tanong ni Kiyo sa'kin, siya kasi ang pinakamalapit na nakaupo sa kusina. Tumango-tango ako.
"Mina-migraine lang ulit ako." Palusot ko, nag-"okay" lang siya at bumalik na sa paglalaro.

"Akala ko buntis ka na." Pabirong sabi ni Jom.
"Paano nga kung oo?" Pabirong tanong ko, tumawa naman silang lahat. Kahit sobrang totoo talaga.
"Kung buntis ka, sana di kayo nag-break ni fafa Fred." Sabi ni Gina.
"Unless iba yung tatay," dagdag pa ni Kyril.

Kanina nagtatanong sila kung bakit kami naghiwalay ni Fred pero hindi nila alam, nasagot na ang sarili nilang mga tanong.

Tumawa na lang ako, kahit peke ang tawa ko. Si Jom, nanatiling seryoso habang nagtatawanan kami.

"Tangina, mamaya na yung tawa Kiyo! Natatalo tayo e." Kunot noo at inis na sabi ni Jom. Nag-iiba talaga ang behavior ng isang 'to kapag naglalaro.

Z: The Victimحيث تعيش القصص. اكتشف الآن