DALAWA

108 2 0
                                    

Nanginginig ako, hindi mapakali. Isang buwan ko ring tinago 'to sa lahat ng tao. Si Ate Mariana pa lang ang sinasabihan ko. Pinatahan niya ako kagabi. Ngayon ay nandito kami sa kusina ng bahay, nakaupo ako, hawak ang isang baso ng tubig na may yelo habang nanginginig at hindi mapakali ang asawa ng kuya ko.

"Maghahain tayo ng kaso," biglaang sabi ni Ate Mariana, umiling lang ako.
"Kanino ate? Hindi ko kilala ang gumawa sa'kin nito." Kanina ay naikwento ko na sa kanya ang lahat. Hindi siya magkanda-mayaw sa paghahanap ng paraan para matulungan ako. Pero hindi niya pa sinasabi sa kuya ko ang nangyari. Panigurado kasing uuwi ng walang ano-ano si kuya kapag nalaman niya 'to at hindi namin gugustuhin na umuwi siya. Baka makapatay pa ang kuya ko kapag nalaman niya 'to.

"Ipalaglag na lang kaya natin yan?" Tanong ni Ate Mariana. Nakatingin ako sa kanya. Oo, gusto ko ring gawin yun. Pero alam kong mali. Demonyo ang ama ng batang 'to pero Diyos ang nagbigay sa'kin ng buhay na meron siya sa loob ko.

"Alam mo, isang buwan pa lang naman yan. Wala pang organs, hindi pa buo. Walang pusong tumitibok, dugo pa lang yan." Sabi niya pa, tahimik ako at naiiyak ngayon. Tumulo na naman ang luha ko. Ang dami niyang binibigay na options sa'kin pero hindi ko alam kung alin sa mga yun ang tatanggapin ko.

"Ipagpapatuloy mo ba ang pagbubuntis mo?" Tanong niya pa sa'kin. "Hindi ko alam," puro ganun lang ang sagot ko. Napi-pressure ako sa nangyayaring 'to kaya bumalik ako sa kwarto ko. Umiyak na naman ako ng umiyak.

Nag-ring ang cellphone ko. Kagabi ko pa hindi ginagalaw yun. Umiiwas lang ako sa mga tao.

Kinuha ko ang cellphone ko. Si Kyril ang tumatawag, sinagot ko habang humihikbi pa rin ako.
"Kumusta ka na?" Tanong ni Kyril sa'kin, hindi ako nakasagot. Hindi ako makapagsalita dahil sa kakaiyak.

"Nakasalubong namin si Fred kanina, hiwalay na daw kayo." Sabi naman ni Gina, dahil dun ay napagtanto kong naka-loud speak pala ang telepono ni Kyril.
"Puntahan ka namin diyan sa inyo, alam kong kailangan mo kami." Sabi pa ni Bogs. Nakita kong pagkakataon yun para malaman kung sino ang gumawa sa'kin nito.

"Hapon, pumunta kayo ng alas tres ng hapon." Sabi ko naman sa kanila. They agreed on that at in-end ko na ang call. Kinausap ko si Ate Mariana, sinabi ko ang balak ko sa kanya. Sinabihan ko siyang mag-act na wala siyang alam. Pumayag naman siya.

Kami nila Gina, Kyril at Bogs, nasa iisang grupo kami. One group of friends, composed of seven people. Tatlong babae at apat na lalaki. Oobserbahan ko silang lahat para malaman ko na kung sino nga ba ang demonyong gumawa sa'kin nito.

•M/M•

ITATRY KO NA YUNG EVERYDAY UPDATE 🤣. THANKS SA PAGBABASA PALA NITO.

Z: The VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon