DALAWAMPU'T WALO

50 3 0
                                    

ZIANA

Ngayon ang araw ng hearing. Ang daming nagtatanong sa'kin kung ayos lang ba ako at medyo naririndi na ako sa tanong na yun. Syempre hindi ako ayos. Pero kailangan kong maging ayos. Sila kaya ang ma-rape at for the first time makaharap ang rapists nila after silang muntik na mapatay? Maging okay kaya sila?

Mga tao, magtatanong na lang yung may obvious na sagot pa.

Pumasok kami sa court room at umupo sa side kung nasaan ang abogado namin. Katabi ko ang lawyer at sa likod na row namin nakaupo sina Kuya Zaldy, Ate Mariana, si Bogs, si Kyril, si Gio, si Jom, at si Gina. Si Jepoy iniwan muna sa bahay kasama ang maid kasi ayaw namin na i-expose siya rito sa ganitong sitwasyon.

Pumasok na rin ng courtroom sina Primo, Gambi, Edmund, at Drake. Nakasuot sila ng dilaw na t-shirt, indicating that they are still detained. Pero once mapanalo namin ang kaso against them, orange na ang isusuot nilang t-shirt. Hinawakan ni Kuya Zaldy ang kamay ko, hindi ko namalayang masama na pala ang tingin ko sa mga hayop na yun.

Pagkapasok ni Yno, naupo siya sa side nila Primo. He's still one of them kahit isinuko niya ang sarili niya sa mga pulis. Kahit na sabi nila na magtetestify siya para sa'kin, hindi pa rin nun mabubura yung pambababoy na ginawa niya rin sa'kin. Kahit na sabihing niligtas niya ako. I hate him, he betrayed me!

Nag-umpisa ang hearing. Ang nauna sa stand, si Primo.
"Do you pledge to tell the truth and nothing but the truth so help you God?" Tanong sa kanya at sumagot naman siya ng "yes".

Umupo siya at sinimulang tanungin ng lawyer niya.

"Totoo bang binaril mo si Ziana Saavedra?" Tanong sa kanya ng lawyer.
"Baril ko lang yun pero hindi ako ang bumaril sa kanya." Sagot ni Primo. Tangina, nakita ko nung gabing yun na siya ang humahabol sa'kin. He's the one who shot me, alam ko yun.

"But did you rape her?" Tanong pa nung lawyer. Umiling si Primo.
"No, I did not." Sabi pa niya, nag-iinit ang dugo ko sa kanya. But I have to keep myself calm.
"Kung ganun nga, paano mo maipapaliwanag samin ang nakuhang semen mo in her genital part and your DNA all over her body?" His lawyer asked him.

"We had sexual intercourse but I did not rape her. Ginusto niya yun, kahit nung first time na sinasabi niyang nirape ko siya, ginusto niya yun." Sa sinabing yun ni Primo, napasigaw na ako. Tangina, hindi ko ginustong nirape niya ako! Walang babaeng gugustuhin na ma-rape. Ang boyfriend ko nga nung panahong yun hindi ko pinagbigyan ng sarili ko tapos ibibigay ko sa kanya?

"Order in the court!" Sigaw ng judge at nanahimik na nga ako. Pinakakalma ako ni Ate Mariana.
"Pwede mo bang sabihin kung paano mo nasabing ginusto niya ang nangyari sa inyo?" Tanong nung lawyer.

"In which party? Bogs' or Drake's?" Tanong niya in a very intimidating way.
"Both," sagot nung lawyer. Sinimulan ng Primo na 'to ang kwento–ay mali, ang mga kasinungalingan niya pala.

"At Bogs' party, pagkapasok pa lang nila, ayun nagkaka-eye contact na kami, ngitian. She was drinking too and she drank with me and my friends. Nilalandi niya ako. Nagulat pa nga ako kasi ang alam ko may boyfriend siya nung panahon na yun.

We had couple of drinks and nung kami na lang, we did it. While in Drake's party, break na sila nun ng boyfriend niya kaya okay lang samin ng mga kaibigan ko the way she throws herself at us. Nilandi niya kami, we are guys at nahirapan lang kaming tumanggi tapos pinagbintangan niya na kami na ginahasa namin siya." Paggawa niya ng kwento.

Parang gustong umusok ng ilong at tenga ko sa galit. Nahihirapan akong magpigil. Hindi ko ginawa ang kahit isa sa mga yun. Nag-inom lang ako because it was a birthday party but what did they do? They drugged and raped me.

Z: The VictimWhere stories live. Discover now