LABING APAT

63 2 0
                                    

Nung matapos ang grad practice namin ng mga bandang 6:30 ng gabi, paglabas ko ng auditorium naghihintay sa'kin sina Bogs, Jom at Kiyo.

"Ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila.
"Hatid ka na namin pauwi," sagot ni Kiyo. Weird, usually kasi sinasabihan lang ako ng mga 'to ng "ingat sila sa'yo" everytime na alam nilang uuwi na ako.

"Delikado na ngayon e, laganap na ang rape, pangingidnap at pagpatay sa bansa natin. Halos puro babae pa ang biktima." Sabi naman ni Jom. Journalism ang course ng isang yan kaya maraming alam sa balita at sa mga nangyayari sa lipunan. Woke, kung tawagin.
"Ayaw naman naming matanggalan ka ng esophagus o hindi na makauwi," sabi pa ni Kiyo habang naglalakad kami pababa ng hagdan.

"Isa pa, nabastos ka daw kanina sabi ni Yno sa'kin." Sabi naman ni Bogs, tumango-tango lang ako.
"Nasaan nga pala yun?" Tanong ko pa.
"Maaga umuwi kasi may group study raw kasama yung matatalino niyang kaklase, gusto niyang mahawa sa katalinuhan nila. Basta binilinan niya na lang kami na ihatid ka nga daw pauwi." Sabi pa ni Kiyo tapos naglakad na kami palabas ng campus.

Nauna kaming maglakad ni Bogs kaysa kina Jom at Kiyo dahil naisipan nung dalawa na maglaro ng Mobile Legends. Ayokong katabi yung mga yun kapag naglalaro kasi ang ingay tas mura ng mura, akala mo nasa computer shop e.

"Kung hindi kaya ganito ang katawan ko o ang mukha ko, mababastos kaya ako?" Tanong ko out of the blue, tiningnan ako ni Bogs.
"Kung hindi ganun ang suot ko nung birthday mo, magagahasa ba ako?" Mahinang tanong ko pa. Bogs sighed.

"Ziana, don't blame yourself. It's not about how you dress or how you look like. They did that because they're perverts who can't keep their dicks inside their pants. Girls get raped because there are rapists, okay? Not because women are too pretty or too sexy." Yun ang sinabi sa'kin ni Bogs, ikinagulat ko na ganun siya. Seryosong-seryoso at tila ipinaglalaban ang bawat kababaihang nababastos o nagahasa.

Sana ganun mag-isip ang lahat ng tao. Kasi isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa iba ang nangyari sa'kin dahil sa takot kong masisi. Ayokong masabihan ng "ginusto mo rin naman yun", "nag-inom ka pa kasi", or "sana kasi nagdamit ka ng maayos para hindi sila naakit na gawin yun sa'yo."

Alam ko sa sarili ko that the rapists, they are the ones I should blame. Pero napapaisip rin kasi ako na baka nga kasalanan ko. Nalilinlang ako ng mga halimaw sa utak ko, halos maniwala na akong kasalanan ko nga kung bakit ako nagahasa. Buti nandito si Bogs para ipaalala sa'kin na hindi nga pala.

Napabuntong hininga ako. Hinatid nga nila ako sa bahay. Inalok ko pa silang pumasok para mag-juice or magkape or uminom ng tubig kaso mga uwing-uwi na rin. Medyo na-guilty tuloy ako kasi hinatid pa nila ako kahit na pagod sila, kahit hinahanap na si Kiyo ng mga magulang niya, kahit may mga gagawin pa si Jom.

Swerte ako that I have them.

But on second thought, I'm not pala. Coz one of them raped me.

Z: The VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon