DALAWAMPU'T DALAWA

53 2 0
                                    

Pagkalabas namin ng kwartong yun, hila-hila ako ni Yno habang tumatakbo. Parang ang lugar na 'to, iba dun sa pinag ganapan ng party. Tahimik dito. Pero nakikita ko pa rin mula dito ang bahay kung saan ginaganap ang party. Nasa likod kami ng kinaroroonan noon.

"Putangina, hindi pa ako tapos dun! Hanapin niyo!" Rinig namin mula sa third floor nitong bahay kaya nagtago kami sa ilalim ng hagdanan.
"You okay?" Pabulong na tanong sa'kin ni Yno. Umiling ako at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Natatakot na ako.

Nakiramdam kami sa paligid. Naririnig namin ang mabibigat na paa ng apat na lalaki sa taas ng hagdan. When we can no longer hear their footsteps, naglakad kami dito sa ground floor ng bahay na 'to at naghanap ng malalabasan. Bago pa kami makahanap ng malalabasan, bigla na kaming hinarang ng isang lalaki.

"Putangina, bitawan mo yan. Akin pa yan, hindi pa ako tapos diyan." Sabi nung lalaking nakalaro ni Bogs ng beer pong kanina. Hinawakan naman ni Yno ang braso ko.
"Dickheads, i foun—" hindi natuloy ang sinasabi nung lalaki nung bigla siyang sapakin ni Yno. Tumakbo kami papasok sa kusina at nagtago sa ilalim ng lamesang may mahabang tablecloth.

"Primo, nasaan na?" Rinig naming tanong ng isa.
"Andyan lang yan, hanapin niyo. Lock every exit that you could see." Sabi pa nung Primo.

Nakita naman naming papalapit ang dalawang pares ng paa dito sa kinaroroonan namin. Yno covered my mouth.

"Lumabas na kayo, ginagalit niyo si Primo e." Sabi nung isa. I was breathing heavily, kinakabahan ako. What the fuck is going to happen kapag nakita nila kami?
"Tangina, alam kong naririnig niyo kami." Sabi pa nung isa habang naglilibot sila dito sa kusina.

"Ziana! Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to. Sa ball, naghabulan pa tayo tapos ngayon pinapahabol mo na naman ako." Rinig kong sabi ng isa then I suddenly remembered him, the guy who owns the blue mask. Naiyak ako at bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba at takot. Sinenyasan ako ni Yno na manahimik.

"Lalabas ba kayo o lalabas kayo?!" Sigaw nung isa pa at nagulat kami nung may tumagos na kutsilyo mula sa taas ng lamesa. We ducked. Muntik na ang mga ulo namin dun! Fucc!!! Umalis sila at nanahimik kami.

Lumabas kami sa pinagtataguan namin habang hinahanap pa rin kami ng apat na lalaking gumahasa sa'kin. Kinuha ni Yno ang kutsilyong tumagos kanina mula sa mesa.

Then I started realizing na lima nga pala silang gumahasa sa'kin sa birthday ni Bogs. Nasaan na yung isa pa?

Kinapa ko ang bulsa ko habang nagtatago kami at nakikita namin sila, pero wala sa bulsa ng pants ko ang cellphone ko. I have to call Bogs or any of my friends, maybe the police too.
"You have your phone?" Bulong ko kay Yno habang pinupunasan ang luha ko. Inabot niya sa'kin ang cellphone niya.

Hinanap ko sa contacts si Bogs. I was scrolling on his phone's contacts nung makita ko ang mga pangalang Drake Montenegro, Edmund Wu, Primo Villaraza, at Gambino Cuenca. Napatingin ako kay Yno, may biglang sumagi sa isip ko.
"Call Bogs now," sabi niya and I dialed Bogs' number habang nanginginig ang kamay ko.

Pag-atras ko, may nabangga akong isang vase at nahulog yun. Napamura ako nung tumingin sa direksyon namin ang apat na lalaki. We reached for the closest exit possible at lumabas kami habang nagpapaputok ng baril yung Drake. He is trying to shoot us. We're lucky enough because he isn't a sharpshooter. Nalaglag pa ang cellphone ni Yno habang tumatakbo kami. Kukuhanin ko pa sana kaso hinatak na ako ni Yno.

Napunta kami sa isang malawak na garden nung makalabas kami ng bahay na yun. Hinarangan ni Yno ng mga paso ang pinto at saka niya ni-lock yun mula dito sa labas.

"We have to get back at the party," sabi ni Yno habang nakatalikod siya at hawak pa rin yung kutsilyo. Natanaw namin ang bahay na pinaggaganapan ng party at medyo malayo yun mula rito. Walang hiyang lote kasi 'to, napakalaki.

Nag-iisip kami ng gagawin habang nanginginig pa rin ako. Naalala ko ang ginawa sa'kin kanina ng mga lalaking yun, naiiyak na naman ako. Nagulat kami nung makita naming nakalabas na rin ng bahay ang mga rapist na yun, sa front door sila dumaan. Nasilip ko and they all have guns now.

Nagsimula kaming tumakbo nung makita naming papalapit na dito ang mga lalaki. We hid at the bushes at parang trumpong paikot-ikot ang apat na lalaking naghahanap samin.

"Yno, ilabas mo na siya!" Sigaw nung Gambino.
"Don't act like you aren't a part of this, dude." Rinig kong sabi nung Edmund kaya napalayo ako ng konti kay Yno. Nilapitan niya naman ako.
"Huwag kang matakot sa'kin," sabi ni Yno while trying to reach for my hands.

"You are one of us, Yno!" Sigaw nung Primo at nagpaputok siya ng baril. Lumayo pa ako ng lumayo kay Yno. Isang meter stick na ang layo ko mula sa kanya. Naiiyak na naman ako.
"Wag kang umarteng knight in shining armor ng babaeng ginahasa mo rin!" Sigaw pa nung Drake. And there my tears had start to fall again.

"Go!" Sabi ni Yno sa'kin at nagtaka ako sa sinabi niyang yun. Bigla siyang tumayo mula sa kinalalagyan niya.
"Mga dude, itigil na natin 'to. Ayokong mabugbog ni Bogs kapag nalaman niya 'to." Sabi ni Yno sa kanila, mula dito sa kinalalagyan ko, nakikita ko ang mga lalaking kinakausap niya. Nakatutok ang baril nilang lahat kay Yno.

"Nasaan si Ziana?" Tanong nung Primo and he stepped five times saka siya tumigil. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba.
"Tantanan niyo na siya, kaibigan ko yun." Pagmamakaawa ni Yno habang nakataas ang dalawa niyang kamay. Kaibigan? Shit! Unreal! He raped me too. I don't accept rapists as friends.

Sobrang gusto ko nang magwala at pagsasampalin si Yno, if only my life is not in danger right now.

"Lasing ka ba o high? As far as I can remember, I have never raped my friends." Sabi nung Primo kay Yno, ngumisi naman si Yno. His feet were moving, sumesenyas na umalis na ako. Gumapang ako palayo.

"No girl trusts you, Primo. Not even your own mother." Rinig kong sabi ni Yno dun sa Primo habang tumatakas ako. Nagulat ako nung makarinig ako ng putok ng baril at paglingon ko kay Yno, he was lying on the grass at may tama siya sa tiyan. Ang daming dugo, fucc!

"I'm sorry, Z." Sabi niya sa'kin. I ran like hell nung makita ako nung Primo. They fired shots at natamaan ako sa shoulder blades. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa malapit na ako sa bahay na pinaggaganapan ng party. Blood was still continuously running down my back nung tuluyan akong makatungtong sa pool area ng party na 'to.

Nakita ko mula sa kinatatayuan ko sina Bogs, Kiyo at Jom. Kahit nanghihina, lumapit pa rin ako sa kanila.

"Saan ka nanggaling? Si Yno, nasaan?" Tanong ni Jom habang papalapit ako sa kanila. I was not able to answer his questions dahil sa panghihina.
"Kanina ka pa namin hinahanap," sabi pa ni Kiyo.
"What happened to you?" Tanong sa'kin ni Bogs, I started crying habang nakayakap ako sa kanya. Nakapa niya ang tama ng bala sa likod ko at pinatingin ako sa kanya by tilting my head up to face him.
"Anong nangyari? Tell me." Sabi pa sa'kin ni Bogs then I was shot again. Nagulat siya pati ang mga taong nandito. Nag-alisan sila sa pool.

Binuhat ako ni Bogs habang nararamdaman ko pa rin ang pagdaloy ng dugo mula sa likod kong may mga tama ng bala.

"Call the police, now!" Yun ang huli kong narinig.

Z: The VictimWhere stories live. Discover now