APAT

84 5 0
                                    

May bata pa rin sa loob ko, pero pumasok ako sa school. Ilang linggo na lang naman kasi at matatapos na ang school year na 'to. Halos puro graduation practice na lang kami. Magkakaroon daw ng grad ball at lahat required na sumama.

Wala akong choice, kahit na ang dami kong problema at iniisip, kailangan ko raw pumunta dun. Bukas na ang grad ball. Nung uwian na, sinundo ako nila Gina at Kyril sa classroom ko. Sinamahan ako nung dalawa sa mall para pumili ng gown na isususot ko bukas at para bumili ng sapatos.

Nagsukat ako ng nagsukat. Bilib ako sa katawan ko, payat pa rin ako kahit may bata sa tiyan ko. Ni hindi nga halata na buntis ako e. Pero soon lalaki na ang tiyan ko. Hindi ko pa rin alam kung dapat bang patuloy kong buhayin ang anak ng demonyong 'to. Sa ngayon ang alam ko lang ay dapat itago ko sa mga tao ang tungkol dito.

Pero gabi-gabi akong umiiyak dahil gabi-gabi ko ring naaalala ang nangyari sa'kin. Para ako laging mababaliw.

Nung nakapili na ako ng gown, binili ko yun. Sunod kaming naghanap ng sapatos. Nung makabili na kami ng sapatos, kumain kami sa KFC. Marami akong inorder dahil gutom ako. Nagtaka pa nga sina Gina at Kyril.

"Parang ang takaw mo yata ngayon," sabi ni Gina sa'kin. Kung alam niya lang, I'm eating for two.
"Wag ka masyadong kumain, baka di na magkasya bukas yung damit mo sa'yo." Sabi pa ni Kyril, tumango-tango na lang ako.

Umuwi na kami matapos yun. Kinamusta ako ni Ate Mariana. Tumawag na naman daw si kuya at hinahanap ako. Iniiwasan ko kasing makipag-usap sa kuya ko kasi alam kong hindi ko kakayaning magsinungaling sa kanya.

Kinabukasan, 12 ng tanghali ako nagising. Naligo na ako agad at nag-make up. Nung nagbibihis na ako, may hinahanap akong hikaw. Isa lang kasi ang nandito e. Isa yung hikaw na shell ang design. Hindi siya dangling, simple lang yun at stainless steel lang ang material. Ngayon ko lang hinanap kasi ngayon ko lang naman ulit kinailangan. Ni hindi ko nga maalala kung kailan ko huling ginamit yun.

Mamayang 4 ang simula ng grad ball namin. Si Fred daw ang susundo at maghahatid sa'kin sa grad ball, sabi ni Ate Mariana. Matagal niya na kasing pinangakong gagawin niya yun.

Bilib ako kay Fred dahil kahit nasaktan ko siya nung malaman niyang buntis ako at nung hiwalayan ko siya, he still intends to keep his promises to me and kay Ate Mariana. Hindi rin niya sinasabi sa iba ang totoong dahilan ng paghihiwalay namin. Natapos ang pag-aayos ko nung 3 ng hapon.

3:45 dumating si Fred, hindi pa rin talaga siya marunong ma-late. Sumuko na ako sa paghahanap ng hikaw. Pumasok ako sa kotse ni Fred, sa tabi ng driver's seat at tahimik lang kami dun. Nakasuot pa siya ng pambahay at halatang lumabas lang talaga siya para ihatid ako.

"Salamat," sabi ko sa kanya. Nginitian niya lang ako. Mukhang hindi niya pa ulit ako kayang kausapin at naiintindihan ko naman yun. Tahimik sa buong biyahe, ang tugtog lang ng kanta ni TJ Monterde na Hanggang Dito Na Lang ang tunog na maririnig sa loob ng kotse. Tiningnan ko si Fred, maraming beses pero umiiwas siya ng tingin.

Kagat-kagat niya rin ang labi niya, sign na nagpipigil siyang umiyak. Ang torture nito saming dalawa. Parehas na kaming nagpipigil na umiyak ngayon, pinipigilan ko rin ang sarili ko na sabihing namiss ko siya at mahal ko pa rin siya. I badly want to hug him, pero aayusin ko muna ang lahat ng 'to.

Nung makarating kami sa venue, hinabilinan niya pa ako bago ako bumaba ng kotse.
"Wag kang iinom ng alak, masama para sa bata yun. I-text or i-chat mo lang ako kung uuwi ka na. Wag kang magko-commute pauwi kahit na gaano katagal bago ako makarating dito, delikado na sa panahon ngayon." Yun ang mga bilin ni Fred, tumango-tango na lang ako at lumabas na ng kotse.

I miss how he does that, yung pagbibilin at pagbabawal sa'kin. Tama siya nung sabihin niyang delikado na sa panahon ngayon. Kasi nung huling hindi ako nagpahatid sa kanya pauwi, nagahasa ako.

Z: The VictimWhere stories live. Discover now