DALAWAMPU'T LIMA

55 3 0
                                    

ZIANA

Pinapakain ako ni Kyril ngayon. Pinauwi ko muna si Ate Mariana at Jepoy para makatulog sila ng maayos. Ang Kuya ko, uuwi na raw next week dito. Nandito sina Kiyo at Jom habang si Bogs, nagpapabalik-balik dito at sa presinto. Pakiramdam ko pabigat ako. It's only been 5 hours since it all happened.

Sinabi nilang nandito rin sa ospital si Yno. Alam na nila na nagahasa ako, alam na rin nilang he's one of them. Just hearing his name makes me want to cry. Alam ko namang isa sa mga kaibigan ko ang gumawa sa'kin ng kababuyan pero masakit pa rin pala kapag alam mo na kung sino ang traydor sa kanila.

Nakuha na ng mga pulis ang buong statement ko. Fresh pa ang lahat sa alaala ko.

"You good?" Tanong sa'kin ni Kyril pagkatapos kong kumain. Hindi ako sumagot.
"Si Bogs?" Tanong ko, kanina pa kasi siya umalis. Hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik.

"Kiyo, di pa ba nagtetext si Bogs?" Tanong ni Kyril sa boyfriend niya at umiling lang ito. Bumuntong hininga na lang ako. He does not have to do any of this. Pero alam ko rin kung gaano siya kaapektado dito. Kasi lahat ng involve sa nangyari sa'kin, kaibigan niya or family friend nila.

Nagsasawa na ako sa kakatanaw sa apat na sulok ng puting kwarto na 'to kahit ilang oras pa lang ako rito. Tiningnan ko sa wall clock kung anong oras na, five na ng hapon.
"Pwede ba tayong manood ng sunset?" Tanong ko kina Kyril. Nagtinginan muna sila, nag-iisip kung papayag ba.

"I'll just go ask for a wheelchair," nakangiting sabi ni Jom at lumabas mula dito. Hinintay namin siya. Pagdating niya, inalalayan ako nung dalawang babae sa pagtayo. Magkakasama kaming lumabas sa kwartong kinaroroonan ko. Sina Jom at Kiyo, nagpaalam dahil may pupuntahan pa raw sila.

Dinala nila ako sa dulo ng floor na 'to. Glass naman ang bintana kaya natatanaw ko pa rin ang sunset. Nakakalma ako nito kaya nag-request akong makita yun. Sobrang ganda ng sunset.

Naisip ko bigla, paniguradong kalat na rin sa university ang lahat ng nangyari. I don't know if I could still step foot on that place. Paniguradong titingnan nila ako with judging eyes at makakarinig ako ng masasakit na salita mula sa mga tao. Kaya rin hindi ko pa hinahawakan ulit yung cellphone ko kasi it still won't make me feel better.

Actually, gusto kong lumayo sa lahat. But knowing that there are still people na mag-sstay sa tabi ko sa mga ganitong time ng buhay ko. I always knew I chose the right friends, I was just wrong in choosing one. But the rest were fine. Hindi pa ako na-ooperahan kasi pumayag akong magpa-rape kit exam.

I'm going to take the rape kit exam now, at this moment. Sabi nila sa'kin, it's an exam kung saan maghahanap sila ng evidence sa katawan ko like semen, hair, or saliva nung mga nang-rape sa'kin and I can use that to sa kasong ihahain namin laban sa mga nang-rape sa'kin. Ayoko sanang gawin 'to pero makakatulong daw 'to sa kaso against those rapists.

Humiga ako sa parang bakal na kama, naked with a girl nurse and she did what she had to do. Lahat ng ginawa niya gaya ng pagkuha ng swabs sa katawan ko at sa maseselang parte ng katawan ko, tinanong niya ako everytime. Kailangan raw yun so that they are sure na hindi ako nava-violate at pag sinabi kong hindi ko kayang ituloy 'to, titigil sila agad.

Umiyak ako when it's about to be over. Isang step 'to patungo sa hinahanap kong hustisya.

Right after the rape kit exam, dinala na ulit ako sa hospital room. I requested my friends na umalis muna, gusto ko mapag-isa. I ate the apple na iniwan ni Bogs dito, pampakalma.

But it did not calm me. Naalala ko na naman ang nangyari nung birthday party nung punyetang Drake na yun. Nag-fflash sa utak ko kung paano nila ako hinubaran, hinawakan, binaboy. Kinurot ko yung sarili ko at nagkaroon ako ng mga sugat dahil dun. I started crying again.

Napasigaw na ako nung unbearable na yung pain ng pagkurot ko sa sarili ko. Bogs and Ate Mariana came in. Nakita kong gulat sila. May dugong nalabas sa braso at legs ko, kung saan ko kinurot yung sarili ko. Nakabaluktot na ako sa kama kasi sobrang sakit na.

"Anong nangyayari sa kanya?" Rinig kong tanong ni Ate Mariana kay Bogs.
"She's scared," sagot ni Bogs at unti-unti akong nilapitan tapos hinawakan ang kamay ko para ilayo yun sa legs at braso ko.
"Tatawag ako ng doktor," sabi ni Ate Mariana at lumabas na. Humagulgol ako sa harap ni Bogs.

Lumapit sa'kin siya at niyakap ako, tinutulak ko siya habang umiiyak. Nalalagyan na ng dugo ko yung damit na suot niya pati itong kama pero hindi siya lumayo, he just hugged me tighter.
"Hey, hey I'm here." Sabi sa'kin ni Bogs habang hinahagod ang likod ko at pinapatahan. Tinutulak ko pa rin siya. I don't want him near me, I'm hurt and I can hurt him too with this state of mine.

May dumating na doctor at nurses. Hinawakan nila ako at tinurukan ng tranquilizer yata. From crying loudly, naging mahihinang hikbi ang nilalabas ko. Inihiga ako ni Bogs at lumapit ang nurse sa'kin para gamutin ang mga sugat ko. The doctor talked to Ate Mariankhn

Z: The VictimWhere stories live. Discover now