LABING ANIM

63 1 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Putangina niyong tatlo," sabi ng lalaking nagmamay ari ng asul na maskara at muling sinapak ang dalawa pang kasama niya sa panggagahasa kay Ziana. Nalaman kasi niya mula sa ibang tao ang paglapit ng tatlo kay Ziana.
"Bakit niyo nilapitan si Ziana? Ganyan na ba kayo katigang?" Sabi pa nito at pinigilan siya ng kaibigan ni Ziana.
"Sorry, nung una talaga hindi namin alam na siya yun." Sabi ng maputing lalaki.
"Nung nalaman niyo, you should've left." Sabi pa ng lalaking may ari ng maskara. Tumayo mula sa pagkakaluhod ang tatlong lalaki at pinunasan ang mga mukha nilang may dugo.

"Napaka-careless niyo." Sabi ng kaibigan ni Ziana. Natahimik ang tatlo. Nakatanggap ng sapak sa mukha mula sa kaibigan ni Ziana ang singkit na si Drake dahil sa pagsasabi niya ng pangalan niya kay Ziana. Sa sobrang inis ay lumabas ng kwarto ang kaibigan ni Ziana at sinundan siya ng lalaking may ari ng asul na maskara.

Napabuntong hininga ang dalawa pang kasama noong Drake habang tinutulungan siyang tumayo.
"Sabi ko sa inyo dapat hindi natin nilapitan e." Sabi ng kayumanggi sa dalawa.

Sa ibang sulok ng bahay na kinaroroonan ng limang lalaking lumapastangan kay Ziana, nag-uusap ang dalawang lumabas mula sa kwarto.

"Pre, kalma." Sabi ng may ari ng maskara sa kaibigan ni Ziana. Nainis ang kaibigan ng biktima sa narinig niyang yun.
"Pucha, paano ako kakalma? Sa ating lahat, if this this blows, pag nalaman nila Ziana at Bogs na isa ako sa gumawa ng kababuyang yun, they would fucking hate me for life man! Kayo? What's the worst thing that could happen to the four of you? Makukulong? Or would you guys even let yourselves be in jail?" Magkakasunod na tanong ng kaibigan ni Ziana.

"Naiintindihan ko kung bakit ganyan ang reaksyon mo per—" hindi natuloy ang sinasabi ng lalaking may ari ng maskara dahil sa pagsasalitang muli ng kaibigan ni Ziana.
"Hindi mo ako naiintindihan! I see her almost everyday, you don't know how it feels to be the rapist of your own friend, okay?" Sabi nito at lumabas ng bahay.

Habang nagmamaneho ang kaibigan ni Ziana nang walang patutunguhan, binagabag na naman siya ng konsensya niya. Ni hindi na siya makatulog simula nung malaman niyang nabuntis si Ziana at nakunan. Gustong-gusto niyang i-comfort ang kaibigan, gusto niyang nandun siya sa tabi nito at nilalabanan ang mga masasamang gumawa noon kay Ziana. Kaso hindi niya magawa dahil isa siya sa mga yun.

Kalkulado pa ang bawat galaw niya sa tuwing magkakasama silang magkakaibigan, para siyang nag-eespisya para sa mga kasama niyang rapist. Siya ang naiipit sa sitwasyong ito at nahihirapan na talaga siya.

Isang tanong lang ang tumatakbo sa isip niya...

Bakit hindi niya muna pinag-isipan ang mga magiging resulta bago niya napagdesisyunang gahasain si Ziana?

Z: The VictimWhere stories live. Discover now