DALAWAMPU'T PITO

54 1 0
                                    

ZIANA

Kakalabas ko lang ng ospital, sina Bogs, Ate Mariana, at ang Kuya Zaldy ko ang sumundo sa'kin sa ospital. Kotse ni Bogs ang ginamit. Magkatabi kami ni kuya dito sa likod ng kotse.

"Kamusta ka na?" Tanong ni Kuya Zaldy sa'kin. Ngayon lang kami nagkita e, kauuwi niya pa lang din kasi. Hindi ko sinagot ang tanong niya.

Nung makarating sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko. Narinig ko pang nagpasalamat sina Kuya kay Bogs pero humiga lang ako at tumulala habang nasa kama. Gumaling na ang sugat na nakuha ko nung binaril ako.

Humarap ako sa salamin, naalala ko na naman ang nangyari sa'kin. Yung mga paghawak nila sa katawan ko, yung fact na isa sa mga kaibigan ko ang nanggahasa sa'kin. Gusto ko silang makita para saktan isa-isa. Sinabi nila sa'kin na nasa kulungan na rin si Yno, sumuko daw. May mga nakuha rin daw na evidences na makapagpapatunay na sila nga ang nanggahasa sa'kin. Tinanaw ko na lang ang nasa labas ng bintana ng kwarto ko habang pinupunasan ang luha kong pumapatak na naman.

Ang unang hearing daw, magsisimula sa susunod na linggo. And I should be there. Handa na akong makita sila, handa na akong idiin sila sa nagawa nilang pambababoy sa'kin, gustong-gusto ko nang makita na nagdudusa sila sa kulungan.

Kinatok ni kuya ang pinto ng kwarto ko. Hindi naman naka-lock yun kaya hinayaan ko lang siya at hindi ako sumagot. Pero pumasok pa rin si Kuya. Ramdam ko na may nilapag siya sa kama ko.

"Kain na," sabi sa'kin ni Kuya. Napaharap naman ako sa kanya. Nakikita ko ang lungkot at awa sa mga mata niya habang tinitingnan niya ako. Tiningnan ko kung ano ang pagkaing dinala niya sa'kin

Adobo at kanin yun. Kinuha ko yun. Ngayon pa lang ulit ako makakakain ng pagkaing may lasa, di katulad nung sa ospital.
"Sina Kyril ang nagluto niyan," sabi niya at umupo rin sa kama ko. Hindi pa rin ako nagsalita. Hindi ko alam kung ready akong kausapin siya kasi alam kong magtatanong siya tungkol sa nangyari sa'kin. I don't want to talk about that.

Kumakain ako nung bigla akong yakapin ni Kuya Zaldy.

"Kuya," sabi ko. Nagulat kasi ako. Sa ilang taon kong nakasama ang kuya ko, ngayon lang niya ako niyakap ulit. Last time is nung namatay ang mga magulang namin which is like 8 or 9 years ago. Simula kasi nun, umalis na siya ng bansa para buhayin ang pamilya niya pati na rin ako.

"Sorry kung ngayon lang umuwi si Kuya," sabi niya sa'kin at naramdaman kong umiiyak siya dahil nabasa ang balikat ko. Humarap ako sa kanya.
"Naiintindihan ko naman kuya," sabi ko sa kanya.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin? Kung hindi ka pa muntik mamatay, hindi ko pa malalaman, Z." Dahil sa sinabing yun ni Kuya ako naman ang naiyak. Niyakap niya ulit ako at hindi na ako natigil sa pag-iyak. Sayang yung adobo, mukhang hindi ko na makakain. Hinagod ni Kuya ang likod ko.

Siguro nga kung nandito si kuya nakatira, baka hindi nangyari sa'kin ang mga bagay na 'to. Bukas, graduation na namin. Hindi ako magmamartsa pero sila kuya na lang daw ang kukuha ng diploma ko.

"Andito na ako, no one can hurt you now Z." Sabi sa'kin ni kuya, and there I felt safe. At least safer than I have ever been. Yung parang wala na talagang makakapanakit sa'kin, parang everytime na kasama ko si Bogs.

Z: The VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon