LABING ISA

686 4 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Buntis nga si Ziana," anunsyo ng maputing lalaki sa kanyang mga kasamahan, kabilang na ang kaibigan ni Ziana. Nagkagulo ang apat pang lalaki at nagsisihan. Umupo ang maputing lalaki sa tabi nila.
"Nagsisisihan pa kayo e nalaglag na yung pinaka-strong niyong semilya na naka-survive sa lahat." Sabi ng lalaking maputi. Natahimik ang lahat.

"Putangina kailangan ko siyang kamustahin," sabi ng kaibigan ni Ziana. Napailing na lang ang lalaking may ari ng blue mask.
"Ngayon ka pa magpapakakaibigan sa kanya kung kailan napagsamantalahan mo na siya." Sabi ng blue mask guy. Bumuntong hininga ang kaibigan ni Ziana.

"One more thing, tingin ko alam na ni Bogs." Sabi pa ng lalaking maputi.
"Anong alam niya? Yung ginawa natin o yung nakunan lang si Ziana?" Tanong pa ng kaibigan ng biktima. The fair skinned guy just shrugged his shoulders.

Habang ang kaibigan ni Ziana, kinakabahan. Hindi niya alam ang gagawin niya, kakamustahin ba ang kaibigang nakunan? Pero anong sasabihin niya kapag tinanong siya ni Ziana kung paano niya nalaman ang tungkol dito? Marami pang tumatakbo sa utak niya, gaya ng paano kung malaman na nila na ginahasa si Ziana? Paano pag nalaman ng mga kaibigan nilang isa siya sa mga nambaboy kay Ziana?

Ngayon lang niya napagtatanto ang consequences na idinudulot ng kalibugan niya. Ni hindi pa siya nakakatulog ulit ng mahimbing dahil kapag pumipikit siya ay naririnig niya ang mga hikbi at pagpupumiglas ni Ziana. Maaari siyang mawalan ng mga totoong kaibigan dahil sa ginawa niya.

Ang lalaking may ari ng asul na maskara naman ay hindi man lang kinakabahan. Sa isip niya, if worse comes to worst, alam niyang safe siya. Palibhasa at mayaman ang pamilya niya, kayang-kaya nilang gawin ang lahat. Konting bayad lang, makukuha na niya ang gusto niya.

Ang dalawa pang mga manggagahasa ni Ziana, iniisip kung bakit nga ba sila sumama sa lalaking may ari ng maskara na gahasain si Ziana? Bakit nila pinagnasaan ang kaibigan ni Bogs? Si Bogs na kilalang nambubugbog sa mga nananakit sa kaibigan niya? Bakit sila bumatak ng droga nung gabing yun?

Ang lalaking maputi, ayun at umiinom ng alak para makalimutan ang kabang nararamdaman niya sa mga posibleng mangyari sa kanila. Naiisip niya, bakit hindi niya na lang pinatahimik ang ari niya nung gabing yun?

ZIANA

Simula nung umalis si Bogs dito sa hospital room kung nasaan ako, hindi pa ako natitigil sa pag-iyak. Sina Ate Mariana at Jepoy, bumili ng pagkain. The nurse even saw me crying nung dinalahan niya ako ng pagkain.

Sa totoo lang, it's not the unborn baby that's making me cry but the fact na alam na ni Bogs. Hindi ko alam kung anong gagawin niya matapos niyang malaman at alam kong galit siya. Kitang-kita ko yun kanina. He treats me like a sister kaya alam ko kung ano ang mga bagay na capable siyang gawin.

Ni ako nga hindi ko pa alam kung sino ang nang-rape sa'kin e.

Ilang araw din akong iniwasan ni Bogs. Kung hindi pa ako pumunta sa bahay niya ng walang sabi hindi pa kami magkikita at makakapag-usap. Nakasando at shorts siya, nakasuot din siya ng boxing gloves habang sinusuntok ang isang punching bag. Nasa gym ako ng bahay niya.

"Kausapin mo naman ako," sabi ko kay Bogs. Dapat nasa school ako at nag-aayos ng mga kailangan sa clearance ko e pero uunahin ko muna 'to. Makakapaghintay pa naman yun. Tumigil siya sa pagsapak sa punching bag, tiningnan ako at bumuntong hininga.

Tinanggal niya ang boxing gloves at lumapit siya sa'kin. Inabot niya sa'kin yung boxing gloves at pinababa ang shoulder bag ko. Nagtataka ako pero sinuot niya sa kamay ko ang boxing gloves.

"Suntukin mo ako," utos niya sa'kin at umiling-iling ako. Naiiyak na naman ako.
"Bakit?" Tanong ko kahit alam ko kung bakit niya pinapagawa sa'kin yun. Napabuntong hininga pa ako dahil ang bigat ng atmosphere between us right now.

"Kasi may kasalanan ako sa'yo," sagot niya at hinawakan ang kamay ko tapos sinuntok ang sarili niya sa ganung pamamaraan. Tinulak ko siya ng mahina.
"It's not your fault, Bogs." Mahinahong sabi ko.
"At kaninong kasalanan yun? Sinong dahilan kung bakit nangyari yan sa'yo? Ikaw?" Tanong niya sa'kin.

"E ikaw, you just came to my party that night and you're not to blame for doing that. Oo, nalasing ka. They drugged you and raped you. If I did not give them the drugs, wala silang maihahalo sa inumin mo at hindi sana nangyari yan sa'yo." Dagdag ni Bogs at hindi ko na napigilan, naiyak na naman ako. Napahawak ako sa tuhod ko at napatungo. Nanghihina ako sa mga nangyayaring 'to.

"Sisihin mo ako, saktan mo ako, kasi I'm part of what happened to you. Ni hindi ko nga alam kung bakit hindi ka galit sa'kin e ako nga galit sa sarili ko." Napaupo ako sa sahig nung sabihin ni Bogs yun.

"Tangina, kung alam mo lang. Gustong-gusto kitang sisihin. If not for the drugs you have that night, sana nga hindi ako nagahasa, sana hindi ako nabuntis, sana hindi kami naghiwalay ni Fred. Pero Bogs, you are the greatest friend I have at hindi ko kayang magalit sa'yo." Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko. Umupo rin siya sa sahig at hinawakan ang baba ko.

"I'm sorry, I really am Z." Sabi niya pa at niyakap ako.

Z: The VictimWhere stories live. Discover now