Chain 7 - Locked

305 18 1
                                    

Chain 7

Locked

I glared at his pitch black eyes. The darkness of it makes him look more dangerous. I know that he's not just an ordinary person. This man in front of me is a demon. Merciless. Heartless. He wants to get whatever he wants. But he won't get me. Never.

I can't believe that he asked me that. Just like what the hell? I want to punch his damn face.

I rolled my eyes before started walking towards his extravagant car. Marahas kong binuksan ang pintuan ng front seat at binalingan si Kendall na nagugulat.

"Sakay Kendall," sabi ko bago pumasok sa kotse.

Padabog ko iyon isinara at bumuntong hininga. Nakakainis! I have no choice!

"You don't really want me to get in your life huh?" Nakangising pumasok si Zarvick sa driver's seat.

Matalim ko siyang tiningnan. Hindi siya nakatingin sa akin dahil may inaayos siya sa manibela. Nakanguso siya nang bumaling sa'kin, ako naman ang inalis ang tingin sa kanya.

"Ayoko. Talaga." Mariin kong sinabi.

"Oh, damn girl... Are you locked? Do I need to find keys to enter?" Makahulugan niyang sabi.

"I'm not locked," sagot ko.

Walang susi, Zarvick. I'm open for everyone pero ikaw lang ang hindi ko pwede pagbuksan.

"Ikaw lang ang hindi pwedeng pumasok." Dugtong ko.

Sasagot na sana siya ngunit pumasok na si Kendall sa passenger's seat. Napailing nalang si Zarvick bago paandarin ang kotse.

Tumingin ako kay Kendall sa rear view mirror at naabutan kong nakangisi siya sa akin. Nang-aasar. Inirapan ko siya at tumingin nalang sa labas.

"I'll bring you to the hospital,"

Napatingin ako kay Zarvick na nakakunot na ang noo habang nagdadrive. Seryoso siyang nakatingin sa daan at feeling ko ay nagagalit siya rito. Anong problema niya?

"No, idala mo kami sa Dungeon." I said firmly.

"You were shot! Hindi pwedeng doon mo gamutin 'yan–"

"At bakit hindi pwede? Kaya kong gamutin ang sarili ko. Simpleng daplis lang naman 'to. Psh." Umiling ako at umirap sa kawalan.

Saka ang maarteng girlfriend mo ang may gawa nito! Magsama talaga kayo. Kairita!

Tumingin siya sa kanang braso ko at nagmura.

"Shit. I forgot." Bulong niya bago ihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Nagtataka ko siyang tiningnan ngunit bigla niya nalang pinunit ang manggas ng long sleeve niya. Doon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng medyo formal na damit at ang long sleeve niya ay nakatupi hanggang siko.

Narinig ko ang pagsinghap ni Kendall sa likod dahil sa ginawa ni Zarvick.

"Come here," marahang sabi nito at hinarap ako.

I did not move. Bumuntong hininga siya bago ako iniharap sa kanya. Wala akong nagawa. Inalis niya ang kamay kong nakatakip sa sugat at tiningnan iyong mabuti. Pagkatapos ay inikot ang manggas ng long sleeve niya sa braso ko. Pinanood ko lang ang ginawa niya.

"Feel better?"

Namilog ang mga mata ko nang tumaas ang tingin niya sa akin. Nilayo ko ang mukha ko at tumango nalang. Tumikhim siya at muling nagmaneho. Damn.

Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng Dungeon ay mabilis na akong bumaba.

"Thanks," sabi ko ngunit bumaba rin siya.

Breaking The Chains (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin