Chain 23 - I'm done

148 10 1
                                    

Chain 23

I'm done

Umawang ang labi ko sa mapanindig balahibo niyang sinabi. Oh, just, fuck? What?

Flirty jerk! That wasn't true! If I know, that was for Avarice. Halata naman na nagkalabuan sila noong nag-uusap sila sa harap ng Main Building. Oh, don't fool me, Izra!

"Then stop yourself, Izra! Stop thinking of me," umirap ako.

Tumaas ang kilay niya. "That's hard. Kapag hindi kita inisip parang sinabi mo na rin na magpakamatay ako," ngumuso siya.

What?!

I felt my cheeks heated. I bit my lower lip hard to stop what I am feeling. Magkakaroon yata ako ng heart attack dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Oh, the horses inside of it, calm down!

Bago pa man may kung ano pang sabihin ang Izra na 'to ay agad ko na siyang tinulak. Nagulat ako sa bigla niyang pag-atras sa pagtulak ko dahil sa lakas niya. Matalim ko siyang tiningnan ngunit nakangisi pa siya habang kagat-kagat ang labi. I know he's hot and sexy– oh, goddammit!

"That's good. Stop thinking of me and I'll be glad coz' you'll be dead."

Mabilis kong inalis ang suot kong gloves at bumaba ng ring. Nagulat ang mga manonood sa ginawa ko.

"Cli, where are you going?" Gulat na sigaw ni Kendall.

Hindi na ako lumingon ngunit sumagot ako.

"Call of nature," umismid ako. Kailangan kong ilabas ang panget na nararamdaman ko.

Umalis ako ng training area at nagmamadaling bumaba. Ramdam ko pa rin ang init ng mukha ko at ang pagtakbo ng mga lintik na kabayo sa puso ko. What the hell is this feeling?

Huling baitang sa hagdanan ay napahinto ako nang bigla kong nakasalubong si Rheum. I feel so damn guilty and I don't know how to face him right now.

"Climate..." Mahinang sinabi niya. Nagulat din yata nang makasalubong ako.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya napatingin nalang ako sa suot niyang black sando and blue jersey shorts.

"You'll gonna train?" Tanong ko sabay turo sa taas kung saan ako nanggaling.

He nodded. "I need to train more..."

Kumunot ang noo ko nang makitang mukhang matamlay siya. He didn't even smile at me.

"How was your fight? I'm sorry I wasn't able to watch you..." Kinagat ko ang labi ko sa hiya. I promised but I broke it.

He smiled a bit. "It's okay Climate, there will be a next time and... I lose in the fight. Natalo ako,"

Nanlaki ang mga mata ko at nagugulat siyang tiningnan. Malungkot siyang ngumiti sa 'kin. Doon ko palang mas natitigan ang mukha niya. Namamaga nga ang kaliwang mata niya at may iilang pasa at sugat na mayroong band-aid.

"W-What? Mas malakas ba ang kalaban?" Iyon lang ang nasabi ko.

He just shrugged his shoulders. "Maybe? But I asked for a rematch so I need to train more. Kulang pa yata ang pag-eensayo ko. Sana makanood ka na next time,"

Tumango agad ako. "Yes, I will. Sorry again Rheum, kinausap kasi ako ni Mr. Megarry kaya hindi ako nakapunta–"

"I understand, Climate. Sige, punta na 'ko sa training area,"

Tumango nalang ako bago niya lagpasan. Oh, darn, I feel bad. Pumunta na ako sa cell at agad na naligo. Kinuskos kong mabuti ang wrist ko nang maalala ang nangyaring sparring match sa pagitan namin ni Zarvick. I can still feel his touch on my skin! Halos namula na iyon dahil sa ginawa ko. Pati ang aking mukha ay sinabon kong mabuti at halos mahilam ang mata ko at malasahan ang sabon. Damn it. Feeling ko ay nakakapit pa rin ang mabango niyang hininga sa mukha ko!

Breaking The Chains (COMPLETED)Where stories live. Discover now